Monday, May 02, 2005

Memories of Bago Bantay

1 year na pala kami sa bagong bahay naming eto. Lumipat kami last May 2, 2004 mula Bago Bantay. Parang kailan lang grabe. 15 years kami tumira sa Bago Bantay, so lahat ng childhood life ko ay dun ko naranasan. Naranasan ko ang makipag away, mabugbog, manakawan ng laruan, naalala ko nga na may nangimbita sa akin dati para pakilala sa isang magandang babae, pero nalaman ko na bugaw pala yun ~_~ (oo bata pa ako niyayaya na ako sa ganyang bagay ~_~) Pero meron din akong mga magagandang alaala sa lugar na yun. Naalala ko pa noon nung nagkagusto ako sa ate ng kalaro ko. Niligawan ko siya ng 2 buwan, pero as usual, bata pa kasi daw ako eh. hehehe BASTED! Inaamin ko na naging barubal ang kabataan ko. Hindi ako nag sisimba, nagmumura, namboboso at nanghihipo ng mga babae sa amin. Ngunit nagbago ang lahat nung tumungtong na ako ng college. Meron kasing isang insidente sa akin na nag udyok na magbalik loob ako sa Diyos. Basta hindi ko na ikukwento yun. Ang gusto ko lang iparating, kahit pa madilim ang nakaraan mo, basta magbalik at manalig ka lang sa Diyos, ay maayos at maayos din yan at mararamdaman mo ang kasiyahan sa buhay. Ang buhay ko sa Bago Bantay ay nakaraan na, nandito na ako sa Carmel 1, kung saan matatawag ko na itong sariling akin.

No comments: