Sunday, June 19, 2005

Bilog Ang Mundo

Napatunayan ko kahapon na bilog talaga ang mundo. Nag sub kasi me ng klase na Comp04 ng mga 8am dahil wala namang pumasok sa klase kong CSCI03. So as usual tinanong ko sila kung anong pinagagawa sa kanila at ang sabi nila ay pinag reresearch sila ng latest operating systems. Ako rin siyempre nag nenet, post sa mga forums ko, etc etc. Tapos meron isang girl dito sa kaliwa ko ang nag foforums din. Nakita ko sa taas ng forum ay Oracle, so ang naisip ko ay yung Oracle ng Sun Microsystems, dahil nag "reresearch" nga sila hindi ba? Tapos nakita niya rin akong nag foforum kaya nilapitan niya ako at tinanong kung anong site yun. Sabi ko ay Banned forums yan at mga nag popost diyan ay adik sa iba't ibang bagay tulad ng anime,games at music. Sakto nakabukas yung site ko (eto) so pinakita ko na rin sa kanya. Napasigaw siya ng makita niya yung banner sa taas na Siopao Heaven at may pic ng character ko sa Ragnarok. Eto sabi niya: "Sir! ka guild kita!". Ako rin nagulat siyempre at tinanong ko siya kung anong name niya sa guild. Siya pala yung ka guild kong si Raindrops na lagi kong kausap kapag siege...ayos! matagal na pala kaming magkakilala online pero for the first time ay nagkakilala kami sa totoong buhay. Hehehe..bilog talaga ang mundo! XD

1 comment:

Jepoy said...

hhahahaha adiK!