Saturday, April 23, 2005

24

Dapat kasi ang ipopost ko dito ngayon ay yung nangyari sa akin ngayong araw na ito. Una, nakasama ko sa lunch yung officemate ko na aking "napupusuan" ~_~. Her name is Jo at nag "lunch date" (Kapal mo! XD)kami sa KFC Pasay. Jo is a pure chinese who graduated from FEU holding a degree in BS Psychology (teka BS ba yun? XD). Kaya psychotic itong babaeng ito, hehehe joka lang! Baka nagbabasa siya neto eh ~_~. Wala nasa getting to know each other stage palang kami kaya nakuha ko pa lang cell numbers (s kasi Sun at Globe XP)niya (yeba!). Teka baka magalit si Jo, kinukwento ko yung "date" namin! Hahahaha! Baka sabhin niya feeling ako ~_~; Anyway, nung uwian na namin ay tumawag ako kay Tristan dahil magkikita nga kami sa Makati. Buti na lang tumawag ako amf! Dahil wala yung mokong na yun sa Makati (XP) at nasa Muñoz pala. Punta daw kami Divisoria para mag ayos ng PC (Personal Confuser), una ayoko kaso pinilit ako ni mokong eh. ~Pilitin mo ko! XP~ hehehe. So yun nga nagpunta kami sa Divi at nag "side trip" muna sa 169...este 168 XD shopping mal. As usual todo tulo laway ko at nag e-exorcise dahil sa sobrang dami ng...basta yun na! Bili muna ng exotic fried siopao *drools* at after nun diretso na kami sa barangay outpost ng tito niya. Inantay muna naming bumalik yung kasama ng tito niya dahil yun pala magpapa gawa ng PC (kasi pagdating namin, sakto pala umails eh ~_~) Habang hinhintay namin ay nag tatawag kami sa mga kakilala namin. Una tinawag ni Tristan si Urban Flow (hehehe) tapos nun si Tin2x party aminal (yan talaga spelling nyan). Ako naman si Minnie, ewan ko kung ano pumasok sa utak ko kung bakit yun tinawagan ko, entoxicated ata ako sa mga intsik ngayong araw na ito eh ~_~ Tapos nun pinatwag ba naman ni Tristan si...anyway after a million years XD dumating na yung magpapa ayos ng PC, sumakay kami sa motorbike (weeeeee!). After that sumakay kami ng Sta. Cruz at bumaba sa Sta. Cruz (malamang) at naglakad patungong Quiapo church. Nagdasal muna kami sa loob at naglakad lakad na papunta sa sakayan. Talk about night life sa Quiapo, kakaiba as in parang wala ka sa Quiapo. Punta naman kami sa bahay ni Mon (birthday mo! pacanton ka naman!) at chumibog ng spaghetti. Nung mag aalas dose na ay umeskapo (hehehe) na kami dahil nagtutunggan na mga tao dun eh. buti na lang at tinext ni Tristan dad niya dahil hindi pa pala sila umuuwi (libreng sakay!) Aba, hindi nakuntento si Tristan, pinatawag ulit si...(mamamatay ka rin Tristan!). Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa See of Andrew (trono ko, use your imagination XD) at yun nga.

Kaso tinatamad ako magkwento ngayon tungkol sa adventures ko kanina. Bukas na lang, tinatamad na ako eh. Bukas nga pala birthday ng mom ni Tristan. Kainan na naman! Image hosted by Photobucket.com

3 comments:

Karlo said...

amf, makasalanan ako, kaya mahaba pa buhay ko sa mundong ibabaw _|_
HAHAHAH!!!!!

Siopao Master said...

urur! may araw ka rin! ~_~ ,I,

Karlo said...

tatlo lang finger mu? wawa naman