Sunday, June 12, 2005

Unwind

Kahapon natapos na namin ung mga exam at for approval na siya. Grabe ang tension sa faculty kahapon lalo na nagkaroon kami ng faculty meeting. Nung uwian na ay nagyaya sina Ma'am Pearl na manood daw ng sine, Mr. & Mrs. Smith. Kaso mga 8 pa sila aalis dahil si Julie ay may klase pa ng 5-8. Eh ayoko namang magpagabi pa ng 8 dahil napapagod na ako. Kaya sumama na lang ako kay Tristan pauwi, BTW, kasama niya namin si Flo pauwi at nagpababa na lang ako sa KFC Mindanao. Nung nasa bahay na ako ay kumain muna tapos nood ng tv. Kaso naisip ko, ngayon lang ako makikipag bonding sa mga co faculties ko at wala rin naman akong gagawin dito sa bahay eh. So tinext ko si Sir Manota at sabi ko susuod ako sa SM pag pumunta na sila. As usual nauna ako sa SM (malapit lang ako eh) at naglibot libot muna. Nung nag text si Sir Manota na nandun na sila ay sabi ko magkita kita na lang sa tapat ng Cinderella. Ang mga nagsisama kay Sir Manota ay sina Julie, Ma'am Pearl at si Herlan. Umakyat na kami para manood pero nalaman namin na ang daming taong nakapila, kakaasar. so nag plano na lang kami ng ibang gimik para hindi naman masayang ang gabi. Dala ni Herlan yung tsikot niya kaya naisip namin na mag KTV na lang, pero kain muna daw kami sa Don Henrico's sa West Ave. Nung nasa Don Hen na kami ay binati kami ng chinitang receptionist (chinita pa talaga amf) at umorder kami ng pizza (sea food) at bottomless na icedtea. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami at nagbiruan na akala mo ay mga magkakabarkada sa college. hehehe. After kumain ay pumunta kaming Big Shots sa Delta. Bilyaran siya pero may mga KTV sa loob. Ayos may bikini competition pa sa loob hehehe. (islash gee gee) Ang usapan namin at dapat kumanta si Julie kahit isang kanta lang, dahil never daw siyang kumanta. Kanya kanya na kaming pili ng songs at ang selection ko ay ang Harana ng Parokya ni Edgar, What do I do ng Nyoy Volante & Mannos at Kimi ga Suki da to Sakebitai ng BAAD [Slam Dunk OST] (OO MAY JMUSIC SILA AMF!). Nung pinakanta nain si Julie ay nagulat kaming lahat dahil ang ganda pala ng boses niya hehehe. Mga bandang 2 ng umaga na kami umuwi pero hinatid muna namin si Julie sa Muñoz dahil tiga Bulacan pa siya (amf!) Ang saya, what a way to unwind after work.

3 comments:

Karlo said...

GO GO GO!!!!! SANA HINATID M SA SI JULIE SA BULACAN!!!!!

Jepoy said...

Paano na si Anna?!!! AHAHAHAHA! WOOPS! Bat pa ihahatid.. sana pinatulog na lang nya sa bahay nila... laki naman bahay dba dba? *grins*

Siopao Master said...

WOI!

Anong chismax yan?!

wala! wala!

lahat kami ay magkakaibigan lamang!