Wednesday, June 15, 2005

Batman Begins

Kanina nanood kami nila Tristan, Flo at Tin ng Batman Begins sa Glorietta 4, pero bago yun ay nag proctor muna ako sa College of Arts and Sciences kanina dahil simula na prelims sa AMA. Maganda yung movie grabe, pero astig din yung naglalaro ng Drumanin kanina sa Time Zone. Babaeng malupit mag drums, astig! naka nursing uniforma pa nga siya eh, hehehe, ako kasi hindi marunong mag drums kaya ganun na lang pagkamangha ko sa kanya.


On a side note:

Nagkalimutan na kaming dalawa no? Masaya na siya sa buhay niya ngayon at dapat hindi na ako magparamdam pa ulit. Ang bilis niya kong nakalimutan, sana ako din ganun lang kadali...

No comments: