Sunday, April 24, 2005

Babysitter

Ngayon lang ako nakapag simba ulit sa SM. Nagkataon pa na ang nag misa ay walang iba kundi ang idol kong si Rev. Fr. Arnel Recinto. Ang parish priest ng Our Lady of Hope diyan sa Pag-Asa. Matapos ang mass ay naglibot libot muna ako sa SM. Nagbabakasakali na makikita ko siya. Katunayan, nagpunta ako sa grocery section at pumasok pa sa loob, malay mo nga naman...Pauwi na ako ng tumawag si Macoy. Sabi niya na diretso na daw ako Cherry Foodarama dahil sabay sabay na kami pumunta sa binyag ng pamangkin kong si James. Habang palayo ako sa SM iniisip ko na paonti ng paonti ang tsansa ko na makita ko siya ngayon. Matagal ko pa naman siyang hindi nakikita, huli kami nagkita ay nung birthday ko pa at sobrang tagal na yun. nung pumunta ako ng Cherry ay saktong dumating na sundo namin kaya hindi na ako nakakain at dumiretso na kami sa Caloocan. Gutom na ako ~_~

San Roque Cathedral, ang simbahan ung saan nandun ang Arch Bishop ng Caloocan. Malaki ang simbahan at inaamin ko na ngayon lang ako nakapunta dito. Nagsimula na ang binyagan at ako nandun nakaupo lang sa isang tabi. Matapos nun at dumiretso kami sa isang restaurant para sa reception. Ang dami kong nakain grabe ~_~ Matapos nun ay dumiretso na kami sa Star City at kasakasama ko ang mga pamangkin kong makukulit ~_~

Himala, onti ng tao sa Star City. Summer siguro ang dahilan kung bakit ayaw nilang magpunta dito. Madali lang kami makasakay sa mga rides dahil wala ngang pila. Hindi na ako gaano nag enjoy kasi madaming beses na akong nagpunta dito eh ~_~

Buti na lang uwian na, inaantok na ako eh, grabe, napagod ako ~_~

No comments: