Thursday, November 10, 2005

Tampuhan

Ang buhay parang gulong, minsan nasa taas ka at minsan nasa baba ka. Kanina'y masaya kaming dalawa ngunit ngayon nagkatampuhan na.

Kasalanan ko kasi eh, bakit ko nga ba siya pinangunahan? May seminar kasi ngayon ang isang klase ng technoentrepeneurship at ang mga students ko sa subject na yun ay students niya mamaya. Sabi ko kasi na papuntahin niya ang mga yun sa seminar dahil required sila, pumayag naman siya eh, ang problema kasi sakin, nagmamagaling, sinabihan ko ang klase niya na dumiretso na sa seminar at ako ang kukuha ng attendance nila. Nagalit sakin siya dahil ako na ang nag desisyon para sa klase niya, ang tanga ko talaga, nadala kasi ako eh, feeling ko kasi close na kami, hindi nga pala. Haay..mag iisip na ako ng paraan para makabawi sa kanya.

No comments: