Tuesday, November 08, 2005

Bad day

Umaga palang kahapon ay maasim na ang simula

Nakakasar kahapon, sa sobrang asar ko ay hindi ko na napost kagabi pa, hehehe. Umaga palang ay napagalitan na ako ni Dean Magada dahil daw mali yung room ko, oo nga naman eh, sa EB212 nga naman dapat ako, bakit nasa EB312 ako? Tungaw talaga ako, nung klase ko ng 3-5 ay biglang nag Classrom Observation (CO) si Ma'am Mendoza, shet, nagulantang ako! Takte, baba ng nakuha kong remarks, dun pa talaga siya natapat sa MULMEDFA, section ng mga pasaway pumasok! Pero may maganda namang nangyari kahapon eh, nakita ko na si JA ulit pagkatapos ng isang linggo. Pinagalitan ko nga siya eh, kasi ba naman, tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot, nag alala tuloy ako sa kanya. Pinamigay ko na nga pala yung pasalubong ng parents ko galing Baguio, mga chocoflakes as usual, pero ngayon, mas madami na binigyan ko. Hay, if it's not your day, it's not your day!

No comments: