Friday, March 25, 2005

Good Friday: Visita Iglesia

Una explain ko muna kung ano yung Visita Iglesia. Spanish word to meaning, Bumibisita sa Simbahan. Ito ang panata ko bawat Biyerne-Santo na parang penitensya ko na rin. Katunayan, ika-tatlong taon na naming ginagawa ito. Ang mga kasama ko rito ay sina Mon, Tristan at Joanne, ngunit hindi nakasama si Tristan ngayong taon na ito dahil hindi siya pinayagan. Hindi bale, may 3 namang pumalit sa kanya, si Baby Anne, Aldritch at Kenneth, pawang mga SCA (Student Catholic Action). Ano ang ginagawa namin sa bawat simbahan? Dinadasal namin ang 14 Stations of the Cross na 1 station per 1 church. Nagsimula ang aming paglalakbay sa Our Lady of Hope Parish diyan sa Bagong Pag-Asa, tapos nilakad namin papuntang Phil-Am para naman sa Sta. Rita de Cascla. Tapos, sumakay naman kami ng jeep papuntang Sto. Domingo Church, tapos sakay ulit ng jeep para sa simbahan ng UST. Tapos mula doon ay naglakad kami papunta sa San Sebastian, ang simbahan na gawa sa purong bakal o_O Pagkatapos namin dun ay naglakad na kami papuntang Mendiola para puntahan ang St.Jude, ang patron ng mga impossible, sa kanya, walang impossible, kaya alam niyo na siguro hiniling ko Image hosted by Photobucket.com. Pagkatapos dun ay nagtungo naman kami sa "Twin Churches". Ang dalawang magkadikit na simbahan, namely ang simbahan ni St. Francis Assisi at yung isa nakalimutan ko na pangalan (i-e-edit ko na lang pag naalala ko) Pagkatapos nun ay naglakad kami sa Recto para sumakay papuntang Manila Cathedral, kaso napansin namin ay sobrang traffic malapit sa Quipao kaya hindi na kami tumuloy at sa Quipao Church (Parish of the Black Nazarene) na lang kami pumunta. Ang daming tao sa Quipao grabe! Image hosted by Photobucket.com Kaya nagtiyaga na lang kami sa labas magdasal. Pagkatapos nun ay nilakad namin papuntang Sta.Cruz at dun nagpahinga muna kami (nakakalimutan naming magpahinga sa kakalakad eh). Pagkatapos sa Sta.Cruz ay agpunta kami sa paborito kong lugar...ang Binondo Image hosted by Photobucket.com. Kaso tuwing Biyerne-Santo ay kakaonti lang ang mga instik na nag gagala sa Binondo. Pero nakaka chamba parin ako ng maganda...haaayy Siopao Heaven Image hosted by Photobucket.com. First stop namin ay sa maliit na chapel na pwede ka mag insenso ala Chinese style pero pang Catholic dadasalin mo...astig hindi ba? Dun namin dinasal ang pang 12th station. Tapos ay naglakad na lang kami ng onti para sa Binondo Chinese Church para sa 13th at tinapos namin ang aming kalbaryo sa Minor Basillca and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz. Matapos ang lahat ay kumain na kami ng lunch (mga 1pm na nun) sa lagi naming kinakainan kapag Biyerne-Santo, sa "Happy Burger" XD. Pare-pareho kami ng inorder, sweet & sour fish at Fried Squid combo meal, tapos bumili na lang kami ng softdrinks sa Mini-Stop. Hindi pa tapos ang ang paglalakbay dun. Bumalik kami sa Sto.Domingo para manood ng Presentation of the Cross. Sa mga hindi nakaka alam, ang nag iisang araw sa buong taon na walang misa ay nagaganap tuwing Biyerne-Santo. Ang aming sinaksihan ay hindi misa kundi isang pagdarasal na may kasamang komunyon. May parte dito na ipagdadasal namin ang bawat gabay ng Simbahang Katoliko mula kay Santo Papa hanggang sa mga kaparian. Bawat ipgdadasal na tao ay luluhod kami, tanda ng taos pusong paghingi ng kahilingan sa Diyos. Pagkatapos ay may parte na ililibot ang statwa ng nakapakong Hesus tanda ng pagkamatay niya sa araw na ito. Oo nga pala, nakalimutan ko sabhin na sa bawat puntahan naming simbahan ay nakatakip ang lahat ng santo, walang laman ang tabernakulo at walang tela ang altar, sa Easter Vigil ko na sasagutin kung bakit ganun tuwing Biyerne-Santo..sige matutulog na ako ^____^

Eto nga pala yung pics ng mga simbahang pinuntahan namin at yung arko ng Binondo XD

Visita Iglesia

(hindi kasama ang Quiapo, Binondo Chinese Church at yung maliit na kapilya sa Binondo)

No comments: