Monday, February 14, 2005

Lova Palooza

Waahhh ang lufet ng lavapalooza!!! Nagpunta kami kagabi nila Tristan, Tin, Ate Joy at Kuya Mark sa Roxas Blvd. para sa lovapalooza! Nagsimula yung event ng 6:30 PM (+8 GMT) Nanggaling pa kami sa school ni Tristan kaya natagalan kami makipagkita kina kuya mark at tin. So eto nga nagbyabayahe na kami, Nasa Maynila na kami ng mapansin ni Tin na malapit na maubos gasolina niya! AMF! Akala namin hindi na kami aabot sa Roxas Blvd. Grabe pa nga yung traffic, napilitan kaming lumiko sa pedestrian sidewalk @_@ Sa awa ng Diyos nakapag park kami malapit sa PICC at nilakad na lang namin papunta dun sa "epicenter" ng lovapalooza. Ang daming tao AMF! Nagsasama-sama mga conio at mga jologs sa iisang event! Meron din mga pangkista, rakista, karatista (ehek!) Siyempre ang fave ko dun ay madaming chicks! Lalo na yung mga koreana Ayun pinanood namin yung Bamboo / Rivermaya (dahil puro naman kasi Rivermaya kinakanta nila) Ang galing ni Archie Alemania (sagad!) (hehehe, kamukha kasi ni Bamboo si archie eh). Matapos mag jamming ng Bamboo ay napansin namin na nag uuwian na yung iba (bashtush!) Kami naman ni Tristan at Tin ay umupo muna sa baywalk at nag kwentuhan sa harap ng dalampasigan. Tapos sumapit ang 12 Midnight. Lap-lapan na! Tapos kasabay nun ay fireworks display na nanggagaling sa mga barko sa Manila Bay! Ang lufeeett!!! Madaling araw na kami nakauwi kaya kina Tristan na ako natulog (pinagsarhan ako ng pinto eh!) Sarap pala dun pag gabi, ang lamig! Buti na lang mainit na tsampurado agahan namin kaya nawala yung lamig sa katawan ko. Sana makabalik kami next year, at sana kasama ko na si...nevermind...asa ka pa boy!

No comments: