Wednesday, December 28, 2005

Friendster

Pag uwi ko, nakita ko na naman ang kapatid ko na nakatutok sa computer. Aba'y iisa lang naman ginagawa niya sa computer ko, nag fri friendster!

Ano ba meron dito at na aadik utol ko? Pati utol ni Tristan naadik na dito eh! Naalala ko noon, nung 2003 pa, kakaunti pa lang kami gumagamit ng friendster. Barubal pa layout neto at ang pinaka objective mo lang ay makapag hanap ng friends at i-link sa "network" mo. Aba'y kung may P100 lang siguro bawat add ng friend mo, tapos P25 daily income per friend ay napakayaman na namin siguro no? Madami diyan, gagawin ang lahat magkaroon lang ng 500 na friends, noon kasi, may limit pa friends mo eh, dun nauso ung name na Panget-FULL, Ganda-FULL, AsadoFULL etc. Gagawa nga sila ng second account, kaso yung mga friends nila dun ay yung mga nasa first account din eh ~_~ Pero lumipas ang panahon ay dumadami na features ng Friendster. May CSS na siya aber! Dyan na naglabasan mga ka jologsan ng mga tao sa pag "papapangit" ng profile nila. Mantakin mo ba namang pagsamahin ang streaming video at streaming audio sa iisang page ~_~ May mga epeks epeks pang nalalaman (leche!) Pero ano bang mabuting naiidulot ng Friendster sa atin? Yayaman ba tayo? Gwagwapo ba ako? Pero, ng dahil sa Friendster, nagkaroon ulit ako ng komunikasyon sa mga taong akala ko nabura na sa mundo (heh). SAbi nga nila, maaring sa friendster mo makikita ang taong matagal mo ng inaasam asam...maliban na lang kung CHICKSILOG yan! hahaha! Madaming gumagawa ng account na gumagamit ng ibang personalidad, ibang tao. Aba'y pati hayop ginagawan na ng account ah! Mabalik tayo sa kagandahan ng Friendster. Aba, katulad kanina, nakita ko account nung babaeng "minahal" ko nung college (bukod kay AK) Ayun, may boyfriend na pala siya. Hindi lang ordinaryong boyfriend ha, yung lalakeng matagal na niyang pinakamamahal. Wow, swerte niya no?! Hindi ko akalain magkakatuluyan sila kasi itong si guy noon ay wa pake kay girl, well, time change ,people change. Tama nga na kung kayo talaga, kahit lumipas ang panahon at magkakatuluyan kayo...So ibig sabihin, sa lahat ng nagustuhan kong babae, butata ako! wakokoko Hay nako Friendster, nangdahil dito, may mga bagay akong nalalamn na dapat ay hindi ko na malaman pa....

No comments: