Thursday, August 04, 2005

.......

Bakit ba malas ako sa pag-ibig kahit kailan? Mahal na mahal mo na nga ang tao pero kahit annog gawin mo ay balewala ka pa rin. Parang, "I love you" tapos reply niya "So what?". Tama nga, sometimes love just ain't enough. Kahit na marami ang boto sayo, kahit na panay ang build up sayo, kahit na magpaka sweet ka, magpaka gago ka, kung ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. PERIOD! Pamilyar hindi ba? Nangyari na sa akin dati to eh (kung mag react man yung "dati" na yun, who cares?) Pero ang nakaasar, may mga tao na laging nang gugulo, lalong nagpapahirap ng sitwasyon, mga taong ayaw ako paligayahin, mga taong tinuturing mong kaibigan pero inaahas ka. Pota, 2 beses na niya ginagawa sa akin to ah! Sana masaya na siya no? Nagkaroon na siya ng girlfriend dati, pag bigyan nya naman ako d b? Ok sana kung healthy competition eh, pero brinabraso na niya ako eh. Kaya siguro minamalas siya dun sa ex niya kasi mahilig siyang makialam sa iba eh. Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal ay siya pang madalas binabalewala?

Kapag pag-ibig na ang pinag uusapan, wala nang kaibikaibigan...

1 comment:

Jepoy said...

si B U E ...................