Tuesday, March 15, 2005

Gym ka na ba?!

Ngayon kami nagsimula ulit mag gym ni Tristan. Matapos kami tumigil ng isang taon eh nag gym na kami ulit. Nung una nangangapa pa kami kung anong gagawin naming program, upper body ba? lower body ba? o chests, pero nag free for all na lang kami XD. After that pumunta kami sa house ni Tristan para install ko na yung Tantra at makapaglaro na yung mokong na yun XD. Sarap kumain ng siopao sa kanila hehehe.

Maiba naman tayo..Amatsu na sa Philippine Ragnarok Online bukas ah. Excited na ako sa wedding at super novice XD. nakalimutan ko pala i-kwento na level 99 na si Siopaomaster, ang uber kunat na knight ko XD. Umilaw siya nung Feb. 27, 2005 2348H (masyadong significant tong araw na to XD ). Kasalan na sa Amatsu, Kanino ba papakasal si Siopaomaster? Kay Guardian.Angel ba na ubod ng bait? Kay Annka ba na malupit sa math? Kay Bloody.Angel ba na mahilig sa pulang dugo? Sino kaya sa kanila?? Abangan sa Amatsu....

Seriously speaking, miss ko na ang isang taong nagpatibok ng aking puso. Hindi ko na siya kinakausap eh, simula nung pinagbintangan niya ako na pinagkakalat ko ang mga bagay bagay. La lang, siguro nasaktan lang kasi ako na after everything, isang kislap lang ay magagalit lang siya sa akin agad. Bakit ganun? Hindi niya naaalala ang masasaya naming pinagdaanan, bagkus yung mga negative lang naaalala niya? Ewan ko ba..madami nga namang babae diyan..pero bakit siya pa rin ang nag mamay-ari ng puso ko?

No comments: