Saturday, March 05, 2005

From Tantra to Hitch to Tantra Pre-paid

Ngayon ko lang popost itong screenshot na ito, pero dati pa ito nangyari eh (wow, birthday pa talaga niya nangyari ito). May fan na ata ako sa Tantra eh XD Tignan niyo na lang



Kanina nanood ako mag isa ng Hitch, starring Will Smith. It's about the story of a doctor love who can help people, even the hopeless cases, but cannot help himself. Medyo nakaka relate ako (medyo kasi dun sa movie may gusto rin yung babae kay Will eh). Sarap pala manood magisa no? I must do this more offen XD

Matapos manood ay nagpunta me sa Cyber Zone para maghanap ng Tantra Pre-paid Game Time, ngak wala pa pala, dahil bukas pa pala magsisimula silang maglabas ng card XD. Balak ko sana na isa ako sa mga unang mag totop-up ng game time eh XD. Kaya ayun, umuwi na lang ako, Tapos napadaan ako sa Cindereilan (Cinderella XD) st nakita ko si JC, utol ni Erwin Cordez na fafa ng FEU XD. Gumaganda si JC ngayon ah, hehehe. Wala pa kaya siyang boyfriend? Kakahiya magtanong eh, pwede kayang mag apply? XD

No comments: