Wednesday, May 18, 2005

Not another sad entry

Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya ako or malungkot. Masaya ako kasi Star Wars na bukas, masaya ako kasi ang dami kong nakakausap ngayon, mapa online man or sa real life. Nakikipag kulitan, nakikipag biruan. Akala ng lahat na masaya ako palagi, dahil sa mga jokes ko at sa mga one liners ko. Pero hindi alam ng lahat, kapag nakahiga na ako sa kama ko, nakatingin sa kisame, minsan nakatulala, minsan umiiyak. Madalas akong magbigay ng payo sa iba, madalas magpasaya ng tao, pero bakit ganun? sarili ko hindi ko matulungan.Naalala ko nung college pa ako, ang dami kong kaibigan. Mas lalong naging masaya ako nung nagkaroon na ako ng mga kaibigang babae. Paano ba naman, nung bata pa ako ay umiiwas ako sa babae. Isa akong nerd, geek o kahit ano man gusto mo itawag sa akin. Wala akong problema nung highschool, walang iniisip na babae, walang napupusuan. Pero, pagtungtong ko ng college, meron akong isang malaking problema. Paano ba makitungo sa babae? Masaya ako nung makilala ko ang anim na kaunaunahang babaeng kaibigan nung freshman pa ako. Lahat sila, may kanya kanyang personalidad. Lumipas ang panahon ay nakilala ko na ang mga ugali nila. Tatlo napalayo loob sa akin, tatlo napalapit. Hindi ko na kailangan banggitin kung sino yung tatlong napalapit sa akin. Pero dahil sa tatlong yun ay lalong nahasa kung paano dapat pakikitungo ko sa babae. Dahil sa kanila, natuto akong gumalang, mapagbigay at magmahal ng babae. Kahit na nagkaroon noon na pagkakataon na iniwasan ako ng tatlo, pinaramdam sa akin ang sakit ng binabalewala, pero hindi parin nawala naramdaman ko sa kanila. Tiniis ko lahat ng sakit noon hanggang maayos ang lahat. Hindi ko na alam kung saan patungo itong entry na ito pero ang gusto kong sabihin, kahit na may mga sarili na silang buhay ngayon, kahit na hindi na katulad ng dati, kahit na kalimutan na nila ako. At least naramdaman ko noon ang magkaroon ng kaibigang babae, as in close talaga. Para sa akin, sapat na kayamanan na yun. Sana ganito rin nararamdaman ng tatlo sa akin, ang mahalin ako kahit kaibigan lamang, hindi makalimutan ang aming mga pinagdaanan. Madami na akong kaibigang babae ngayon. Pero hindi ko makakalimutan ang tatlong nagpabago sa buhay ko.

"Ang tunay na kaibigan ay yung mamahalin ka kahit ano ka pa, maging pangit ka, mabaho o may kapansanan. Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami o bilang, kundi sa mga pagkakataon na lagi silang nandiyan kapag kailangan na kailangan mo sila."

Nasaan man kayong tatlo ngayon, salamat,

No comments: