Tuesday, February 08, 2005

ISO Inspection Day 1

Waahhh late na ako nagising!! Kasi ba naman binangungot ako eh Buti na lang kumakain pa yung inspectors nung dumating ako. Tapos nagulat na lang kami ng sinabing uunahin yung NMA Library! Ayun nataranta si Ma'am Che kaya sinamahan ko na siya dun. habang nandun ang inspector akalain mo ba naman na kung ano anong kababalghan ang nangyari. Una, sira pc ni mam kaya kailangan kong palitan. Tapos sira yung AVR kaya kailanagn palitan din! Tapos nagloloko libsys! Tapos may pumasok pa biglang janitor tapos sumigaw ng "MA'AM PATAYIN NIYO DAW YUNG AIRCON, HINDI DAW KAYA NG BREAKER!" Waahh! Amf! Buti naman naging maayos ang lahat. Matapos nun ay pinakiusapan naman ako ni ma'am grace na mag "substitute" daw ako sa klase ng COMPR4, tutal mukha naman akong prof. wakekeke! Aba naniwala ang mga mokong na estudyante na prof. ako! Todo galang sila sa akin at yung iba pa tinatanong kung ano hawak kong subj. Sabi ko na lang na hawak ko MULMED kasi nagbubutingting ako ng FLASH nun eh ^_^; 11-2pm sked nila at naging mainam naman ang pagtuturo ko. Wakekeke!. Nang matapos ang unos ay nag sit-in naman ako sa classroom ni Mr. Datoc (ang panget pakinggan amf!). kunwari estudyante naman ako ^_^ Binulungan ko yung katabi ko na "Batiin mo si sir, birthday niya ngayon" Ayun kumanta ang buong klase :P Wakekeke! Sumabay na akong umuwi kay birthday boy at binigay ko na rin yung regalo kong porn este lalagyan ng cd ^_^ Kumain kami sa bahay ni birthday boy (kami, kasi kasama ko si tin) at busog na busog ako dun sa machang! As usual nakita ko n naman yung 2 utol ni Tristan na si Nina at Ate Tristan..este Ate Ina..la lang gusto ko lang sabhin na nakita ko sila ^_^; Haay..kakapagod itong araw na ito o.O...tutulog na ako kasi maaga na naman ako bukas (actually mamaya na eh)

No comments: