Saturday, February 19, 2005

Prelim Exam to Sisig

Nagpunta ako kanina sa JP Sioson apra kunin yung X-Ray namin ni Tristan at nagulat ako na may mukha ng babae sa puso ko (joke!) Hehehe..ok naman yung findings sa x-ray namin, nakalagay lang naman na "Diaphram and sinuses are unremarkable"..wow labo.. o.O Tapos ay nagtungo naman ako sa SSS para kunin yung lintek na SSS number na yan. Matapos nun ay nagpunta na akong AMA para umistambay at mangulit dahil prelim na..hehehe..Pagdating ko sa AMA ay pawis na pawis ako dahil ang init amf! Kaya sinabi ko kina ma'am gem na magpapalamig muna ako. Nagpunta ako sa encyclopedia section at nagbasa ng "The Nature of Life". Hindi namalayan na nakatulog na pala ako at pag gising ko ay malapit na magsara library..hehehe..Hindi muna ako umuwi bagkus ay pumunta ako sa CS faculty para mangulit..este para hintayin sina Tristan at Mon dahil 8 pa labasan nila @_@ Habang nadun ako ay kunukulit ako ni Ma'am Grace, tinatanong niya ako kung gusto ko mag proctor, pero sabi ko hindi naman ako naka polo kaya diyahe naman. Tapos nagkuwentuhan kami ng nakakatakot hehehe. Hindi ko namalayan na 8 na at nagsibaban na nga kami. Nagkayayan kami na kumain sa sisigan at sinama namin ang mga SCA (Student Cathollic Action) at sina sir Manota at sir Eman. Sasama sana namin si Ma'am Grace kaso may exam siya ng masteral bukas eh. Nagkuwentuhan kami sa sisigan mula sa topic na sir pepito, mga "special children" ng AMA hanggang sa pag reminisce ng Eleksyon 2004. Mga volunteers kasi kami dun at Nagpunta kami sa GMA para mag encode. Ayun napasarap kwentuhan namin at inabot na kami ng 11pm. Asar..hindi na naman ako nakalaro ng Tantra..makalaro na nga..

No comments: