Monday, May 16, 2005

Si Siopao tour guide? o_O

Wahehehe!

Iba talaga maging empleyado ng AMA, kung ano ano pinagagawa sayo! Kanina kasi orientation ng mga freshmen students sa gym. Pinapunta lahat ng empleyado (daw!) pero onti lang kaming nagsipunta. Una tiga distribute kami ng student's handbook. Tapos ginawa kaming dalawa ni Tristan na tour guide nga mga freshies! Tour daw namin yung mga freshies sa buong campus, as in sa BUONG campus!..Kakatuwa nga dun, kahit ako nanibago sa AMA, lalong lalo na sa Engineering Building. Maraming bagong room para sa Norwegian Academy, ganda ng mga mock rooms nila lao na yung mock cabin, asteeeeg! Kitams, pati ako nagulat sa pagbabago ng aking alma mater. Kapagod pala libutin ang AMA lalo na kung madaming nakabuntot sayo! XD

No comments: