Thursday, May 12, 2005

G.T.S.

Great Teacher Siopao!

Wow, first time ko magturo sa harap ng madaming tao. Meron kasing outreach program ang AMA na magtuturo ng basic computer skills sa mga estudyante ng libre..oo tama basa niyo..LIBRE! Ganyan kabait AMA...wakowkowkowcoke! Kanina nagturo ako ng Macromedia Flash sa mga highschool student, at inaamin ko, kinabahan ako sa umpisa eh, as in kumulo kili-kili ko! (eewww..) Tinuro ko sa kanila ang mga basics sa Flash Animation, tulad ng motion tweening, alpha effect etc. oo basic yun! hehehe..pero siyempre bago yun, tinuro ko sa kanila kung paano gumawa ng objects, texts at paano mag set the animation. Atin atin lang to ha (duh! public blog to!) pero nagturo ako kanina na hindi prepared! wahahahaha! Kaya kung anong maisip kong ituro ay tinuro ko kanina! Grabe, 2 hours straight ako nagdadadada at nag dedemo sa kanila. Matapos ko ituro lahat ng nalalaman kong basics sa Flash ay hinayaan ko na silang maglaro ng solitaire at free cell (bad teacher!) Nagpunta muna ako sa Tantra upang mang hingi ng installer na ipapamigay ko sa mga estudyante ko...sa isang kondisyon! Nagtanong ako sa kanila regarding sa flash at kung sinong unang nagtaas ng kamay na tama ang sagot ay mag libreng cd at kiss...joke! cd lang! XD XD XD Natatawa nga ako sa tawag nila sa akin eh.."Kuya Sir Teacher Bossing" (take note, magkakasama sa iisang sentence yan o_O ) Katuwa talag yung mga yun..pina dismiss ko sila ng maaga eh, mga 1630H palang ay pinalabas ko na sila. Dapat kasi 1700H labasan nila eh. Pero ganun din, may susundo pala sa kanilang "pajero" (yun tawag nila eh XD ) kaya ayun, nagkuwentuhan lang kami sa catwalk. Kung ano anong pinagtatanong nila sa akin! Daig pa nila HRD amf! Kuya, kelan ka grumadweyt? Kuya may gf ka na? (no kidding) Kuya pwede akin na lang yang pins nyo? Kuya mahirap ba comsci? Kuya punta ka sa graduation namin bukas? Kuya sinong hinihintay mo? The "interogation" goes on! Buti na lang dumating na yung "pajero" nila. Nagpaalam na ako sa kanila habang sumisigaw sila ng "Bye Sir Siopao!" Siyempre ako naman "Sandara Wave" XD XD "Mahal kow kayu!" XD XD Oh, by the way, for the record, I did this for the love of sharing my knowledge, wala pong sweldo yung pagtuturo ko kanina =)

2 comments:

Maoi said...

"LIBRE! Ganyan kabait AMA" OO sige na mabait nga... Sugapal naman maningil sa estudyante nila... i mean particularly sa mga gagraduate na nga, eh may pahabol pang singil! bw*s*t!!!! hmph! tapos wala silang mabigay na valid reason!!! naalala ko nanaman...

azrael said...

wow
teacher ka pala!