Thursday, April 28, 2005

Adventure tungo sa St. Luke's hospital

Naconfine sa ospital yung bestfriend kong si Joyce nung Tuesday at ngayon lang ako nagkaroon ng time bumisita sa kanya. Mula sa work ay nag MRT ako as usual pero bumaba me sa Cubao instead sa usual na North Ave. station. Ang instruction sa akin ay maghanap daw ako ng jeep papuntang Quiapo..but where the hell can I find one?! So ginawa ko ang isang bagay na malimit na ginagawa ng pinoy pag nagigipit..ang mag tanong. Tinanong ko sa mamang barker kung saan papunta sa St. Luke's at tinuro niya ako sa mga jeep na nasa kabilang side ng Aurora Blvd. So sumakay na nga ako patungo sa Ospital ni San Lucas. Nung medyo nakalayolayo na yung jeep ay napansin ko na parang pamilyar yung lugar. Amfota! Malapit lang pala sa New Manila yung St. Luke's! Eh pumupunta me dati dun sa New Manila eh, dun kasi nakatira yung classmate ko nung highschool..si Aston..yung nagbigay ng PS2 sakin..hehehe.

Nung nasa ospital na ako ay sakto nag text si Joyce sa akin, Room 519 daw siya. Ayun, at least hindi na ako magtatanong sa reception. Nung pagpasok ko sa Room 519 ay nakita ko si Jayson at si Tito Romeo, ay oo nga pala, nakita ko rin si Joyce XD As usual kinamusta ko kalagayan ni Joyce, at sabi niya na pagaling na siya at hopefully makakalabas na siya bukas ng umaga. Kwento nila Jayson sa akin na suspected as Dengue yung sakit ni Joyce pero parang mild lang dahil sandali lang bumaba platelets niya at tumataas na ulit. Chikka chikka pa ng madami dahil matagal nga kaming hindi nagkita at nagkausap ni Joyce (busy busyhan ako eh hehehe) Mga bandang gabi na ay umuwi na me, sumabay na me kay Tito Romeo (dad ni Joyce FYI) dahil uuwi na sila ni Jayson at si Ate Jo na magbabantay (kadarating lang ni Ate Jo nun) Binaba me sa SM at nag jeep na lang me pauwi(nakalibre pa ako hehehe)

Get well soon Joyce! Mwaah!

No comments: