Sunday, November 13, 2005

Saturday Madness

Umalis na ang la Naval sa AMACU, Saan naman naggala ang tropang gala?


Kahapon ang last day ng La Naval sa school kaya naman nagkaroon ng misa para pasasalamat at pamamaalam sa Birheng Maria. Bago yung mass ay nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makausap ang babaeng pinakamamahal ko kaya masaya ako nun. Fast Forward. Nagpuntak ami ni Tristan at ni Ralph sa Philippine Trade Center para sa HERO launch. Aba'y hindi kami pinapasok sa loob! Dami na daw tao eh. Madami nga pero madami na ring naglalabasan. Hindi ba sila marunong mag math? Haayy..kaya ayun, naglibot kami sa Pasay, tapos napadpad kami sa Aliw Theatre at napag isip isip namin na mag Baywalk na lang. Ayun, naglakad kami ng naglakad hanggang mapadpad kami sa Baywalk. Sarap talaga tumambay dun, minsan nga sama ko siya dun at magkwekwentuhan lang kami sa ilalim ng buwan. Oras na para kumain, naghanap kami ng makakainan, naglakad sa Malate, walang nagustuhan, naglakad pa, umabot kami sa Robinson's Ermita. Dun kami kumain sa Sbarro hehehe. Lakas ng trip no? Oo nga pala, nakita namin dun yun ex ni Ma'am Rap, amf may kasamang chicks. Bilis niyang magpalit ah! Sayang, mahal pa rin siya ni Ma'am, ewan ko ba, Ganun eh. Anyway, matapos kumain, naglibot pa at nakakita kami ng hobby shop na madaming tinda na action figure at comics! Takte pag nagkapera ako ay bibili ako ng madaming comics! Sa wakas, tinamaan na kami ng pagod, kaya ayun, nagsiuwian na kami






















No comments: