Sunday, February 27, 2005

Tantra All Day Free Gaming

Part 2 ng celebration ng Tantra kanina. Pero bago ang lahat ay nagpunta me sa UP Diliman para kumuha ng application form para sa masteral ko (hindi ako nagsasawa mag aral eh). Walanjo! Nawala pa nga ako eh! Biruin mo napasakay ako ng jeep ng UP - Katipunan. Nagulat na lang ako ng makita ko na miriam College na. Nandun na rin lang ako eh bisitahin ko na si *bleep*. Tapos ay bumalik na ako sa UP para matapos na lahat ang kahirapan ko. Kaso nung pagpunta ko dun ay sarado pala yung Graduate Studies..wow! leche! Kaya ayun nagpunta na lang me sa Megamall para sa Tantra event. Hinintay ko si Buknoy para sabay na kami sumakay ng MRT. Nung nandun na kami ay nagulat kami sa sobrang dami ng tao (sa Cyberzone po ito ginanap). Tapos nakita na rin namin si Arikado at nag form kami ng party (joke!). Siyempre nandun si Regine, ang mala anghel na Tantra Maiden XD. Tapos maya maya ay nagsidatingan na ang mga tiga digital tour na sina Ketchup, Archie, at yung babaeng hindi ko kilala XD. Naglaro rin sila ng Tantra at ang kadugasan dun ay edited mga characters nila. Bolsyet!

Eto nga pala yung pics kanina

Saturday, February 26, 2005

Tantra Grand Launching

Para sa mga adik na katulad ko ay memorable ang araw na ito. Dahil sa araw na ito officially ni launch ang Tantra Online. The 1st FULL 3D MMORPG (Massive Multiplayer Online Role Playing Game). Ang daming tantra adiks ang nagsipunta. Ako nga nagpunta dun nag seset-up palang sila eh..walanjo..ang aga ko pala hehehe..ayun wala me masyadong makuwento dahil inaantok na ako. Basta masaya me nakita ko ulit si Regine..hehehe

Click here to see the pics ^_^

Tuesday, February 22, 2005

Blood-stained hands TT___TT

Waahhh! Hindi ako makapaniwala! Naging killer ako!!! Ang aking gandharva namanstahan ang kamay ng dugo..dugo ng inosente! Arrgghh!! Annka ko! Huhuhuhu...

Nagsimula ang lahat ng nakapatay ako ng killer. Nakalimutan ko i-off yung PK Switch button ko kaya hindi ko namalayan na tao na pala napatay ko! Nakakahiya! Isa pa naman akong tikapagtanggol ng katarungan tapos ako pa ang magiging kalaban. Oh hinde!

Tignan niyo! 600 Karma points ko!

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

(nakatakip stats ko dahil baka makita ng mga taong naghuhunting sa akin..mga killer na napatay ko..mahirap na, baka patalikod akong patayin ng mga yan)

200 karma per hour, bale 3 oras akong tutunganga para mawala karma ko

I'm sorry Annka..I failed you...

Sunday, February 20, 2005

Anime Xplosion 2005

Kanina nagpunta ako sa isa na namang anime convention. Pagdating ko dun ay laking gulat ko na makita ko ang Nyoy Volante & Mannos na kumakanta sa stage ng AXN o.O Walanjo! Hindi alam na may gig pala sila ^_^; Kinamusta ko lang sila at buti naalala pa nila ako (no wonder, ako lang makulit eh). Tapos nun ay pumunta na ako sa talagang pakay ko sa Megamall...ang Anime Explosion! Amfness P150 entrance! Pero no choice kaya bumili na rin ako ng ticket. Pagpasok ko ay na shock ako sa aking nakita. Magkatabi booth ng Tantra at Ragnarok..syet..gera na 'to hehehe..naglibot muna ako at nakita ko yung mga kakilala ko sa anime industry. Hindi ko na babanggitin lahat kasi aabutin tayo ng Semana Santa nyan. Nakita ko na sina Buknoy, Arikado at Air-Run..ang 3 bugok..pag sinama mo ako ay 4 na gwapings na....hehehe. Maya maya ay nakita ko na sina Den at Lolo. Oo nga pala..EB rin ng Kuleet-INC kanina..hehehe. Binigyan ko ng kiss-sabay-hug si Den hehehe.

Click <.labshoo! Tapos nakipagkilala na ako sa rest ng Kuleet, na talaga namang makukulit hehehe. Nagsimula na ang cosplay competition...madaming bagong costume at maganda yung kay Edjie (bias ka amf!) Sa wakas pinakilala na rin ako ni Edjie sa mom na. Hindi ko tuloy alam na is it a good sign or a bad sign? Sayang wala si Ashley nun (pero akala ko siya yung dragon, wakekeke!) Maganda rin yung kay Die (parang wala naman kayong pinagsamahan eh, dagdagan mo pa! Hehehe) Sa kalagitnaan ng cosplay competition ay may umakyat sa stage na kilala ko..amf! si Benedict! Sa mga hindi nakaka alam, si Benedict ay estudyante ng unibersidad ni Amable at medyo may problema sa kanyang pag iisip. Buti na lang at hindi siya nag wala (phew) at nung bumaba siya sa stage ay kinausap ko siya at nag pa picture na rin..hehehe. Nung matapos na ang cosplay ay tska lang dumating si Ashley. kasama miya ang kanyang bestfriend na si Faus at kinamusta ko sila as usual. Nagulat ako ng sinabi nila na isa na akong moderator ng FADE forum. waw! Matapos makipag chikka chikka sa kanila ay naglibot muna kami. Nakita ko na walang connection ang Ragnarok pero sa Tantra meron naman (fishy?). Pinuntahan ko rin yung booth ng SHADE, isang bagong 3d rendering program at lumapit ako dahil:

a.) May freebies
b.) Maganda yung babae (singkit eh)

Mabait naman yung babaeng kumausap sa akin at katunayan pa nga ay binigay niya ung pin na suot niya sa akin (naks!) Sabi niya tetext niya daw ako pag may seminar sila..sana nga..hehehe. Late dumating si Polence (sayang) pero kung titignan mo ang costume niya ay vavavum! siya dun hehehe. Kinamusta ko lang siya at dinumog na siya ng fans niya kaya hindi ko na siya na picturan pa *sob* 8pm na ng mapansin namin na gutom na kami (grabe) kaya nagkayayaan ng kumain. Nagpaalam na kami sa mga friends namin at kumain na kami sa foodcourt at umuwi na kami....What a Day ^_^;

Click here to see the pics

Saturday, February 19, 2005

Prelim Exam to Sisig

Nagpunta ako kanina sa JP Sioson apra kunin yung X-Ray namin ni Tristan at nagulat ako na may mukha ng babae sa puso ko (joke!) Hehehe..ok naman yung findings sa x-ray namin, nakalagay lang naman na "Diaphram and sinuses are unremarkable"..wow labo.. o.O Tapos ay nagtungo naman ako sa SSS para kunin yung lintek na SSS number na yan. Matapos nun ay nagpunta na akong AMA para umistambay at mangulit dahil prelim na..hehehe..Pagdating ko sa AMA ay pawis na pawis ako dahil ang init amf! Kaya sinabi ko kina ma'am gem na magpapalamig muna ako. Nagpunta ako sa encyclopedia section at nagbasa ng "The Nature of Life". Hindi namalayan na nakatulog na pala ako at pag gising ko ay malapit na magsara library..hehehe..Hindi muna ako umuwi bagkus ay pumunta ako sa CS faculty para mangulit..este para hintayin sina Tristan at Mon dahil 8 pa labasan nila @_@ Habang nadun ako ay kunukulit ako ni Ma'am Grace, tinatanong niya ako kung gusto ko mag proctor, pero sabi ko hindi naman ako naka polo kaya diyahe naman. Tapos nagkuwentuhan kami ng nakakatakot hehehe. Hindi ko namalayan na 8 na at nagsibaban na nga kami. Nagkayayan kami na kumain sa sisigan at sinama namin ang mga SCA (Student Cathollic Action) at sina sir Manota at sir Eman. Sasama sana namin si Ma'am Grace kaso may exam siya ng masteral bukas eh. Nagkuwentuhan kami sa sisigan mula sa topic na sir pepito, mga "special children" ng AMA hanggang sa pag reminisce ng Eleksyon 2004. Mga volunteers kasi kami dun at Nagpunta kami sa GMA para mag encode. Ayun napasarap kwentuhan namin at inabot na kami ng 11pm. Asar..hindi na naman ako nakalaro ng Tantra..makalaro na nga..

Friday, February 18, 2005

From X-Ray to Constantine

Nagpa X-Ray kami ni Tristan sa JP Sioson kanina, sinamahan kami ng dad niya kaya libre transpo hehehe...nung ine x-ray ako ay pinatayo ako sa pader na may metal plate at sinabi na huminga daw ako ng malalim. Ngayon alam ko na nararamdaman ng papel pag sine xerox..wakekeke! Tapos nun ay hinatid kami sa NBI sa Quiapo at iniwan na kami ng dad ni Tristan dun. Pag akyat namin ay nalaman namin na may P20 palang entrance fee! buset na gobyerno yan! hehehe! First time ko kumuha ng clearance kaya dumaan ako sa mahabang proseso...huhuhu. Akala ko makukuha ko na ung NBI clearance ko pero hindi papala..27 hits ako eh (27 na may kaparehong pangalan) Babalik pa ako sa 22!! Arrgghh!!! Anyway..matapos nun ay pumunta kami sa siopao heaven (hehehe, hindi dito, sa ongpin) dahil puro instik, kaya siopao heaven! hehehe...sarap nung kinain namin dun..makime..yummm...tapos naglibot kami para maghanap ng instik..ehek! Maghanap pala ng bibilhin wakekeke! Swerte ko nakita ko new album ni BoA. Original kaya binili ko na! Saan ka makakakita ng P160 na orig??! eto un o:



Matapos ang Siopao Heaven escapade namin ay nagpunta na kaming SM North para manood ng Constantine(pabulong). Ang daming tao! Pero maganda kasi ung movie eh. Panoorin niyo rin at hindi kayo magsisisi. Ung spongebob hindi pa showing!!! Aaaaarrgghhhh!!!

Monday, February 14, 2005

Lova Palooza

Waahhh ang lufet ng lavapalooza!!! Nagpunta kami kagabi nila Tristan, Tin, Ate Joy at Kuya Mark sa Roxas Blvd. para sa lovapalooza! Nagsimula yung event ng 6:30 PM (+8 GMT) Nanggaling pa kami sa school ni Tristan kaya natagalan kami makipagkita kina kuya mark at tin. So eto nga nagbyabayahe na kami, Nasa Maynila na kami ng mapansin ni Tin na malapit na maubos gasolina niya! AMF! Akala namin hindi na kami aabot sa Roxas Blvd. Grabe pa nga yung traffic, napilitan kaming lumiko sa pedestrian sidewalk @_@ Sa awa ng Diyos nakapag park kami malapit sa PICC at nilakad na lang namin papunta dun sa "epicenter" ng lovapalooza. Ang daming tao AMF! Nagsasama-sama mga conio at mga jologs sa iisang event! Meron din mga pangkista, rakista, karatista (ehek!) Siyempre ang fave ko dun ay madaming chicks! Lalo na yung mga koreana Ayun pinanood namin yung Bamboo / Rivermaya (dahil puro naman kasi Rivermaya kinakanta nila) Ang galing ni Archie Alemania (sagad!) (hehehe, kamukha kasi ni Bamboo si archie eh). Matapos mag jamming ng Bamboo ay napansin namin na nag uuwian na yung iba (bashtush!) Kami naman ni Tristan at Tin ay umupo muna sa baywalk at nag kwentuhan sa harap ng dalampasigan. Tapos sumapit ang 12 Midnight. Lap-lapan na! Tapos kasabay nun ay fireworks display na nanggagaling sa mga barko sa Manila Bay! Ang lufeeett!!! Madaling araw na kami nakauwi kaya kina Tristan na ako natulog (pinagsarhan ako ng pinto eh!) Sarap pala dun pag gabi, ang lamig! Buti na lang mainit na tsampurado agahan namin kaya nawala yung lamig sa katawan ko. Sana makabalik kami next year, at sana kasama ko na si...nevermind...asa ka pa boy!

Wednesday, February 09, 2005

ISO Inspection Day 2

Waw! 10:30 am nagpunta yung ISO inspector sa library para sa final inspection. Buti na lang maayos ang lahat nung sumulpot siya ^_^ Ayun sa wakas tapos na inspection at pumasa ang Library! as usual.hehehe. pagkatapos nun ay nilibre ako ni Ma'am Gem sa 4m (formerly known as Aldiwan) La lang share ko lang! Kanina depress yung chatmate ko, ewan ko ba dun. Hindi naman ata ako napapansin nun eh. Hindi niya ba na rerealize na pinapasaya ko siya? Haayy..wala naman pala akong kwenta eh. Hehehe..oi teka off topic na pala! So ganun nga tapos na kaming kumain..tapos nung mga bandang tanghali ay nakita ko naman si Tristan, putek nagyaya kumain! Lamon na naman ako! Hehehe..after school nagpunta kami ni Tristan sa estudyante niyang arabo na nagpapatulong mag install ng Visual Basic. Pagpasok naman sa bahay ay parang nasa Saudi ako! @_@ Nung matapos na kami dun ay dumeretso naman kami kina kuya mark para mag net..este para pag usapan ang isang "business proposal" Bago kami umuwi ni Tristan ay naabutan pa kami nung maganda niyang ate (hahaha sepsep!)

Ay bukas nga pala Chines New year

Sin nee quai lok!

ay oo nga pala, bukas din i cecelebrate naming mga Catholic ang Ash Wednesday. kaya baka hindi muna ako mag net bukas at magisismba na rin ako ^_^

Tuesday, February 08, 2005

ISO Inspection Day 1

Waahhh late na ako nagising!! Kasi ba naman binangungot ako eh Buti na lang kumakain pa yung inspectors nung dumating ako. Tapos nagulat na lang kami ng sinabing uunahin yung NMA Library! Ayun nataranta si Ma'am Che kaya sinamahan ko na siya dun. habang nandun ang inspector akalain mo ba naman na kung ano anong kababalghan ang nangyari. Una, sira pc ni mam kaya kailangan kong palitan. Tapos sira yung AVR kaya kailanagn palitan din! Tapos nagloloko libsys! Tapos may pumasok pa biglang janitor tapos sumigaw ng "MA'AM PATAYIN NIYO DAW YUNG AIRCON, HINDI DAW KAYA NG BREAKER!" Waahh! Amf! Buti naman naging maayos ang lahat. Matapos nun ay pinakiusapan naman ako ni ma'am grace na mag "substitute" daw ako sa klase ng COMPR4, tutal mukha naman akong prof. wakekeke! Aba naniwala ang mga mokong na estudyante na prof. ako! Todo galang sila sa akin at yung iba pa tinatanong kung ano hawak kong subj. Sabi ko na lang na hawak ko MULMED kasi nagbubutingting ako ng FLASH nun eh ^_^; 11-2pm sked nila at naging mainam naman ang pagtuturo ko. Wakekeke!. Nang matapos ang unos ay nag sit-in naman ako sa classroom ni Mr. Datoc (ang panget pakinggan amf!). kunwari estudyante naman ako ^_^ Binulungan ko yung katabi ko na "Batiin mo si sir, birthday niya ngayon" Ayun kumanta ang buong klase :P Wakekeke! Sumabay na akong umuwi kay birthday boy at binigay ko na rin yung regalo kong porn este lalagyan ng cd ^_^ Kumain kami sa bahay ni birthday boy (kami, kasi kasama ko si tin) at busog na busog ako dun sa machang! As usual nakita ko n naman yung 2 utol ni Tristan na si Nina at Ate Tristan..este Ate Ina..la lang gusto ko lang sabhin na nakita ko sila ^_^; Haay..kakapagod itong araw na ito o.O...tutulog na ako kasi maaga na naman ako bukas (actually mamaya na eh)

Sunday, February 06, 2005

ako si Maoi...

Hello to all Siopao Master's blogmates... or whatever bloggers call it... nyahehe!!! ]

Anyway, I'd like to introduce myself. I'm Maoi or a.k.a. former "Hikari" as Siopao calls me, which means LIGHT in english.. I am Siopao's schoolmate, classmate, ragnamate, PS2mate and ka-GeForce during college. mwahahaha!

Hmmm... Maybe you're asking, what am I doing here. Actually, I don't know either.. Hehe! It just happened that we are both here in AMACU Library today, where we spend our spare time during breaktime and after class dismissal in the afternoon back in college. I told him to let me post an entry in his new blog (just got nothing to do.. :p)

Uhmm... what else can I say... John Andrew Delos Santos... For the bloggers who are reading this and who still don't know who the hell John Andrew Delos Santos really is, then allow me to say few things about this guy. Hmmm.. Let's say, some are good and some are not soo good as well... Haha! Hey! That's what are frieds for right??! You can not say you are a real friend unless you can tell what's nice and wha'ts not so nice with them...

Okay, here it goes... Drew is a nice person, he won't make you feel that you are an outcast. You can not expect him to just leave you alone, mentally and physically. He's a good listener. He's always there to cheer you up whenever you feel down and lonely... He's a gentleman but he doesn't treat me like I'm a girly girl, I mean in a nice way, like for example it's fine with him if I wanted to go to the gym with him (not most of the guys are like that, they just want to carry weights w/o someone disturbing them), and many more... What I don't like about him is he doesn't take advices, not just from me but from anyone else. Maybe sometimes but not most of the time. Like even when he's totally wrong with his decisions and everything he still won't listen to your advice, the only right for him is what he knows and what he wants. PRIDE as you say... Sometimes he's jokes are corny and/or just too much... He's sensitive and gets hurt easily. And... um... he eats a LOT! hahaha!!!

I think I got carried away too much with this posting thingy... Hey Drew! Don't worry okay? This testimonial is free... Haha! Just make it up to me when you got your first salary okay? Hihi! Kidding... But no kidding... Haha! Anyways... Good luck with our new world, good luck with everything. Take care always ayt??? I'm going to miss all of you... :)

-- MAOI aka hikari

Saturday, February 05, 2005

Another Boss Battle @_@

Yeba! Nag level 30 na rin sa wakas si Annka (ung character ko na gandharva pero raksasha mag-isip). Tumambay ako sa coliseum at nakalaban na naman ako ng isang boss >_< Isang super laking ogre! Pero malakas naman si Annka kaya natalo niya naman eh

Eto nga pala yung pics ng boss encounter











Oo nga pala, nagising na rin sa katotohanan si Annka, na realize niya na isa na pala siyang Gandharva at yun gumamit na rin ng gloves. Nakapili na rin siya ng god, As usual, tulad ng dati, Vishnu

Eto pic niya oh ^_^

Image Hosted by ImageShack.us

Friday, February 04, 2005

What Kind of Intelligence Do You Have?





Your Dominant Intelligence is Linguistic Intelligence



You are excellent with words and language. You explain yourself well.
An elegant speaker, you can converse well with anyone on the fly.
You are also good at remembering information and convicing someone of your point of view.
A master of creative phrasing and unique words, you enjoy expanding your vocabulary.

You would make a fantastic poet, journalist, writer, teacher, lawyer, politician, or translator.



New Tantra Characters (just can't get enough)

Binura ko na yung Rakshasa kong si Annka dahil may lalake na akong Asura eh. Pero dahil sa sobrang mahal ko si Annka (ung character ha) gumawa ako ulit ng bago, Gandharva naman! (maganda kasi talaga siya eh) Kaso may twist, ginawan ko ng fanfiction si Annka. Kunwari Raksasha nga siya dati, pinatay ni Mightor(wakekeke)at nag reincarnate bilang isang Gandharva, kaso nandun parin ang essence ng pagiging Rakshasa niya kaya ayun, sword weilder na Gandharva @_@

Here's her pic:

Image Hosted by ImageShack.us

(update ko pa ito kasi wala pa siyang god as of now)


Ok next character is Princess Serenity, lover of Prince Endymion,prinsipe ng Earth. Si Princess Serenity ay yung prinsesa ng Moon Kingdom. Bawal ang pag iibigan ng dalawa kaya nagkaroon ng gera sa pagitan ng Earth at Moon. In the end, namatay si Prince Endymion sa pagsagip ng buhay ni Princess Serenity. Sa sobrang kalungkutan ni Princess Serenity ay nabuhay ang kapangyarihan ng "Moon Silver Crystal" sa katawan niya at nag release ito ng enerhiya na kumitil sa lahat ng tao sa Earth at sa Moon. Dun natapos ang Silver Millenium.

Here's her pic:

Image Hosted by ImageShack.us

Wednesday, February 02, 2005

Tantra Boss Experience @_@

Ok first time ko naka encounter ng boss sa Tantra. Nagpapa level-up ako sa tarantulas ng biglang lumabas ang isang super laking gagamba! Grabedads! Inabot ako ng 5 mins. para mapatay yung Tarantula Zuzu

Anyway, eto screenshots nung encounter ko