Wednesday, March 09, 2005

Happy Birthday Edjie XD

I would like to take this opportunity to greet Alodia Almira a.k.a. Edjie a Happy Happy 17th Birthday. Ayan binati kita ^_^ (sana mabasa ni ash to) Gusto niyo pa ba kwento ko nangyari sa akin ngayong araw na ito? Hehehe...Kanina nagpunta me sa Human Resources Dept. ng AMA para i-follow-up yung naka pending kong application. As usual wala pa rin akong trabaho XD. After nun nagkita kami ng mom ko sa SM para samahan ko siyang mag shopping (~-_-)~. Kanina ko lang nalaman na yung gumanap na si Carlos sa Lovers in Paris ay yung leading man ni Jeon Ji Hyun sa The Uninvited. Kaya ayun, napilitan kaming mag rent sa Video City ng vcd nun XD. Nandun na rin lang ako eh sinabay ko na hiramin yung Star Wars Episode II (dahil hindi ako makapaghintay sa Episode III) I-Robot (hindi ko pa napapanood eh) at American Pie The Wedding. 2 years ago yung last na nanghiram kami sa Video City at talagang antigo na yung card namin XD. After nun ay bumili mom ko ng Christian Bautista na album. Na shock nga ako eh, bumili nanay ko! Oh well what a day. Nasabi ko na ba na birthday ni Edjie? XD

No comments: