Sunday, May 29, 2005

My last gig....

....for the month of May XD

Grabe, kahit na umulan at na traffic ako ay nakapunta pa rin ako sa J-crunch!

Siyempre naman, kung nangako akong panonoorin ko mga friends ko mag perform ay tinutupad ko

Medyo naligaw ako sa UP dahil hindi ko alam kung nasan yung abellardo Hall ~_~ buti na lang mabait yung mamang driver at tinuro sakin kung saan yun. Ganda ng loob ng venue. Isa talagang theatre at aircon pa XD Pagdatin ko ay tumutugtog na ang Zero Percent Off at nag enjoy talaga ako sa re-endition nila ng Mojacko. Hehehe. Next na nag perform ay ang crowd favorite na Xeven:Thursday, na sinubaybayan ko mula Kinjo Utada Day hanggang ngayon. Kasama dito mga friends ko sa AMA tulad nila X. Sadly, last performance na nila at ma didisband na. T___T Next na tumugtog ay ang bandang Rotschreck na pinagmamalaki ko dahil mga tiga AMA sila lahat XD Sexy talaga ni Luciel XD Next ay ang Progeny, amf yan, pina akyat pa ako sa stage XD Tapos sumunod and all girl band na Euphoria. Nag improve performance nila since nung OPP. Astig! After nila ay ang New Fallen Snow, in fairness, hapon na hapon talaga boses ng vocalist nila. And finally nag perform ang NEOtaku, ang pioneer ng indie bands covering j-music bands. Galing talag ng instrumental nila. From Mario Bros. to Mask Man, nostalgia to the max! XD After ng event ay sumama kami ni Buknoy at headlock sa mga band members ng Rotchreck at Euphoria (mga friends kasi namin) at kumain kami sa Mcdo Katipunan. Sayang nagyaya sila ng night swimming at inuman after namin kumain, kaso kailangan ko ng umuwi dahil magsisimba ako ng maaga kinabukasan

J-Crunch Gallery

Friday, May 27, 2005

My Jedi name XD

Cast off your old name! Your Jedi name is

MASSI ASSIO of the planet Metampetamine!

Find your Jedi Name!

Thursday, May 26, 2005

Busy Busy Busy!

Waahhh! Full pledge instructor na ako ng paaralang AMA Computer University kaya expected na busy na ako for the next 3 months. Marami nangyari sa mga nakaraang araw, lalong lalo na ang pagsasara ng FADE forums. Kahit ano mangyari, naging parte na ng buhay ko ang FADE, yung banda at yung mga members ng forum. Guys baka last gig ko na sa May 28 dahil starting next week ay madugo na ang sagupaan sa paaralang AMA. Oo nga pala. miss ko na rin mga blogmates ko! MAHAL KO KAYO!

Tuesday, May 24, 2005

Counterstrike

I had the oppurtunity to play Counterstrike once again. It's been a very very very long time since I played that game. To start things out, there was no internet connection on Sybros cafe (damn you destiny!) so we have to find an alternative to our lust for gaming. There it was, on the desktop of evry terminal, the most covethed icon, the guy holding a gun and aiming at something. I executed the program and there it was again. It is like a time travel scene from the movie Back to the Future. I still remember the menu, the interface and yes, the config, my very unique config. I remembered the days when I just type on the console the commands "exec andz.cfg" and all the binds and altered settings were executed because of that command. See even at Counterstrike I'm a geek! I entered my name not as YOAN OF ARC or T A M A S H I,my former identities, but as Siopao Master. At first it is like adjusting on a new environment, but as I killed a counter terrorist with my AK-47, I smelled blood, and the hunger for killing awakens within me. Before, I was the "sniper ng APL", with my expertise with the AI L96A1 or popularly know as the "one shot" sniper rifle. I have to prove it one last time. The joy of killing an enemy with just one shot is like an ecstacy to me. Always remember the battle cry I said to myself. "Shoot first and you're a war hero, shoot second and you're a casualty". Counterstrike and my group APL (Ang Pitong Lazarus) maybe long forgotten, but it is still engrave in my heart, a heart of a sniper, a heart of a killer.

Sunday, May 22, 2005

Summer Scream Showdown

Sarap manood ng battle of the bands, lalong lalo na puro babae pa sila XD Grabe, buti na lang malapit lang samin yung event. Ginanap siya sa Albergus along Capitol Drive sa Capitol Hills. Kasama ko nanood ang mga friends kong sina Buknoy, headlock, at zeero. Dalawang banda ang sinuportahan ko, ang FADE at ang banda ng utol ni zeero, ang Silicon Karne ^_^ In fairness, ang gagaling ng 2 bandang ito, kaso hindi sila nanalo dahil sa walang kwentang criteria for judging na yan. 50% ang audience impact amfofo! Yung nanalong banda nga eh naghakot ata ng isang barangay, pero kung papakinggan niyo music nila ay hindi naman kagandahan. Oh well ganyan talaga, money manipulates the weak minded. Saya ng SSS, master ko na nga si Joy eh (yung utol ni zeero) Aimee Lee na Aimee Lee ang boses hehehe.

SSS Gallery

Thursday, May 19, 2005

Revenge of the Sith

Wow grabe! Ang pinaka hihintay naming pelikula ay pinalabas na! Ang ganda ng movie grabe! Wag kayong mag alala, hindi ko kukuwento, unfair naman sa mga hindi pa nakakapanood, malas niyo lang! XP Sa Greenhills Theatre Mall kami nanood para sure seats. Walanjo! Muntik pa kaming hindi umabot dahil dun sa lecheng taxi driver na yun. Inikot ba naman kami!! Anyway, at least nakaabot pa kami. hehehe. After ng movie ay kumain kami sa KFC at nagkwentuhan, ako, si Tristan, Jepoy at Kenneth ay mga taong hibang sa Star Wars hehehe.

Free Image Hosting at www.ImageShack.us
P4 (Pinoy 4)

Ang hirap humanap ng taxi grabe ~_~ Kailangan ko pa naman pumunta sa SM North ng 8pm ~_~ Well buti na lang walang traffic, kaso 15 mins late na ako, buti na lang hindi siya nagalit hehehe. Na miss ko na siya (kahit na kelan lang kami nagkita hahaha) Onting kwentuhan, tawanan, tapos hinatid ko na siya sa sakayan, layo pa kasi ng bahay niya eh ~_~ Masaya ako napanood ko na ang pinakahihintay kong movie, tapos nakita ko pa ulit si bestfriend =)


Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Rise...Darth Siopao!

More of Utada Hikaru

Habang hinihintay kong makaalis dito sa AMA (hindi na nga ako pumasok sa work eh XD ) Excited na ako manood ng Star Wars! Pero bago un, pag usapan muna natin yung all time favorite kong si Utada Hikaru. Grabe, siya nag introduce sa akin ng J-music. Masyado na siyangh sikat ngayon sa Japan, katunayan nga sikat na rin siya sa USA eh. May interview kay Elton John at nabanggit niya si Utada



In terms of surprises, there's an interesting girl, Utada, who's a pop star in Japan and who released an album late last year called Exodus [Island]. It's really interesting dance and pop music. She could be the first Japanese recording artist to really make it in the West.



Grabe, super sikat na siya. Kumpleto ko na yung album niya (except yung Precious, ung ala star wars niyang album) Ang kulang na lang, ang makilala ko siya sa personal. Hindi naman masama mangarap no?

Eto isa pang pic ni Utada (click to enlarge)

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Damn, she's so pretty. Kaso married na siya eh, married at the age of 21. Sayang, kung hinintay niya sana ako. Hehehe

Wednesday, May 18, 2005

Not another sad entry

Mixed emotions ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung dapat bang maging masaya ako or malungkot. Masaya ako kasi Star Wars na bukas, masaya ako kasi ang dami kong nakakausap ngayon, mapa online man or sa real life. Nakikipag kulitan, nakikipag biruan. Akala ng lahat na masaya ako palagi, dahil sa mga jokes ko at sa mga one liners ko. Pero hindi alam ng lahat, kapag nakahiga na ako sa kama ko, nakatingin sa kisame, minsan nakatulala, minsan umiiyak. Madalas akong magbigay ng payo sa iba, madalas magpasaya ng tao, pero bakit ganun? sarili ko hindi ko matulungan.Naalala ko nung college pa ako, ang dami kong kaibigan. Mas lalong naging masaya ako nung nagkaroon na ako ng mga kaibigang babae. Paano ba naman, nung bata pa ako ay umiiwas ako sa babae. Isa akong nerd, geek o kahit ano man gusto mo itawag sa akin. Wala akong problema nung highschool, walang iniisip na babae, walang napupusuan. Pero, pagtungtong ko ng college, meron akong isang malaking problema. Paano ba makitungo sa babae? Masaya ako nung makilala ko ang anim na kaunaunahang babaeng kaibigan nung freshman pa ako. Lahat sila, may kanya kanyang personalidad. Lumipas ang panahon ay nakilala ko na ang mga ugali nila. Tatlo napalayo loob sa akin, tatlo napalapit. Hindi ko na kailangan banggitin kung sino yung tatlong napalapit sa akin. Pero dahil sa tatlong yun ay lalong nahasa kung paano dapat pakikitungo ko sa babae. Dahil sa kanila, natuto akong gumalang, mapagbigay at magmahal ng babae. Kahit na nagkaroon noon na pagkakataon na iniwasan ako ng tatlo, pinaramdam sa akin ang sakit ng binabalewala, pero hindi parin nawala naramdaman ko sa kanila. Tiniis ko lahat ng sakit noon hanggang maayos ang lahat. Hindi ko na alam kung saan patungo itong entry na ito pero ang gusto kong sabihin, kahit na may mga sarili na silang buhay ngayon, kahit na hindi na katulad ng dati, kahit na kalimutan na nila ako. At least naramdaman ko noon ang magkaroon ng kaibigang babae, as in close talaga. Para sa akin, sapat na kayamanan na yun. Sana ganito rin nararamdaman ng tatlo sa akin, ang mahalin ako kahit kaibigan lamang, hindi makalimutan ang aming mga pinagdaanan. Madami na akong kaibigang babae ngayon. Pero hindi ko makakalimutan ang tatlong nagpabago sa buhay ko.

"Ang tunay na kaibigan ay yung mamahalin ka kahit ano ka pa, maging pangit ka, mabaho o may kapansanan. Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa dami o bilang, kundi sa mga pagkakataon na lagi silang nandiyan kapag kailangan na kailangan mo sila."

Nasaan man kayong tatlo ngayon, salamat,

Monday, May 16, 2005

Si Siopao tour guide? o_O

Wahehehe!

Iba talaga maging empleyado ng AMA, kung ano ano pinagagawa sayo! Kanina kasi orientation ng mga freshmen students sa gym. Pinapunta lahat ng empleyado (daw!) pero onti lang kaming nagsipunta. Una tiga distribute kami ng student's handbook. Tapos ginawa kaming dalawa ni Tristan na tour guide nga mga freshies! Tour daw namin yung mga freshies sa buong campus, as in sa BUONG campus!..Kakatuwa nga dun, kahit ako nanibago sa AMA, lalong lalo na sa Engineering Building. Maraming bagong room para sa Norwegian Academy, ganda ng mga mock rooms nila lao na yung mock cabin, asteeeeg! Kitams, pati ako nagulat sa pagbabago ng aking alma mater. Kapagod pala libutin ang AMA lalo na kung madaming nakabuntot sayo! XD

Sunday, May 15, 2005

Otaku Pool Party

Ang saya ng OPP kahit na anglayoooooo masyado! Sulit naman eh, kasi kasi..basta! Si Aimee tumutugtog na! Wooot! I'm happy for you girl! ^_^ Daming nagpunta, kahit na onti nag swimming, masaya naman kinalabasan ng program. Daming bands na tumugtog, tumataginting na 19 bands!! Whole day ongaku festival grabe! Pero sa akin ang top 4 bands ko ay ang

1. FADE (sepsep ako eh XD )
2. Euphoria (astig tong new band na to! Fave ko to kasi nandito si Aimee!)
3. Do'Ahou (fafa neil!!)
4. Neotaku (astig instrumental nyo!!!)

May cosplay din syempre, kaso onti lang nag participate eh, sabi na nga ba, sana nag costume na ako as Siopao Master eh..

Oo nga pala, nanalo nga pala ako ng pawing doll XD Kumpleto ko na lahat ng colors! Wahehehe..Grabe, may event pa pala sa May 21, 2005. Yung Summer Scream Showdown. Check niyo na lang Alodia Fans Club for details.

Malapit na Star Wars!! Ilang tulog na lang amfofo! Si Utada Hikaru nag ala Star Wars nga eh, nagkaroon ba naman ng prequel na album! Meron siyang previously unreleased album na ang title ay Cubic-U, yun din stagename ni Utada bago pa siya naging sikat. Sana magkaroon nito dito sa pinas!

Siopao's OPP Gallery

Arikado's OPP Gallery

Friday, May 13, 2005

G.T.S. Part 2

Wakowkowcoke!

Graduation kanina ng mga estudyanteng tinuruan ko. Sabi kasi nila punta ako eh, kaya yun! Sa AMA naman ginanap eh, simpleng ceremony kasama si Tita "Beth" Delarmente tska si Ma'am Canzana with Dean Ems and crew. Typical na graduation, pero ang memorable ay yung natapos na. Lahat ng naging students ko ay lumapit sa akin at nagpasalamat dahil tinuruan ko daw sila. Shucks! Parang maiiyak ako nun! Bago nga sila umalis ay nag pictorial kami eh. Checheck daw nila dito sa site ko. Kaya message ko sa mga students ko: "Sana magamit niyo yung naituro ko sa inyo sa mabuti, Never walk teh path to the dark side!" wahehehehe! Mahal ko kayo mga students ko! Hindi ko kayo malilimutan! *Sandara Wave*

Eto yung mga pics kanina

Click nyo para lumaki ha!









Thursday, May 12, 2005

G.T.S.

Great Teacher Siopao!

Wow, first time ko magturo sa harap ng madaming tao. Meron kasing outreach program ang AMA na magtuturo ng basic computer skills sa mga estudyante ng libre..oo tama basa niyo..LIBRE! Ganyan kabait AMA...wakowkowkowcoke! Kanina nagturo ako ng Macromedia Flash sa mga highschool student, at inaamin ko, kinabahan ako sa umpisa eh, as in kumulo kili-kili ko! (eewww..) Tinuro ko sa kanila ang mga basics sa Flash Animation, tulad ng motion tweening, alpha effect etc. oo basic yun! hehehe..pero siyempre bago yun, tinuro ko sa kanila kung paano gumawa ng objects, texts at paano mag set the animation. Atin atin lang to ha (duh! public blog to!) pero nagturo ako kanina na hindi prepared! wahahahaha! Kaya kung anong maisip kong ituro ay tinuro ko kanina! Grabe, 2 hours straight ako nagdadadada at nag dedemo sa kanila. Matapos ko ituro lahat ng nalalaman kong basics sa Flash ay hinayaan ko na silang maglaro ng solitaire at free cell (bad teacher!) Nagpunta muna ako sa Tantra upang mang hingi ng installer na ipapamigay ko sa mga estudyante ko...sa isang kondisyon! Nagtanong ako sa kanila regarding sa flash at kung sinong unang nagtaas ng kamay na tama ang sagot ay mag libreng cd at kiss...joke! cd lang! XD XD XD Natatawa nga ako sa tawag nila sa akin eh.."Kuya Sir Teacher Bossing" (take note, magkakasama sa iisang sentence yan o_O ) Katuwa talag yung mga yun..pina dismiss ko sila ng maaga eh, mga 1630H palang ay pinalabas ko na sila. Dapat kasi 1700H labasan nila eh. Pero ganun din, may susundo pala sa kanilang "pajero" (yun tawag nila eh XD ) kaya ayun, nagkuwentuhan lang kami sa catwalk. Kung ano anong pinagtatanong nila sa akin! Daig pa nila HRD amf! Kuya, kelan ka grumadweyt? Kuya may gf ka na? (no kidding) Kuya pwede akin na lang yang pins nyo? Kuya mahirap ba comsci? Kuya punta ka sa graduation namin bukas? Kuya sinong hinihintay mo? The "interogation" goes on! Buti na lang dumating na yung "pajero" nila. Nagpaalam na ako sa kanila habang sumisigaw sila ng "Bye Sir Siopao!" Siyempre ako naman "Sandara Wave" XD XD "Mahal kow kayu!" XD XD Oh, by the way, for the record, I did this for the love of sharing my knowledge, wala pong sweldo yung pagtuturo ko kanina =)

Wednesday, May 11, 2005

Tantra Isaw o_O

Nasa AMA kanina yung Tantra. Amf bakit ganun? yung Ragnarok namin hindi pinayagan yung libre laro..pero yung Tantra...itsh so unfair! Hindi bale, naglaro naman ako eh XD Besides, nag aalarm na naman ang aking chinita senses kanina (amf!) Oh well..Sabay na kami umuwi ni Tristan at pumunta muna kami sa shop nila Kuya Mark para mag net..este para bumisita XD May sideline sina kuya eh, barbekyuhan! hehehe bumili ako ng walong isaw, miss ko na kasi kumain nun eh. tsalap! pos pumunta me sa 7-11 para bumili ng Pepsi Fire, to my disappointment ay ubos na yung Fire at puro Ice na lang. Hindi naman sa ayaw ko sa ice, pero mas masarap naman kasi talaga yung Fire. Buti na lang na solve problem ko nung makita ko yung Virgin na softdrinks. Oo eto yung gawa ng Virgin Records. Meron kasing Virgin Blue at Virgin Red, amfofo, parang Fire at Ice nga! Binili ko yung red kasi...basta! Nung ininom ko na eh kasilng lasa siya ng Pepsi Fire! Hehehe..

Saya kanina sa siege, nabawi na namin ulit agit namin sa Arcam Cross (amin naman talaga yan eh! XP ) Pagtapos ng siege, nag pm sakin si Elliel, ikakasal na daw siya kay Jeli, at bestman ako (potek!) May magagawa pa ba ako? Kala ko ba magkaibigan lang sila? Haayy..ganyan talaga..Akala ko pa naman may pag-asa ako kay Jeli..nevermind..oh well, life is like that, Minna no negai wa douji ni wa kanawanai, meaning, Everyone's wishes can't be granted at once. Let's drink to that..sarap netong Pepsi Fire..burp!

Monday, May 09, 2005

Commencement Exercise

Ito ang araw na pinakahihintay naming mga magklaklase at pati na rin mga magulang namin. Maaga kami nakapunta ng mom ko sa PICC dahil malupit magpasikot sikot yung driver ng taxi naman. 0630H palang y nandun na kami, kaso useless din, dumating si Tristan ng almost 0730H na, kung hindi ko lang ibibigay yung ticket sa maganda niyang kapatid eh pumasok na ako sa loob kasama nila Joyz. Pag pasok namin nila Tristan eh nalaman namin na may pila pa pala sa loob. Pila ng bigas...joke! XD XD Pila ng program flow chart. Dun nakita ko si Anna. Wow ganda na niya ngayon ah, or dahil sa make up lang yun? wahehehe XD XD joke lang po Anna XP maganda ka talaga promise! So ayun sa loob na kami, pinaikot ba naman kami sa buong PICC! Buti na lang nakita namin sina Joyz at Credj (wala si AK kasi nandun siya sa mga cum laude..swerte mo amf!) Medyo sumingit kami..medyo lang naman! XD Ayun pumasok na kami sa pinka loob. Tabi tabi sana kami kaso ako na pala yung dulo ng upuan, kaya yun, nahiwalay sina Tristan (buti na lang wala akong maingay na katabi, joke!) So bale ang katabi ko ay si Joyz at Credj. After makapasok na lahat ng graduates ay nagsimula na ang program (finally) Guest speaker si Noli "Kabayan" De Castro, in fact, nakamayan ko pa nga siya eh (mamatay kayo sa ingget!) Ang haba ng program, nakatulog na nga si Credj sa akin eh (ginawa ba naman akong kutson!) Finally, it is time na para umakyat kami sa stage (woot!) Sarap ng feeling talaga pag tinawag name mo, tapos aakyat ka sa stage, laking tuwa siguro ng nanay ko nun ^^ After ng program ay, reunion na ulit ng anak at magulang. Nawawala mommy ko!!! T____T Nakita na ng lahat ng classmates ko mga magulang nila ako hindi pa! Sa wakas nagkita rin kami ng nanay ko! After nun, punta kami Robinson's Ermita, hintay utol ko, pos kain sa Friday's. Libot onti sa mall, tapos uwi na kami..Saya talaga ng graduation. sana araw araw na lang ganito! Wahahaha!

Graduation pics!

