Saturday, December 24, 2005

Christmas Season

First of all, sa wakas nakumpleto ko ang Siyam na araw ng Simbang Gabi (araw na gabi pa!) Ang bilis ng araw no? Parang kailan lang ay graduation namin, tapos pasko na pala!


Pero ano nga ba ang Pasko? Nakakalungkot isipin, pero ang ideolohiya ng tao ngayon sa Pasko ay regalo, party at aguinaldo. Parang nagiging materialistic na ang mga tao no? Bakit ba kailngan mo ng regalo? Bakit, birthday mo ba? Siya naman ang may birthday di ba? Naaalala ko tuloy ung kantang "Give love on Christmas Day". Sana lang po na wag na kayong maghintay pa ng Disyembre para lang magmahal ng kapwa niyo. Mas gugustuhin ko pa ung lyrics ng isang pinoy na kanta eh "..sana'y kahit hindi pasko ay magbigayan". Sa apat na taon kong pag kukumpleto ng novena masses (simbang gabi) ay natutunan ko na kung pangsarili lang naman ang ihihiling mo, huwag mo nang ituloy, makasarili ka eh. Pero kung ang hiling mo ay para sa ikakabuti ng ibang tao, mas masaya pa ang pakiramdam mo, kasi mararamdaman mo na matutupad yun. Merry Christmas po sa lahat at sana huwag natin hintaying mag pasko para lang magmahalan tayo.

No comments: