Saturday, August 20, 2005

Wag naman ganun..

Ok na sana eh. Kinalimutan ko na yung nangyari nung thursday. Pero bakit ganun? Bakit ganun siya? Kanina kasi nakita ko si Ma'am Pearl, sabi niya sa akin "Uy, nakita mo ba si ***** ngayon? Ang ganda ganda niya" So ako naman hinanap ko siya, kaso hindi ko makita eh..Tapos bandang hapon na ng nag papanel kami nila Ma'am Pearl ay dumating siya. Ang ganda niya nga, lalo na nakalugay buhok niya. Para ngang nirelax eh. So binati ko siya. Hi *****, blooming ka ngayon ah" Kaso ang inirapan niya lang ako. Oh well, ok lang yun, pero hindi eh, Tuwing kakausapin ko siya ay wala siyang imik sa akin. Parang nagmumukha akong tanga. Bakit naman ganun? Hindi namana ako nag react nung thursday ah. Hindi naman ako nagwala or something, ganun parin naman pakikitungo ko sa kanya ah. Pero bakit ganun? Parang binura niya na ako sa buhay niya? Aba'y nung nasa thesis room kami pansin ko ako lang hindi niya kinausap ah. Haay...hindi ko na alam gagawin ko..

No comments: