Tuesday, March 29, 2005

kAykAy

Hi nga pala kay kAykAy

wala lang

naka dedicate itong entry na ito sa kanya XD XD XD

pumunta kayo sa blog niya ha

http://just-trippin.blogdrive.com

kung ayaw niyo masaktan pumunta kayo

mag tag na rin kayo ha

Ang init na TT___TT

WAAHH!!! Grabe ang init na! kaunting lakad ko lang eh tumatagaktak na pawis ko (or was it only me?) Hi nga pala sa mga bagong blogsters ko (kahit na pinilit ko lang silang mag tag dito XD ) Balita ko magaganda daw mga kaibigan ni AK eh Image hosted by Photobucket.com Sana ma meet ko rin sila ng personal. hehehe (ASA KA BOI!!!) Image hosted by Photobucket.com Anyway, Malapit na ipalabas ang Star Wars Episode III : Revenge of the Sith. Sa sobrang excited ako ay biili ko lahat ng nakaraang episodes sa DVD..syempre pirated...mahirap lang ako eh Image hosted by Photobucket.com Gusto ko na mag May 19!!! ARRGGHHH!!!

Oo nga pala, nalipat na naman ako ng guild sa Ragnarok. Sa Oracle na ako ngayon at sana magtagal na ako dito. Pupunta nga ako sa EB mamaya eh. Hehehehe

Musta na kaya character ko sa Tantra?

Friday, March 25, 2005

Good Friday: Visita Iglesia

Una explain ko muna kung ano yung Visita Iglesia. Spanish word to meaning, Bumibisita sa Simbahan. Ito ang panata ko bawat Biyerne-Santo na parang penitensya ko na rin. Katunayan, ika-tatlong taon na naming ginagawa ito. Ang mga kasama ko rito ay sina Mon, Tristan at Joanne, ngunit hindi nakasama si Tristan ngayong taon na ito dahil hindi siya pinayagan. Hindi bale, may 3 namang pumalit sa kanya, si Baby Anne, Aldritch at Kenneth, pawang mga SCA (Student Catholic Action). Ano ang ginagawa namin sa bawat simbahan? Dinadasal namin ang 14 Stations of the Cross na 1 station per 1 church. Nagsimula ang aming paglalakbay sa Our Lady of Hope Parish diyan sa Bagong Pag-Asa, tapos nilakad namin papuntang Phil-Am para naman sa Sta. Rita de Cascla. Tapos, sumakay naman kami ng jeep papuntang Sto. Domingo Church, tapos sakay ulit ng jeep para sa simbahan ng UST. Tapos mula doon ay naglakad kami papunta sa San Sebastian, ang simbahan na gawa sa purong bakal o_O Pagkatapos namin dun ay naglakad na kami papuntang Mendiola para puntahan ang St.Jude, ang patron ng mga impossible, sa kanya, walang impossible, kaya alam niyo na siguro hiniling ko Image hosted by Photobucket.com. Pagkatapos dun ay nagtungo naman kami sa "Twin Churches". Ang dalawang magkadikit na simbahan, namely ang simbahan ni St. Francis Assisi at yung isa nakalimutan ko na pangalan (i-e-edit ko na lang pag naalala ko) Pagkatapos nun ay naglakad kami sa Recto para sumakay papuntang Manila Cathedral, kaso napansin namin ay sobrang traffic malapit sa Quipao kaya hindi na kami tumuloy at sa Quipao Church (Parish of the Black Nazarene) na lang kami pumunta. Ang daming tao sa Quipao grabe! Image hosted by Photobucket.com Kaya nagtiyaga na lang kami sa labas magdasal. Pagkatapos nun ay nilakad namin papuntang Sta.Cruz at dun nagpahinga muna kami (nakakalimutan naming magpahinga sa kakalakad eh). Pagkatapos sa Sta.Cruz ay agpunta kami sa paborito kong lugar...ang Binondo Image hosted by Photobucket.com. Kaso tuwing Biyerne-Santo ay kakaonti lang ang mga instik na nag gagala sa Binondo. Pero nakaka chamba parin ako ng maganda...haaayy Siopao Heaven Image hosted by Photobucket.com. First stop namin ay sa maliit na chapel na pwede ka mag insenso ala Chinese style pero pang Catholic dadasalin mo...astig hindi ba? Dun namin dinasal ang pang 12th station. Tapos ay naglakad na lang kami ng onti para sa Binondo Chinese Church para sa 13th at tinapos namin ang aming kalbaryo sa Minor Basillca and National Shrine of St. Lorenzo Ruiz. Matapos ang lahat ay kumain na kami ng lunch (mga 1pm na nun) sa lagi naming kinakainan kapag Biyerne-Santo, sa "Happy Burger" XD. Pare-pareho kami ng inorder, sweet & sour fish at Fried Squid combo meal, tapos bumili na lang kami ng softdrinks sa Mini-Stop. Hindi pa tapos ang ang paglalakbay dun. Bumalik kami sa Sto.Domingo para manood ng Presentation of the Cross. Sa mga hindi nakaka alam, ang nag iisang araw sa buong taon na walang misa ay nagaganap tuwing Biyerne-Santo. Ang aming sinaksihan ay hindi misa kundi isang pagdarasal na may kasamang komunyon. May parte dito na ipagdadasal namin ang bawat gabay ng Simbahang Katoliko mula kay Santo Papa hanggang sa mga kaparian. Bawat ipgdadasal na tao ay luluhod kami, tanda ng taos pusong paghingi ng kahilingan sa Diyos. Pagkatapos ay may parte na ililibot ang statwa ng nakapakong Hesus tanda ng pagkamatay niya sa araw na ito. Oo nga pala, nakalimutan ko sabhin na sa bawat puntahan naming simbahan ay nakatakip ang lahat ng santo, walang laman ang tabernakulo at walang tela ang altar, sa Easter Vigil ko na sasagutin kung bakit ganun tuwing Biyerne-Santo..sige matutulog na ako ^____^

Eto nga pala yung pics ng mga simbahang pinuntahan namin at yung arko ng Binondo XD

Visita Iglesia

(hindi kasama ang Quiapo, Binondo Chinese Church at yung maliit na kapilya sa Binondo)

Wednesday, March 23, 2005

Angel on Earth <3

Wow! Inaantok na dapat ako eh, tapos nakita ko si Angel Locsin! WAAHH!!! Ang ganda niya sa Darna costume Image hosted by Photobucket.com

AMF! Bigla ako nagkagusto sa kanya! Waahh!!! Obsession na to!!


eto yung Darna pics courtesy of Jepoy

Monday, March 21, 2005

Back to Back Graduation

Wow panahon ng graduation ngayon ah! How ironic na natapat pa sa Holy Week. Una kong pinuntahang graduation ay yung sa ka highschool batchmate kong si Daniel Pucan. Nagtapos siya sa San Beda sa kursong Marketing. Ang korny ng graduation kasi puro lalake eh XD. Pero nakakita rin me ng mga magagandang babae, siguro mga kapatid ng mga graduates yun Image hosted by Photobucket.com Matapos yung commencement exercise ay nagplano na kami kumain sa labas (yeba!) Dun kami nagpunta sa Ihaw Balot Plaza, dun siya matatagpuan lagpas ng delta tpaos liko sa crossings. Sarap ng tuna belly at inihaw na pusit Image hosted by Photobucket.com After ng tawanan, palitan ng mga korning jokes at pag sariwa sa nakaraan ay nagkayayaan na kaming magsi uwi

Eto pics nung sa graduation ni Pucan ---> gallery

March 20, 2005. Ang araw na hindi ko makakalimutan. Kasi dito yung commencement exercise ng pinakamamahal kong kaibigang si Edjie or Alodia. Ang daming magaganda kanina sa Miriam College. Parang nasa loob ako ng paraiso dahil nakapalibot sa akin ay naggagandahang mga dilag...kaso mga bata pa eh *sigh* Anyway, na meet ko na naman mga magulang ni Edjie at nag picture taking pa nga kami eh XD. Sayang wala si Ashley, pinagpalit ba naman ate niya sa net tsk tsk tsk.. Image hosted by Photobucket.com

Haay..tagal naman kasi ng commencement exercise namin eh. Dun ko lang makikita ulit iniirog ko (naks) Baka yun na ang huling beses ko siyang makikita at magkakahiwalay na kami para sa mga careers namin. Hayyy.. Sobrang ikli ng panahon para padama ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Oh well, I did my best, but my best wasn't good enough. korny na..hehehe

Friday, March 18, 2005

Sunog!!!

Walanjo! Nasunog yung bahay ng kapitbahay naminImage hosted by Photobucket.com Nagsimula daw yung sunog ng nag fluctuate yung kuryente tapos nag apoy na lang daw yung kisame Image hosted by Photobucket.com In short, faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog Image hosted by Photobucket.com Hindi ko na nga iiwanan yung computer kong nakabukas kapag aalis ako Image hosted by Photobucket.com

Thursday, March 17, 2005

Keep Swimming, Keep Swimming

Nag swimming kami sa isang "hidden" resort kanina. Sarap ng pakiramdam ng nag swiswimming..kahit na hindi ako marunong lumangoy XD Sa mga gusto makaalam nung place, ang name niya ay Rolling Hill...hindi niyo alam no? hehehe hidden nga eh. Wala me gaano makwento dahil sakit ng katawan ko Image hosted by Photobucket.com Para dun nga pala sa nag link ng blog ko..salamat ha! Labshoo all Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, March 15, 2005

Gym ka na ba?!

Ngayon kami nagsimula ulit mag gym ni Tristan. Matapos kami tumigil ng isang taon eh nag gym na kami ulit. Nung una nangangapa pa kami kung anong gagawin naming program, upper body ba? lower body ba? o chests, pero nag free for all na lang kami XD. After that pumunta kami sa house ni Tristan para install ko na yung Tantra at makapaglaro na yung mokong na yun XD. Sarap kumain ng siopao sa kanila hehehe.

Maiba naman tayo..Amatsu na sa Philippine Ragnarok Online bukas ah. Excited na ako sa wedding at super novice XD. nakalimutan ko pala i-kwento na level 99 na si Siopaomaster, ang uber kunat na knight ko XD. Umilaw siya nung Feb. 27, 2005 2348H (masyadong significant tong araw na to XD ). Kasalan na sa Amatsu, Kanino ba papakasal si Siopaomaster? Kay Guardian.Angel ba na ubod ng bait? Kay Annka ba na malupit sa math? Kay Bloody.Angel ba na mahilig sa pulang dugo? Sino kaya sa kanila?? Abangan sa Amatsu....

Seriously speaking, miss ko na ang isang taong nagpatibok ng aking puso. Hindi ko na siya kinakausap eh, simula nung pinagbintangan niya ako na pinagkakalat ko ang mga bagay bagay. La lang, siguro nasaktan lang kasi ako na after everything, isang kislap lang ay magagalit lang siya sa akin agad. Bakit ganun? Hindi niya naaalala ang masasaya naming pinagdaanan, bagkus yung mga negative lang naaalala niya? Ewan ko ba..madami nga namang babae diyan..pero bakit siya pa rin ang nag mamay-ari ng puso ko?

Wednesday, March 09, 2005

Happy Birthday Edjie XD

I would like to take this opportunity to greet Alodia Almira a.k.a. Edjie a Happy Happy 17th Birthday. Ayan binati kita ^_^ (sana mabasa ni ash to) Gusto niyo pa ba kwento ko nangyari sa akin ngayong araw na ito? Hehehe...Kanina nagpunta me sa Human Resources Dept. ng AMA para i-follow-up yung naka pending kong application. As usual wala pa rin akong trabaho XD. After nun nagkita kami ng mom ko sa SM para samahan ko siyang mag shopping (~-_-)~. Kanina ko lang nalaman na yung gumanap na si Carlos sa Lovers in Paris ay yung leading man ni Jeon Ji Hyun sa The Uninvited. Kaya ayun, napilitan kaming mag rent sa Video City ng vcd nun XD. Nandun na rin lang ako eh sinabay ko na hiramin yung Star Wars Episode II (dahil hindi ako makapaghintay sa Episode III) I-Robot (hindi ko pa napapanood eh) at American Pie The Wedding. 2 years ago yung last na nanghiram kami sa Video City at talagang antigo na yung card namin XD. After nun ay bumili mom ko ng Christian Bautista na album. Na shock nga ako eh, bumili nanay ko! Oh well what a day. Nasabi ko na ba na birthday ni Edjie? XD

Saturday, March 05, 2005

From Tantra to Hitch to Tantra Pre-paid

Ngayon ko lang popost itong screenshot na ito, pero dati pa ito nangyari eh (wow, birthday pa talaga niya nangyari ito). May fan na ata ako sa Tantra eh XD Tignan niyo na lang



Kanina nanood ako mag isa ng Hitch, starring Will Smith. It's about the story of a doctor love who can help people, even the hopeless cases, but cannot help himself. Medyo nakaka relate ako (medyo kasi dun sa movie may gusto rin yung babae kay Will eh). Sarap pala manood magisa no? I must do this more offen XD

Matapos manood ay nagpunta me sa Cyber Zone para maghanap ng Tantra Pre-paid Game Time, ngak wala pa pala, dahil bukas pa pala magsisimula silang maglabas ng card XD. Balak ko sana na isa ako sa mga unang mag totop-up ng game time eh XD. Kaya ayun, umuwi na lang ako, Tapos napadaan ako sa Cindereilan (Cinderella XD) st nakita ko si JC, utol ni Erwin Cordez na fafa ng FEU XD. Gumaganda si JC ngayon ah, hehehe. Wala pa kaya siyang boyfriend? Kakahiya magtanong eh, pwede kayang mag apply? XD