Friday, February 18, 2005

From X-Ray to Constantine

Nagpa X-Ray kami ni Tristan sa JP Sioson kanina, sinamahan kami ng dad niya kaya libre transpo hehehe...nung ine x-ray ako ay pinatayo ako sa pader na may metal plate at sinabi na huminga daw ako ng malalim. Ngayon alam ko na nararamdaman ng papel pag sine xerox..wakekeke! Tapos nun ay hinatid kami sa NBI sa Quiapo at iniwan na kami ng dad ni Tristan dun. Pag akyat namin ay nalaman namin na may P20 palang entrance fee! buset na gobyerno yan! hehehe! First time ko kumuha ng clearance kaya dumaan ako sa mahabang proseso...huhuhu. Akala ko makukuha ko na ung NBI clearance ko pero hindi papala..27 hits ako eh (27 na may kaparehong pangalan) Babalik pa ako sa 22!! Arrgghh!!! Anyway..matapos nun ay pumunta kami sa siopao heaven (hehehe, hindi dito, sa ongpin) dahil puro instik, kaya siopao heaven! hehehe...sarap nung kinain namin dun..makime..yummm...tapos naglibot kami para maghanap ng instik..ehek! Maghanap pala ng bibilhin wakekeke! Swerte ko nakita ko new album ni BoA. Original kaya binili ko na! Saan ka makakakita ng P160 na orig??! eto un o:



Matapos ang Siopao Heaven escapade namin ay nagpunta na kaming SM North para manood ng Constantine(pabulong). Ang daming tao! Pero maganda kasi ung movie eh. Panoorin niyo rin at hindi kayo magsisisi. Ung spongebob hindi pa showing!!! Aaaaarrgghhhh!!!

2 comments:

annkat said...

aha!!! so nagdate pla kau! hahaha...sabi na eh! hehehe...joke!

Siopao Master said...

nag date ka dyan! amf Q#$%^$&^*&%(*&^%^%&$^%!!!