Wednesday, November 30, 2005

Secret Admirer

Nope, hindi po sakin ung admirer na yan, dun yan sa babaeng pinakamamahal ko.


Well ganito kasi yun eh. Walang load si JA. So nung nasa SM North ako, balak ko sanag loadan siya. Kaso nalaman ko na lang, may nakauna na sa binabalak ko. Takte, sino yung nag load kay JA? Meron ba siyang secret admirer? Last week ko pa kasi inaalam kung meron nga eh, kasi yung sa voting results ng Si Sir..Si Ma'am ay may isang number na madaming votes na nakapangalan sa kanya. Tinanong ko na lahat ng kakilala ko kung alam nila ung number pero walang nakaka alam. Mismo siya tinannog ko na rin pero hindi niya rin alam. Ewan ko ba, dapat masaya nga ako na madami nagkakagusto sa kanya eh. Kaso, yoko yung stalker type. Ako ang natatakot para sa kanya eh, tsaka, ako pa napagbintangan na nagbigay ng load sa kanya. Basta, wag naman yung patago. Well matapos yung Si Sir..Si Ma'am ay expect ko na madaming magkakagusto sa kanya, dapat kong tanggapin kung ano na kalalabasan ng lahat..makakabuti man sa akin o hinde..

1 comment:

Jepoy said...

amfota... dapat d ko binigay sa iyo yung poll results.... stalker amf. hahahaha!