Sunday, February 27, 2005

Tantra All Day Free Gaming

Part 2 ng celebration ng Tantra kanina. Pero bago ang lahat ay nagpunta me sa UP Diliman para kumuha ng application form para sa masteral ko (hindi ako nagsasawa mag aral eh). Walanjo! Nawala pa nga ako eh! Biruin mo napasakay ako ng jeep ng UP - Katipunan. Nagulat na lang ako ng makita ko na miriam College na. Nandun na rin lang ako eh bisitahin ko na si *bleep*. Tapos ay bumalik na ako sa UP para matapos na lahat ang kahirapan ko. Kaso nung pagpunta ko dun ay sarado pala yung Graduate Studies..wow! leche! Kaya ayun nagpunta na lang me sa Megamall para sa Tantra event. Hinintay ko si Buknoy para sabay na kami sumakay ng MRT. Nung nandun na kami ay nagulat kami sa sobrang dami ng tao (sa Cyberzone po ito ginanap). Tapos nakita na rin namin si Arikado at nag form kami ng party (joke!). Siyempre nandun si Regine, ang mala anghel na Tantra Maiden XD. Tapos maya maya ay nagsidatingan na ang mga tiga digital tour na sina Ketchup, Archie, at yung babaeng hindi ko kilala XD. Naglaro rin sila ng Tantra at ang kadugasan dun ay edited mga characters nila. Bolsyet!

Eto nga pala yung pics kanina

No comments: