Friday, December 16, 2005

9 Mornings

Mamayang 4:30 ng umaga ay magsisimula na naman ang tinatawag ng mga Pilipino na Simbang Gabi

Eto ay nakaugalian na ng mga Pinoy na gingawa sa pagsapit ng 16 ng december para sumakto ng tapos sa bisperas ng Pasko na kung tawagin ay Misa de Galo. Nagsimula ang tradisyon noon ng nagkaroon ng misa sa madaling araw para sa mga magsasaka, hindi kasi sila makapagsimba sa original na oras dahil madami silang ginagawa, kaya naman pinahintulutan sila magsimba sa madaling araw, tapos naging tradisyon na ito hanggang ngayon. Sinasabi ng karaniwan na magkakatotoo daw ang hihingilin mo kapag nakumpleto mo ang simbang gabi, well guys, I hate to burst your bubbles pero sa tingin ko ha, kapag pansarili mo lang ang hinihiling mo ay malabong magkatotoo ito, pero wag ka magalit dude, hindi naman lahat ng hiling pag natupad ay may kasiguraduhan na magiging maganda buhay mo, malay mo kaya hindi tinupad ng Diyos yan ay dahil maghihirap ka lang. Noon kasi lagi kong hiling na mahalin din ako ng babaeng pinakamamahal ko, kaso hindi natupd, buti nalaman ko ang tunay niyang ugali, kung nagkataon, massaktan lang pala ako. anyway, hindi sana ang hiling ang rason kung bakit ka nag sisimbang gabi, kundi ang makapaghanda sa pagdating ng dakilang manunubos.

No comments: