Monday, August 08, 2005

Faculty Outing

Pagkatapos ng PACUCOA....binigyan ang CCS Faculty ng 40k(pesos hindi zenny!) bilang premyo ng paghihirap nila para sa preparation ng PACUCOA. Siyempre swimming na yan! Umalis kami sa AMAQC ng 10pm. Kami ang 3rd batch na pumunta sa Rodora ville (Das MariƱas, Cavite). Sumakay kaming 16 sa nirenta ng Tamaraw FX..oo 16!! Amfofo nagkasya kami! Pulos kandungan lahat ng babae at siksikan ang mga lalake! Mga 1 1/2 na oras ang biyahe mula sa AMAQC papuntang Rodora kaya nagkanda manhid manhid mga paa at hita namin. Hehehe...Nung dumating kami dun ay nag vivideoke yung mga naunang btch sa amin, yung iba nag swiswimming, pero kami, diretso sa dining table at nilantakan ang mga pagkain! Hahahaha! Tapos nun ay dumiretso na kami sa mga room namin para ilagay ang mga gamit at para makapag bihis na rin. Na excite akong mag swimming kahit na hindi ako marunong lumangoy, hehehe, kasama ko kasi si JA eh. Amfofo, naalala ko nung naumpog si JA sa gutter kasi dirediretso ba naman lumangoy, tapos ako sinisisi noiya dahil hindi ko daw siya sinabihan, bawas daw sa points ko un! T__T hindi ko nga nakita kasi tinamaan ako sa mukha nung kamay niya eh. Hindi bale, bumawi naman ako nung naglaro kami ng ikot-ikot sa pool (ung bubuo kayo ng bilog pos iikot kayo ng parang isang malaking merry go round) Magkahawak kami ng kamay nun at feeling ko, hindi ko nararamdaman ang lamig ng tubig. Hehehe..Nung masyado ng malamig eh umahon na kami at dumeretso na sa function room at kami naman ang nag videoke. Hiyawan ang lahat ng kinantahan ko si JA ng Harana ng Parokya ni Edgar. Pero may rebelasyon din nung gabing iyon, Nagtapat ang isa kong kaibigan na may gusto rin pala siya kay JA..amf! Close pa naman sila ni JA...paksyet! Handicap na naman ito para sa akin...sweet pa nga nung dalawa eh, pos umakbay pa si JA sa kanya nung nanonood kami kina Sir Jechoy kumanta...oh well, hindi dapat ako mag selos, ayokong masira ang gabing iyon ng dahil lang dun. Mga bandang 4am ay nagkayayaan kami ulit mag swimming. Kaso pag lubog namin sa pool ay...LAMEEEEGG!!! potek! Parang naligo kami sa yelo! Kaya yun natulog na lang kami hehehe. 7 kami sa room (all boys) 6 kami sa 3 double deck tapos si sir roni sa sahig..ehehe. Nagkwentuhan kami tapos ung inaantok na ay nagkayayan ng matulog. Kaso sina sir felix at sir mark ay nag trip pa! Pag gising ko kasi nung umaga ay may nakadikit sa noo ko, siopao daw kasi amf! si sir jechoy naman ay may uling sa mukha at si sir roni nman ay imbes na cellphone niya ang hawak niya ay napalitan na ito ng tinapay! Lakas nila mag trip amf! Nag ihaw kami ng barbecue at hotdog para sa agahan at lunch na rin. Umalis yung iba ng 10am pero kaming mga nahuli kagabi ay nag extend ng hanggang 1pm..yeba! Pag uwi ko ay nag simba me at natulog na..kaso inaantok pa rin ako!!!

Gallery ng kalokohan!

1 comment:

Jepoy said...

SPAM!! SPAM!! SPAM!!! Burahin mo drew.. ehehe