Sunday, June 19, 2005

Father's Day

Ngayon ay Father's Day. Grineet niyo na ba mga tatay niyo? Ako kahit na nasa Saudi tatay ko ay hindi ko siya nakakalimutan. Malaki utang na loob ko sa kanya eh. Alam ko kasi na nagpapakahirap siya dun sa Saudi para mapag aral lang kami. Buti na lang tapos na ako at nag tratrabaho na. Kapag nakaipon na ako at nakapag tapos na si Joanne (utol ko) ay ako naman ang babawi sa tatay ko. Ipagtatayo ko sila ng nanay ko ng bahay sa Baguio or Tagaytay at dun sila mag rerelax. Haayy..kelan kaya yun? Sana maging successful ako sa career ko...kahit na wala ni isa sa plano ko dati na mag instructor ako XD

Happy Father's Day to all!

No comments: