Sunday, May 08, 2005

Mother's Day

Araw ng mga nanay ngayon, binati niyo na ba mga magulang niyo? Wala lang, para kasi sa akin, ang mom ko ang pinaka magandang gift sa akin ni God at masaya ako na nandiyan siya kapiling ko. Mahalin niyo mga magulang niyo, huwag niyo ng hintayin na mahuli pa ang lahat, dahil hindi habang buhay nandiyan mga yan sa tabi mo. Madali lang sabihin sa mga kasintahan niyo ang salitang "I love you", bakit sa mga magulang niyo nahihirapan kayo? Bakit? Dinanas ba ng mga kasintahan niyo ang mag buntis ng 9 months? Mag trabaho sa abroad para mabili lang luho mo? Tiisin ang sakit na nararamdaman tuwing sinasagot sagot mo sila? I bet, hindi kayang gawin ng kasintahan mo ang ginagawa ng magulang mo. So bakit parang mas madami ka pang time sa kasintahan mo kesa sa parents mo? Wala lang, napapansin ko kasi karamihan sa mga tao ngayon ay halos sambahin na mga kasintahan nila at nalilimutan na mga magulang nila. Sana lang po, huwag dumating ang araw na pag sisisihan niyo na sana si nanay na lang binilhan ko ng bulaklak at chocolates. Isipin mo na lang, mapala ka at may magulang ka pa, marami diyan nangungulila sa ama o ina, hindi tulad mo na nandiyan lang sa tabi mo magulang mo. Wala akong pinapatamaan, wala akong pinariringgan, ang sa akin lang, huwag niyo sana maalala lang magulang niyo kapag wala na sila, dahil hindi niyo na maipapakita na mahal mo sila kung wala na sila. Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay, lalong lalo na sa nanay ko.

No comments: