Tuesday, April 12, 2005

Pagod, Tulala, Sabog

0547H Delos Santos Residence

Masyadong maaga ata tulog ko kagabi at nagising ako ng maaga ngayon. Paano ba naman, naka schedule ako ng interview ng 9:00 AM sa Thom & Myers sa Taft Ave. (hindi pala sa Makati hehehe). Hindi ko makain mabuti almusal ko dahil kinakabahan na ako para sa interview mamaya. Grabe, sandali lang ata ako naligo tapos nagbihis na agad.

0703H North Ave. MRT Station

Pagkatapos pumila ng napagkahabahaba ay napansin ko na walang Pasay Ave. sa listahan ng mga stations ng MRT. Nakalagay kasi sa invitation ay near MRT Pasay Station, Waahhh! Oh nose! Palapit na ng palapit sa counter! Wala akong choice kundi mamili ng station. Ang pumasok sa isip ko ay Ayala Station (ewan ko kung bakit) at pumasok na ako sa MRT.

0716H Inside MRT

Tinext ko si AK (ewan ko kung bakit siya tinext ko) upang malaman kung saan ang Pasay Station. Nag reply siya na sa Taft Ave. daw yun. Oh nose again! Sinabi ko sa kanya na Ayala na nabili ko pero buti na lang sinabi niya sa akin na pwede na me bumaba sa Taft at pa adjust ko na lang yung fare. Kaya ayun nakarating din sa Pasay / Taft Station

0738H Pasay Ave.

Hindi ko makita ang Mercan Bldg. kaya nagtanong na ako sa mga guard sa Valupoint Supermarket. Tinuro nila ako dun sa bldg. sa tabi ng Allied Bank at nagpasalamt kao at pumasok na sa bldg.

0802H Mercan Bldg.

After ng madugong interview ay pina akyat ako sa taas para makinig ng Orientation. Tungkol sa company, position at mga expectations sa work ang main topic. Ang pinaka gusto ko dun ay yung kay Dr. Marcelo. Dalawang beses siya nag speaker nung araw na yun, yun un pa nga ay naka t-shirt lang siya at nagpapatawa sa amin (hindi pa siya nagpapakilala na siya si Dr. Marcelo) Nung pangalang beses siya nagpakita sa amin (siya pala yung last speaker) Nagulat kami na siya pala ang AVP ng branch na yun. Imagine, nung una naka t-shirt lang siya at parang ordinaryo lang na empliyado, pero nung nagpakita siya ulit ay naka barong nat at pormal na ang kanyang itsura. Tama nga ang sinabi niya na hindi nakukuha sa itsura ang abilidad ng isang tao. Ang mga bagay na tumatak sa aking isipan mula sa kanyang diskusyon ay ang tungkol sa pagbawi sa kabaitang ginawa sa iyo ng iyong mga magulang, Panahon na na ibalik mo na sa kanila ang mga hirap na naranasan nila para maka graduate ka lang. Matapos ang orientation ay pinakilala kmi isa isa sa mga evaluators namin. Sila ang mag oobserba sa amin kung qualified kami sa trabaho at parang mentor na rin namin sila. Ang aking evaluator ay walang iba kundi ang magandang si Princess (sepsep!) at nag usap kami nung lunch at ng mga sumunod pang oras. After ng evaluation ay kinausap ako ni Mr. Tommy Santos ang HRD manager at sinabi sa akin na qualified ako para sa position na Junior Manager Image hosted by Photobucket.com. Babalik ako bukas para sa final interview

1700H

Ginawa itong blog na ito at natulog na lang ako

Kakapagod araw ko!

No comments: