Sunday, September 18, 2005

Sunday Morning

Sa hindi malamang kadahilanan ay nag simba ako kanina sa SM North Edsa (nag anticipated na kasi sila kahapon eh T__T ) Naalala ko pa na dati akong nagsisimba sa SM sa 3rd floor, madami nga akong nakitang "old friends" eh. Speaking of old friends, nakita ko siya kanina sa SM 2nd flr. Nag tiitgan nga kami sa mata eh, kakamustahin ko siya sana kaso kumaripas ng takbo pababa ng escalator *sweatdrops* Para siyang nakakita ng multo ah. Kala ko ba ok na tayong dalawa? Iniiwasan mo pa rin ako hanggang ngayon. Sana kung ganyan rin lang ay sabhin mo naman sa akin, nagmumukha akong tanga eh. Haayy..sabagay masaya ka na sa buhay mo ngayon lalo na't nakakita ka na ng taong nagmamahal sayo. Yun naman gusto mo hindi ba? Yun din naman gusto ko eh, ang mapasaya ka. Kahit na kalimutan mo ako ay wala na akong magagawa pa..haayy...nice seeing you again ha....

No comments: