Thursday, August 18, 2005

Fatal Blow

Haha..kanina parang na Asura Strike ako. so bale 8am-8pm na naman kami kanina kasi finals na. Sabay sabay na kami nagsiuwian (sana hindi na lang ako nakisabay) at sakto, sinundo si IM ng parents niya, nakisabay na rin ang buong faculty. Naka L300 kami nun kaya nagkasya eh, nung nasa nagbayabyahe na kami ay nagsimula na ang todo pang aasar ng mga faculty kina JA at IM. Boto lahat sa kanilang dalawa, hehehe, sa akin? wala eh.. ganyan talaga eh..ok na sana eh, kaso napansin ata nila na tahimik lang kao sa isang tabi. Ayun bumanat ba naman na "Wag kayong ganyan nasasaktan na si Andrew" Sabay tawa nilang lahat..ayos..dinagdagan pa nila yung sakit na nararamdaman ko..Feeling ko nananakit na dibdib ko nun eh..gusto kong umiyak..kaso may magagawa ba yun? Alam naman ng lahat na ayaw sa akin ni JA. Gusto naman siya ni IM, medyo ok naman silang dalawa kaya may pag-asa si IM. Pero hindi pa tapos yun! May lumitaw pang isa. May lihim pala na pagtingin si JA kay TD, so tama pala pakiramdam ko..saya no? nahihirapan na nga ako sa isa, may isa pa pala. Hindi ko na talaga alam gagawin ko nun, kung alam lang nila, naiiyak na ako nung bumaba ako ng L300. Buti na lang nung sumakay me ng FX ay ako lang mag isa sa likod, lumuluha na ako nun eh. Sana naman binigyan nila ng konsiderasyon damdamin ko..pero ganun talaga eh. Sino nag naman ako hindi ba? Bago pa lang naman ako sa faculty eh, kaya walang papabor sa akin. Magpakasaya na sila, alam ko naman ang dapat gawin eh...kung saan masaya ang mahal mo ay hayaan mo na lang siya dun..kahit na kapalit neto ay mawawala siya sa piling mo ng tuluyan..ganun talaga eh..kelan kaya darating yung panahon na hindi ko na kailangan magsakrapisyo, na ako naman ang pipiliin? Asa ka na lang Andrew...

No comments: