Saturday, December 17, 2005

Jealousy is Poison

Selos..eto ang karaniwan ang salarin sa pagguho ng isang relasyon

Isa sa pitong ugat ng kasalanan, ang pagseselos ay nakakapag pagawa sa isang tao ng kasalanan. Ang pagseselos daw ay lumalason sa taong nakakaranas ng ganito. Kinakain siya neto hanggang makagawa siya ng bagay na pagsisisihan niya habang buhay.Inaamin ko, nagseselos ako, pero sino ba ako para magselos? Hindi naman kami, wala naman g kasunduan na kaming dalawa ang magmamahalan. Kaya anong karapatan ko? Saya no? Kahit ako ang dehado, ako parin ang may kasalanan. Kaya siguro na frufrustrate lang ako. Dapat nga maging masaya ako para sa kanya hindi ba? kailangan hindi nila malaman na nagseselos ako, pero hanggang kailan ako makakagawa ng palusot? Haay..Sadyang malas lang talaga ako sa pag ibig. Mahal mo siya pero mahal niya ay iba. Kelan darating ang panahon na ako naman ang mamahalin? Asa...

1 comment:

hop said...

paalala sa akin ng friend ko one time, dont rush and look for love... let love look for you. siguro nga hindi pa natin panahon mainlove... dadating din ang para sa atin andrew. wag tayo mawalan ng pagasa... ;o]