Saturday, April 23, 2005

Endure

Hanggang kelan ko pa ba kayang tiisin? Halos araw araw na lang niya akong sinasaktan, at mukhang masaya pa siya sa ginagawa niyang yun. Bakit kaya niya ginagawa sa ito lahat sa akin? Ang tanging kasalanan ko sa kanya ay minahal ko siya. Sabi niya sa akin huwag kong ikumpara ang sarili ko sa kanila. Sabagay, kahit kuko nila hinding hindi ko kayang mapantayan. Ewan ko ba, ginagawa ko naman ang lahat. Kahit makakasakit pa sa akin yun, ginagawa ko pa rin. Kahit na sabihin niya lumayo ako sa kanya, ginawa ko. Alam ko masamang sabhin na "ginawa ko lahat para sayo" dahil hindi ganun ang tunay na pagmamahal, kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo dapat ipinamumukha sa kanya ang lahat ng bagay ng ginawa mo sa kanya. Hayaan mong siya ang makaalala ng lahat ng mabubuti't masasayang bagay na nangyari sa inyong dalawa. Ang mga paghihirap mo alang alang sa pag-ibig. Kaso, paano kung kinalimutan niya lahat iyon? Paano ka na? Ibinaon na lang ba sa limot ang iyong nakaraan? O wala talagang saysay lahat ng mga iyon? Kung alam lang sana niya ang nararamdaman ko ngayon, magbabago kaya siya? Sa tingin ko hinde...Hanggang kelan ba ako magpapakabulag sa pag-ibig? Kapag wala ng luhang mailalabas pa? Kelan kaya niya maririnig ang mga iyak ko tuwing gabi? Kelan niya kaya mararamdaman ang sakit sa aking dibdib tuwing pinamumukha niyang may mahal siyang iba? Kelan ba matatapos ang pag gawa ko ng mga ganitong posts tuwing sinasaktan niya ako? Kelan? Sana hindi ko na lang siya nakilala...hindi dahil sa nasasaktan ako. Sana hindi na lang kami nagkakilala, baka naging mas masaya pa siguro buhay niya....

Imagine life without Andrew....

2 comments:

Jepoy said...

shield boomerang!!!!!

Karlo said...

AMF!, DEPRESS KA?! ITAE M NALANG YAN!!! iupo m na sa trono!