Wednesday, November 16, 2005

Bagong Sahod

Kanina na withdraw ko na sahod ko at manonood sana kami ng Harry Potter and the Goblet of Fire..kaso bukas na lang XD



Mag isa kanina ako sa SM eh, kaso nung namasyal ako sa cyberzone ay nakasalubong ko ang 2 nag gagandahang dilag (sepsep!) Namamasyal si Julie at Pearl sa SM at niyaya na nila ako na sumama sa kanila. Ayun, sinamahan ko sila mamili. Bakit ganun ang mga babae no? Kailangan talaga nila ng DSS (Decision Support System) grabe sila mamili eh! Hindi nagtagal ay nagutom na ako (ako lang!) kaya yun kumain kami sa bagong bukas na fatchoi sa Cyberzone. In Fairness masarpa pagkain nila ha, may libre pang fortune cookie eh. Eto nga pala fortune ko:



It is when we do the little things that we are able to accomplish great things



Oh ha! Astig no? Matapos nun ay naglibot libot pa kami at napagtripan ni Julie na bumili ng bag. Aba'y tagal niyang pumili ah! Ayun inabot kami ng closing time at hindi rin siya nakabili...adik kasi eh!

Hinatid ko na sila hanngang sa rd. 20 lang kasi bibili pa sila ng gamot sa botica eh. Ayun, sarap ng araw no? Nood me Harry Potter tomorrow...










No comments: