Sunday, February 20, 2005

Anime Xplosion 2005

Kanina nagpunta ako sa isa na namang anime convention. Pagdating ko dun ay laking gulat ko na makita ko ang Nyoy Volante & Mannos na kumakanta sa stage ng AXN o.O Walanjo! Hindi alam na may gig pala sila ^_^; Kinamusta ko lang sila at buti naalala pa nila ako (no wonder, ako lang makulit eh). Tapos nun ay pumunta na ako sa talagang pakay ko sa Megamall...ang Anime Explosion! Amfness P150 entrance! Pero no choice kaya bumili na rin ako ng ticket. Pagpasok ko ay na shock ako sa aking nakita. Magkatabi booth ng Tantra at Ragnarok..syet..gera na 'to hehehe..naglibot muna ako at nakita ko yung mga kakilala ko sa anime industry. Hindi ko na babanggitin lahat kasi aabutin tayo ng Semana Santa nyan. Nakita ko na sina Buknoy, Arikado at Air-Run..ang 3 bugok..pag sinama mo ako ay 4 na gwapings na....hehehe. Maya maya ay nakita ko na sina Den at Lolo. Oo nga pala..EB rin ng Kuleet-INC kanina..hehehe. Binigyan ko ng kiss-sabay-hug si Den hehehe.

Click <.labshoo! Tapos nakipagkilala na ako sa rest ng Kuleet, na talaga namang makukulit hehehe. Nagsimula na ang cosplay competition...madaming bagong costume at maganda yung kay Edjie (bias ka amf!) Sa wakas pinakilala na rin ako ni Edjie sa mom na. Hindi ko tuloy alam na is it a good sign or a bad sign? Sayang wala si Ashley nun (pero akala ko siya yung dragon, wakekeke!) Maganda rin yung kay Die (parang wala naman kayong pinagsamahan eh, dagdagan mo pa! Hehehe) Sa kalagitnaan ng cosplay competition ay may umakyat sa stage na kilala ko..amf! si Benedict! Sa mga hindi nakaka alam, si Benedict ay estudyante ng unibersidad ni Amable at medyo may problema sa kanyang pag iisip. Buti na lang at hindi siya nag wala (phew) at nung bumaba siya sa stage ay kinausap ko siya at nag pa picture na rin..hehehe. Nung matapos na ang cosplay ay tska lang dumating si Ashley. kasama miya ang kanyang bestfriend na si Faus at kinamusta ko sila as usual. Nagulat ako ng sinabi nila na isa na akong moderator ng FADE forum. waw! Matapos makipag chikka chikka sa kanila ay naglibot muna kami. Nakita ko na walang connection ang Ragnarok pero sa Tantra meron naman (fishy?). Pinuntahan ko rin yung booth ng SHADE, isang bagong 3d rendering program at lumapit ako dahil:

a.) May freebies
b.) Maganda yung babae (singkit eh)

Mabait naman yung babaeng kumausap sa akin at katunayan pa nga ay binigay niya ung pin na suot niya sa akin (naks!) Sabi niya tetext niya daw ako pag may seminar sila..sana nga..hehehe. Late dumating si Polence (sayang) pero kung titignan mo ang costume niya ay vavavum! siya dun hehehe. Kinamusta ko lang siya at dinumog na siya ng fans niya kaya hindi ko na siya na picturan pa *sob* 8pm na ng mapansin namin na gutom na kami (grabe) kaya nagkayayaan ng kumain. Nagpaalam na kami sa mga friends namin at kumain na kami sa foodcourt at umuwi na kami....What a Day ^_^;

Click here to see the pics

No comments: