Friday, April 29, 2005

The Geek Shall Inherit the Earth


My computer geek score is greater than 82% of all people in the world! How do you compare? Click here to find out!

Nerd ka ba?


I am nerdier than 97% of all people. Are you nerdier? Click here to find out!


Inaamin ko naman eh ~_~

Thursday, April 28, 2005

Adventure tungo sa St. Luke's hospital

Naconfine sa ospital yung bestfriend kong si Joyce nung Tuesday at ngayon lang ako nagkaroon ng time bumisita sa kanya. Mula sa work ay nag MRT ako as usual pero bumaba me sa Cubao instead sa usual na North Ave. station. Ang instruction sa akin ay maghanap daw ako ng jeep papuntang Quiapo..but where the hell can I find one?! So ginawa ko ang isang bagay na malimit na ginagawa ng pinoy pag nagigipit..ang mag tanong. Tinanong ko sa mamang barker kung saan papunta sa St. Luke's at tinuro niya ako sa mga jeep na nasa kabilang side ng Aurora Blvd. So sumakay na nga ako patungo sa Ospital ni San Lucas. Nung medyo nakalayolayo na yung jeep ay napansin ko na parang pamilyar yung lugar. Amfota! Malapit lang pala sa New Manila yung St. Luke's! Eh pumupunta me dati dun sa New Manila eh, dun kasi nakatira yung classmate ko nung highschool..si Aston..yung nagbigay ng PS2 sakin..hehehe.

Nung nasa ospital na ako ay sakto nag text si Joyce sa akin, Room 519 daw siya. Ayun, at least hindi na ako magtatanong sa reception. Nung pagpasok ko sa Room 519 ay nakita ko si Jayson at si Tito Romeo, ay oo nga pala, nakita ko rin si Joyce XD As usual kinamusta ko kalagayan ni Joyce, at sabi niya na pagaling na siya at hopefully makakalabas na siya bukas ng umaga. Kwento nila Jayson sa akin na suspected as Dengue yung sakit ni Joyce pero parang mild lang dahil sandali lang bumaba platelets niya at tumataas na ulit. Chikka chikka pa ng madami dahil matagal nga kaming hindi nagkita at nagkausap ni Joyce (busy busyhan ako eh hehehe) Mga bandang gabi na ay umuwi na me, sumabay na me kay Tito Romeo (dad ni Joyce FYI) dahil uuwi na sila ni Jayson at si Ate Jo na magbabantay (kadarating lang ni Ate Jo nun) Binaba me sa SM at nag jeep na lang me pauwi(nakalibre pa ako hehehe)

Get well soon Joyce! Mwaah!

Wednesday, April 27, 2005

Can this be Love?

Hinde

bakit?

dahil

Nasa Siopao Ang Lakas! Image hosted by Photobucket.com

Nagpa picture na nga pala kami kanina para sa yearbook namin na ubod ng mahal .___.

Actually, extention day lang ngayon eh for special people like us (nope hindi ako abnoy XD) Busy (ows?) kasi me sa trabaho at nung original day ng pictorial ay nagkasakit ako. Hindi kasi ako kumain ng siopao kaya nanghina me eh .___.

After ng pictorial ay nagpa toga fitting na rin ako para isang pasada na lang. Ganda pala ng toga namin no? all black, tapos may gray trimming for the CS. Ayos lightsaber na lang kulang ay Sith Lord na ako

Matapos ang escapade sa AMA ay tumuloy na kami ni Jepoy, Lalaine, Kenneth at Tristan sa SM North para manood ng movie of the year...Star Wars Episode III : Revenge of the Sith

JOKE!

sa May 19 pa yun eh ._____.

Nanood kami ng Can This Be Love starring Siopao Master and Sandara Park hehehe

Pero kasi busy sa work si Siopao Master kaya si Hero Angeles na lang pumalit sa kanya for now. Masakit man sa loob ng fans ni Sandy na hindi niya makaksama si Siopy eh pinagtiisan na lang nila si Hero Angeles XD Image hosted by Photobucket.com

After nun, paglabas namin ng sinehan, walastik! may mga cameramen at kinukuhanan ng video kaming mga lumalabas o__O

Tago agad si Tristan dahil baka makita daw siya ng mga estudyante niya at mawalan ng respeto sa kanya XD

Kumain kami sa food court at maya maya ay nakipagkita naman ako sa mom (naks sosi!) ko at sis ko. Sinamahan ko sila mamili ng mga dadalhin nila sa Baguio bukas dahil aatend sila ng kasal. Amfness, akala ko solo ko na bahay pero itong magaling kong pinsang si Emy ay nag back out last minute sa kasal. Nalaman niya kasi na mag speech pala yung Maid of Honor kaya umayaw na siya Image hosted by Photobucket.com
Oh well, sayang pangarap kong LAN party Image hosted by Photobucket.com

Tuesday, April 26, 2005

Tres Angeles

Three angels unexpectedly made my day happy again. They didn't know I was in depression, but they made me happy with their one liners and jokes. hehehe. I don't need to mention their names for they know who they are anyway ^__^. Thank you guys..err gals for bringing colors back into my life Image hosted by Photobucket.com One day, your kindness will be repaid ten times

Girls, thanks again, you made my day. Peace out! ^^v

Monday, April 25, 2005

Tears Now

I cannot count all the nights I fell into tears, wondering what I did wrong or what I didn't do. As I listen to the song of The Corrs entitled "What can I do" I asked myself the same question, What must I do to make her love me? Only she can answer that question I guess. No matter what I do, I'm still useless to her *sigh*. I can cry all day but these tears cannot change the fact that the chances of her falling in love with me is next to impossible. I prayed for a miracle for the past 3 years and I think I wasn't praying enough. I used to think that love can move mountains, but in my case, love isn't enough. I used to believe that you can reach your dreams if you give your best, but that idea died within myself...

Sunday, April 24, 2005

Babysitter

Ngayon lang ako nakapag simba ulit sa SM. Nagkataon pa na ang nag misa ay walang iba kundi ang idol kong si Rev. Fr. Arnel Recinto. Ang parish priest ng Our Lady of Hope diyan sa Pag-Asa. Matapos ang mass ay naglibot libot muna ako sa SM. Nagbabakasakali na makikita ko siya. Katunayan, nagpunta ako sa grocery section at pumasok pa sa loob, malay mo nga naman...Pauwi na ako ng tumawag si Macoy. Sabi niya na diretso na daw ako Cherry Foodarama dahil sabay sabay na kami pumunta sa binyag ng pamangkin kong si James. Habang palayo ako sa SM iniisip ko na paonti ng paonti ang tsansa ko na makita ko siya ngayon. Matagal ko pa naman siyang hindi nakikita, huli kami nagkita ay nung birthday ko pa at sobrang tagal na yun. nung pumunta ako ng Cherry ay saktong dumating na sundo namin kaya hindi na ako nakakain at dumiretso na kami sa Caloocan. Gutom na ako ~_~

San Roque Cathedral, ang simbahan ung saan nandun ang Arch Bishop ng Caloocan. Malaki ang simbahan at inaamin ko na ngayon lang ako nakapunta dito. Nagsimula na ang binyagan at ako nandun nakaupo lang sa isang tabi. Matapos nun at dumiretso kami sa isang restaurant para sa reception. Ang dami kong nakain grabe ~_~ Matapos nun ay dumiretso na kami sa Star City at kasakasama ko ang mga pamangkin kong makukulit ~_~

Himala, onti ng tao sa Star City. Summer siguro ang dahilan kung bakit ayaw nilang magpunta dito. Madali lang kami makasakay sa mga rides dahil wala ngang pila. Hindi na ako gaano nag enjoy kasi madaming beses na akong nagpunta dito eh ~_~

Buti na lang uwian na, inaantok na ako eh, grabe, napagod ako ~_~

Saturday, April 23, 2005

Endure

Hanggang kelan ko pa ba kayang tiisin? Halos araw araw na lang niya akong sinasaktan, at mukhang masaya pa siya sa ginagawa niyang yun. Bakit kaya niya ginagawa sa ito lahat sa akin? Ang tanging kasalanan ko sa kanya ay minahal ko siya. Sabi niya sa akin huwag kong ikumpara ang sarili ko sa kanila. Sabagay, kahit kuko nila hinding hindi ko kayang mapantayan. Ewan ko ba, ginagawa ko naman ang lahat. Kahit makakasakit pa sa akin yun, ginagawa ko pa rin. Kahit na sabihin niya lumayo ako sa kanya, ginawa ko. Alam ko masamang sabhin na "ginawa ko lahat para sayo" dahil hindi ganun ang tunay na pagmamahal, kung talagang mahal mo ang isang tao, hindi mo dapat ipinamumukha sa kanya ang lahat ng bagay ng ginawa mo sa kanya. Hayaan mong siya ang makaalala ng lahat ng mabubuti't masasayang bagay na nangyari sa inyong dalawa. Ang mga paghihirap mo alang alang sa pag-ibig. Kaso, paano kung kinalimutan niya lahat iyon? Paano ka na? Ibinaon na lang ba sa limot ang iyong nakaraan? O wala talagang saysay lahat ng mga iyon? Kung alam lang sana niya ang nararamdaman ko ngayon, magbabago kaya siya? Sa tingin ko hinde...Hanggang kelan ba ako magpapakabulag sa pag-ibig? Kapag wala ng luhang mailalabas pa? Kelan kaya niya maririnig ang mga iyak ko tuwing gabi? Kelan niya kaya mararamdaman ang sakit sa aking dibdib tuwing pinamumukha niyang may mahal siyang iba? Kelan ba matatapos ang pag gawa ko ng mga ganitong posts tuwing sinasaktan niya ako? Kelan? Sana hindi ko na lang siya nakilala...hindi dahil sa nasasaktan ako. Sana hindi na lang kami nagkakilala, baka naging mas masaya pa siguro buhay niya....

Imagine life without Andrew....

24

Dapat kasi ang ipopost ko dito ngayon ay yung nangyari sa akin ngayong araw na ito. Una, nakasama ko sa lunch yung officemate ko na aking "napupusuan" ~_~. Her name is Jo at nag "lunch date" (Kapal mo! XD)kami sa KFC Pasay. Jo is a pure chinese who graduated from FEU holding a degree in BS Psychology (teka BS ba yun? XD). Kaya psychotic itong babaeng ito, hehehe joka lang! Baka nagbabasa siya neto eh ~_~. Wala nasa getting to know each other stage palang kami kaya nakuha ko pa lang cell numbers (s kasi Sun at Globe XP)niya (yeba!). Teka baka magalit si Jo, kinukwento ko yung "date" namin! Hahahaha! Baka sabhin niya feeling ako ~_~; Anyway, nung uwian na namin ay tumawag ako kay Tristan dahil magkikita nga kami sa Makati. Buti na lang tumawag ako amf! Dahil wala yung mokong na yun sa Makati (XP) at nasa Muñoz pala. Punta daw kami Divisoria para mag ayos ng PC (Personal Confuser), una ayoko kaso pinilit ako ni mokong eh. ~Pilitin mo ko! XP~ hehehe. So yun nga nagpunta kami sa Divi at nag "side trip" muna sa 169...este 168 XD shopping mal. As usual todo tulo laway ko at nag e-exorcise dahil sa sobrang dami ng...basta yun na! Bili muna ng exotic fried siopao *drools* at after nun diretso na kami sa barangay outpost ng tito niya. Inantay muna naming bumalik yung kasama ng tito niya dahil yun pala magpapa gawa ng PC (kasi pagdating namin, sakto pala umails eh ~_~) Habang hinhintay namin ay nag tatawag kami sa mga kakilala namin. Una tinawag ni Tristan si Urban Flow (hehehe) tapos nun si Tin2x party aminal (yan talaga spelling nyan). Ako naman si Minnie, ewan ko kung ano pumasok sa utak ko kung bakit yun tinawagan ko, entoxicated ata ako sa mga intsik ngayong araw na ito eh ~_~ Tapos nun pinatwag ba naman ni Tristan si...anyway after a million years XD dumating na yung magpapa ayos ng PC, sumakay kami sa motorbike (weeeeee!). After that sumakay kami ng Sta. Cruz at bumaba sa Sta. Cruz (malamang) at naglakad patungong Quiapo church. Nagdasal muna kami sa loob at naglakad lakad na papunta sa sakayan. Talk about night life sa Quiapo, kakaiba as in parang wala ka sa Quiapo. Punta naman kami sa bahay ni Mon (birthday mo! pacanton ka naman!) at chumibog ng spaghetti. Nung mag aalas dose na ay umeskapo (hehehe) na kami dahil nagtutunggan na mga tao dun eh. buti na lang at tinext ni Tristan dad niya dahil hindi pa pala sila umuuwi (libreng sakay!) Aba, hindi nakuntento si Tristan, pinatawag ulit si...(mamamatay ka rin Tristan!). Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa See of Andrew (trono ko, use your imagination XD) at yun nga.

Kaso tinatamad ako magkwento ngayon tungkol sa adventures ko kanina. Bukas na lang, tinatamad na ako eh. Bukas nga pala birthday ng mom ni Tristan. Kainan na naman! Image hosted by Photobucket.com

Thursday, April 21, 2005

Seems to be a love story

They say love destroys the best of friendship. There were once a boy who fell in love with his bestfriend. It all started when the boy felt a "magical" sensation towards his bestfriend and he thought that the girl felt the same way...but he was dead wrong. The girl only felt the love for a friend, nothing more nothing less. So the boy just kept his feelings to himself. As time passed by, the communication between the two weakened until the "magical" link between the two disappeared. One day, the girl called the guy, as expected, the feelings of the guy towards the girl burned a new fire. But alas, the girl told the boy "May boyfriend na ako". The boy felt the whole world caved in. If only the boy told the girl everything, maybe just maybe, the outcome will change. End of story



Actually, the boy TOLD the girl what he felt but the girl just ignored the whole matter. Since the "confession", the friendship between the two disappeared because of these magical words "I think I'm falling for you". Sadly, the girl wiped out all the happy memories between the two of them and pretended the boy didn't exist anymore. One day she found a new friend, and eventually, a person she loved so much.



Whatever the path the boy took, it lead into just one outcome.



Naging ano nga ba yung lalake sa buhay nung babae?

>Wala ~_~


Parang pamilyar tong storyang to ah, true to life?

>Hinde ~_~


Eh bakit mo pinost?

>Wala lang, bored ako eh ~_~

Usapang Billboard

Sa mga nagpupunta sa aking deviantART ay alam niyong may pagnanasa ako ...este hilig sa mga billboards na nagkalat sa EDSA. Karaniwan sa mga "deviations" ko ay puro si Sandara Park hehehehe. Crush na crush ko yung krung krung na yun eh. Anyway, kung pinapansin niyo ang mga billboard sa EDSA lalong lalo na yung sa SM North Edsa ay makikita niyo ang mala diyosang si Amanda Griffin.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Kaso pinalitan na nila ng bago T____T

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Oh well ganun talaga buhay. May bagong billboard si krung krung ah, yung Dong A, hindi ko pa nga napipicturan eh. Yung billboard naman ni Darna sa GMA Kamuning ay tinangal na ( T____T ulit ). Sayang, ganda pa naman nung posing ni Darna dun, nakaka....panghinayang na tinagal XP. post ko sana yung pic ng billboard ng Darna kaso hindi ko mapicturan eh, badtrip kasi MRT eh, ayaw tumigil pag sumisigaw ako ng "PARA!" XD XD XD

Wednesday, April 20, 2005

Habemus Papam!



Pope Benedict's XVI's 1st Public Greeting

4/19/2005

VATICAN CITY, APRIL 19, 2005 (Zenit) - "A Simple, Humble Worker in the Lord's Vineyard". German Cardinal Joseph Ratzinger, dean of the College of Cardinals, was elected Pope today, the second day of the conclave, and has taken the name Benedict XVI.

Here is a translation of his first greeting, which he gave from the balcony of the facade of St. Peter's Basilica.

* * *

Dear Brothers and Sisters:

After the great Pope, John Paul II, the Lord Cardinals have elected me, a simple, humble worker in the Lord's vineyard. I am consoled by the fact that the Lord is able to work and act with insufficient instruments and, above all, I rely on your prayers.

In the joy of the risen Lord, confident of his permanent help, let us go forward. The Lord will help us. Mary, his Most Holy Mother, is on our side. Thank you.

* * *

After prolonged applause, Pope Benedict XVI imparted the apostolic blessing "urbi et orbi" (to the city of Rome and the world), and took his leave of the faithful.

-excerpt from Catholic.org

Tuesday, April 19, 2005

Ringu 2

Amf! Hindi ako nakapag post kagabai kasi late na natapos paglalaro ko ng Ragnarok eh, si Jeli kasi eh =P, hehehe, matagal na kasi kami hindi nagkikita sa Ragnarok eh kaya ayun tagal naming nag usap. Nagulat siya na kasal na pala ako (kay Annka)...sa RO huh! Pero sabi ko don't you worry single pa si Saint.Angel Image hosted by Photobucket.com. Halos 11 na kami natapos mag usap kaya ayun hindi ko na naasikaso online life ko. Anyway, nanood kami ni Tristan kahapon ng Samara: Ring 2, leche, kala mo sa simula na ibang iba sa Japanese version, pero yun pala pareho lang ang essence .___. Pero astig syempre visual effects, malamang matagal na yung Ringu 2 (Ring 2 sa japan), 1999 pa yun eh. Sana may American version din Ringu 0: Tanjobi (Ring 0 : Birthday sa Japan). Sino kaya gaganap na Sadako este Samara na maganda? Nakama Yukie...Image hosted by Photobucket.com


Image hosted by Photobucket.com <--- TEH BOXING SIOPAO!!!

Saturday, April 16, 2005

Baywalk at STI o_O

Kanina masama pakiramdam ko, pero nagpunta pa rin kaming Quezon Memorial Circle ng family ko at nag exercise. Tapos pag uwi natulog ako, tumawag si AK, hinahanap si Tristan. Oo nga pala, naalala ko, pictorial pala kanina! Image hosted by Photobucket.com Buti na lang sabi nila jepoy na pwede magpa re-sched ng pictorial, kaya ayun nagpa re-sched na lang ako. So eto nga masama pakiramdam ko dahil sinisipon ako ~_~ Pero pumunta si kuya Ted (pinsan ko sa father side) Nagyaya mag Baywalk amf. Aba! Biglang nawala sakit ko! Bihis agad at sakay sa kotse. Daming chix sa Baywalk pero as usual hanggang tingin lang ako, loser! siopy ----> Image hosted by Photobucket.com <--- babae After nun kumain kami sa restaurant na puro unano nag seserve (no kidding).


Nakita niyo na ba yung commercial ng STI College (Institue na College pa! san ka pa?!) Ewan ko kung sinong bobo sa advertising department nila ang nag suggest ng "virus termination" na ito. Unang una, binack-up nila yung files, well, that's a big no no, dahil pag binack-up mo yung files, binack-up mo na rin yung virus! Second, "Downloading updated virus definitions", the heck, may anti-virus nga sila hindi naman inuupdate, malamang magkaka virus nga! Prevention is much much better than removal. Sana hindi na lang nila ginawa yung commercial na yun! pina ngangalangdakan pa nila na the best yung 3 students nilang yun, well kung yun na yung the best nila.....ano pa kaya yung the rest? Image hosted by Photobucket.com

Wednesday, April 13, 2005

Hindi na ako PAL

Haha may trabaho na ako! Starting tomorrow ay training ko na bilang padawan manager. Grabe, mataas morale ko sa office kasi magaganda officemates ko eh XD Oh well, good luck for me na lang.

Siege na naman kanina, potek naagaw yung agit namin sa Geffen! Buti na lang, sumugod kami sa dati naming bahay at na surprise Death sa amin. Ayun nakuha namin ang Aldebaran ulit at Home Sweet home..haaayy..GD na to!

Bakit ba mahal ko pa rin ang taong may mahal ng iba? Eh samantalang kanina kinausap ako ng isa pang babae na minahal ko. Matagal din kaming hindi nagkausap at na touch ako na sinabi niya na mimiss niya pala ako. Ako lang naman ata hindi nakikipag usap sa kanya eh. Nagbubulagbulagan na lang ba ako? Umaasa pa rin ba na magiging kami ng siopao ng buhay ko? O mas pipiliin ko ba ang matagal ko ng kahilingan? Siguro nga mas malaki pa chance ko manalo sa lotto kesa mapa ibig sila. Haay..siopao...mangarap ka...

Ano pipiliin ko? baril o kahilingan?

Tuesday, April 12, 2005

Pagod, Tulala, Sabog

0547H Delos Santos Residence

Masyadong maaga ata tulog ko kagabi at nagising ako ng maaga ngayon. Paano ba naman, naka schedule ako ng interview ng 9:00 AM sa Thom & Myers sa Taft Ave. (hindi pala sa Makati hehehe). Hindi ko makain mabuti almusal ko dahil kinakabahan na ako para sa interview mamaya. Grabe, sandali lang ata ako naligo tapos nagbihis na agad.

0703H North Ave. MRT Station

Pagkatapos pumila ng napagkahabahaba ay napansin ko na walang Pasay Ave. sa listahan ng mga stations ng MRT. Nakalagay kasi sa invitation ay near MRT Pasay Station, Waahhh! Oh nose! Palapit na ng palapit sa counter! Wala akong choice kundi mamili ng station. Ang pumasok sa isip ko ay Ayala Station (ewan ko kung bakit) at pumasok na ako sa MRT.

0716H Inside MRT

Tinext ko si AK (ewan ko kung bakit siya tinext ko) upang malaman kung saan ang Pasay Station. Nag reply siya na sa Taft Ave. daw yun. Oh nose again! Sinabi ko sa kanya na Ayala na nabili ko pero buti na lang sinabi niya sa akin na pwede na me bumaba sa Taft at pa adjust ko na lang yung fare. Kaya ayun nakarating din sa Pasay / Taft Station

0738H Pasay Ave.

Hindi ko makita ang Mercan Bldg. kaya nagtanong na ako sa mga guard sa Valupoint Supermarket. Tinuro nila ako dun sa bldg. sa tabi ng Allied Bank at nagpasalamt kao at pumasok na sa bldg.

0802H Mercan Bldg.

After ng madugong interview ay pina akyat ako sa taas para makinig ng Orientation. Tungkol sa company, position at mga expectations sa work ang main topic. Ang pinaka gusto ko dun ay yung kay Dr. Marcelo. Dalawang beses siya nag speaker nung araw na yun, yun un pa nga ay naka t-shirt lang siya at nagpapatawa sa amin (hindi pa siya nagpapakilala na siya si Dr. Marcelo) Nung pangalang beses siya nagpakita sa amin (siya pala yung last speaker) Nagulat kami na siya pala ang AVP ng branch na yun. Imagine, nung una naka t-shirt lang siya at parang ordinaryo lang na empliyado, pero nung nagpakita siya ulit ay naka barong nat at pormal na ang kanyang itsura. Tama nga ang sinabi niya na hindi nakukuha sa itsura ang abilidad ng isang tao. Ang mga bagay na tumatak sa aking isipan mula sa kanyang diskusyon ay ang tungkol sa pagbawi sa kabaitang ginawa sa iyo ng iyong mga magulang, Panahon na na ibalik mo na sa kanila ang mga hirap na naranasan nila para maka graduate ka lang. Matapos ang orientation ay pinakilala kmi isa isa sa mga evaluators namin. Sila ang mag oobserba sa amin kung qualified kami sa trabaho at parang mentor na rin namin sila. Ang aking evaluator ay walang iba kundi ang magandang si Princess (sepsep!) at nag usap kami nung lunch at ng mga sumunod pang oras. After ng evaluation ay kinausap ako ni Mr. Tommy Santos ang HRD manager at sinabi sa akin na qualified ako para sa position na Junior Manager Image hosted by Photobucket.com. Babalik ako bukas para sa final interview

1700H

Ginawa itong blog na ito at natulog na lang ako

Kakapagod araw ko!

Monday, April 11, 2005

What a Day!

Unang una minalas ako kaninang umaga .___. Na flat yung gulong ng bike ko half way thru papunta sa binibilhan ko ng newspaper. Imagine, hinila ko bike ko pabalik, ang layoo! Mga ilang oras pa lang kao nakakaupo sa harap ng pc ko eh nag text sakin HRD ng AMAQC. Ask nila kung interesado daw ako mag apply for CS instructor, jobless ako ngayon so why not? Pumunta me sa AMA after lunch at dumiretso agad ako sa HRD. Pinag exam ulit ako para naman sa Instructor (nag exam na ako dati para sa IT) After that sabi nila na be ready for a teaching demo on Thursday . Meron pa nga pala ako interview bukas ng umaga sa Thom & Myers sa Makati. Haayyy..buhay nga naman...

Saturday, April 09, 2005

A Very Tiring Day

Woke up at 6 in the morning and went to Quezon City Circle. My sis and I rented a bike and we strolled around the park. As usual, many beautiful women caught my attention, what a lovely way to start the morning. We ate breakfast at Tropical Hut which was located inside the park and we head home. Three hours later, Tristan and I went to the gym located right upstairs of Mcdonalds Mindanao. Turns out, the gym was closed (dang!). So we tried the gym at General St. and it turn to be a nice gym. After that tiring gym session we head at Tristan's house to rest for a while and browse his files (hehehe). After a few hours of chatting and watching tv, I went home and changed clothes again because my family and I went to SM North Edsa. Geesh, I cannot stand the heat and the tiring sensation that my body produces. I arrived home only to find out that our Agit (castle) on Ragnarok was taken from us Image hosted by Photobucket.com Goodbye Agit Image hosted by Photobucket.com

Oh well, better luck on Monday *sigh*

Friday, April 08, 2005

Funeral of a Great Man

Today, Pope John Paul II was delivered to his final resting place. The whole world bid farewell to a great man, A man who changed the way Catholicism and united the other religions of the world. We will never forget how pope John Paul II changed our lives, and as he joins our Creator, we thank him. Karol Wojtyla, we love you and we will never forgwt you

Thursday, April 07, 2005

Which X-Men character are you most like?

professor x
You are Professor X!

You are a very effective teacher, and you are very
committed to those who learn from you. You put
your all into everything you do, to some extent
because you fear failure more than anything
else. You are always seeking self-improvement,
even in areas where there is nothing you can do
to improve.


Which X-Men character are you most like?
brought to you by Quizilla

Which File Extension are You?







Which File Extension are You?

Which OS Are You?









Which OS are You?

Sunday, April 03, 2005

Pope John Paul II 1920-2005

The leader and father of the Catholic Church, Pope John Paul II passed away last night, April 2, 2005 at exactly 2137H Italy time. The whole world is in grief as we show our respect and dedication to a person that changed the way people look at Catholics. Born on May 18, 1920, Karol J. Wojtyla experienced different kind of aguish during his life, death of his love ones and the persecution of his jewish friends, but amidst all this pain and suffering, Karol dedicated his whole life to God and entered the seminary and finally was ordained on November 1, 1946. Karol successfully performed his holy life and later became a bishop, and soon become a pope. He was elected as pope last October 16, 1978 and chose the name John Paul II to honor his predecessor John Paul I who died 31 days after his papacy. Pope John Paul II travelled the world to spread the love of God not just to Catholics but also to every religion on earth. He will always be remembered as the travelling pope and his motto "Totus Tuus" which means entirely yours. Truly, Karol gave his everything to God, and that will always be remembered by the billions of people whom the pope touched their hearts

May Pope John Paul II rest in peace



"Our beloved Holy Father John Paul II has returned to his home. Let us pray for him"

"Let perpetual light shine on him and let him repose in peace"

Friday, April 01, 2005

Wedding of the Century

April 1, 2005

Prontera Church

Two souls united as one

The wedding of Siopaomaster, a knight and Annka, an alchemist


The marriage proposal


The marriage vow of the bridesgroom


Acceptance of the bride


Marriage vow of the bride


"I now pronounce you husband and wife"


Moments together of the bride and groom


With bestman Elliel


Honeymoon

May Siopaomaster and Annka live happily ever after Image hosted by Photobucket.com