Sunday, May 08, 2005

Mother's Day

Araw ng mga nanay ngayon, binati niyo na ba mga magulang niyo? Wala lang, para kasi sa akin, ang mom ko ang pinaka magandang gift sa akin ni God at masaya ako na nandiyan siya kapiling ko. Mahalin niyo mga magulang niyo, huwag niyo ng hintayin na mahuli pa ang lahat, dahil hindi habang buhay nandiyan mga yan sa tabi mo. Madali lang sabihin sa mga kasintahan niyo ang salitang "I love you", bakit sa mga magulang niyo nahihirapan kayo? Bakit? Dinanas ba ng mga kasintahan niyo ang mag buntis ng 9 months? Mag trabaho sa abroad para mabili lang luho mo? Tiisin ang sakit na nararamdaman tuwing sinasagot sagot mo sila? I bet, hindi kayang gawin ng kasintahan mo ang ginagawa ng magulang mo. So bakit parang mas madami ka pang time sa kasintahan mo kesa sa parents mo? Wala lang, napapansin ko kasi karamihan sa mga tao ngayon ay halos sambahin na mga kasintahan nila at nalilimutan na mga magulang nila. Sana lang po, huwag dumating ang araw na pag sisisihan niyo na sana si nanay na lang binilhan ko ng bulaklak at chocolates. Isipin mo na lang, mapala ka at may magulang ka pa, marami diyan nangungulila sa ama o ina, hindi tulad mo na nandiyan lang sa tabi mo magulang mo. Wala akong pinapatamaan, wala akong pinariringgan, ang sa akin lang, huwag niyo sana maalala lang magulang niyo kapag wala na sila, dahil hindi niyo na maipapakita na mahal mo sila kung wala na sila. Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay, lalong lalo na sa nanay ko.

Saturday, May 07, 2005

Exodus '04

Wow, rerelease na sa May 17, 2005 sa US yung single ni Utada Hikaru A.K.A. Hikki. Title ng single ay walang iba kundi ang Exodus'04 na song niya

Eto yung Tracklisting:

A1. JJ Flores Double J Extended Remix (5:58)
A2. JJ Flores Dub #1 (5:35)
B1. Peter Bailey Dub (8:11)
C1. Kriya vs Velez Electro House Mix (7:46)
C2. Kriya vs Velex Progressive Trance Mix (6:49)
D1. JJ Flores Dub #2 (9:04)

Tapos eto yung album cover:

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Ganda niya talaga no?

Kawaii Utada-sama! Image hosted by Photobucket.com

Kanina nga pala nakuha ko na yung 2 tix at yung clearance card ko para sa grad march namin sa Monday. Tapos nagpunta ako kina Tristan para magkapabusog na naman Image hosted by Photobucket.com

Grabe inaantok ako! Buti na lang nakikinig ako ng Utada Hikaru na mp3...

Animax Robo Dream & Baccalaureate Mass

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ako nagpunta sa Animax Convention sa Glorietta 4 kanina. 1700H kasi baccalaureate mass namin eh, tutal hapon pa naman kaya yun, nagpunta muna ako sa Glorietta 4. Sayang wala dun mga blogmates kong sina catsy, annie at kAykAy. 1730H pa labasan nila eh, malamang wala na ako sa G4 nun hindi ba? Dami bagong cosplayers kanina sa G4, hindi nag cosplay yung mga veterans, pero nandun naman si Polence eh, katunayan siya nanalo ng grand prize na $100. Ang kinosplay niya ay si Chii ng Chobits. Darling favorite talaga si Polence, asan na ba kasi si Master Ash at Kamahalang Edjie eh? ~_~ Hindi ko na tinapos yung program dahil kakain pa kami ni Tristan (na mention ko na ba na kasama ko siya? ^_^; ) Kumain kami sa Komoro Soba, ewan ko kung bakit kami umupo sa pinakadulong table, memorable daw sa kanya yun eh ~_~ (check niyo na lang sa pix) So ayun sumakay na kami sa MRT at pag baba namin sa North Ave. station ay sumakay na ako Proj.8 siya naman T.Sora. Pagdating ko start na yung mass, sakto, opening song pa lang XD. Ngayon ko lang nkita mga gal friends kong sina Maoi, Joyz at si AK. Well, except for Joyz na dinalaw ko recently sa hospital. Pinakilala nga rin pala ako ni AK sa boyfriend niyang si Christian. Dude nice meeting you ^^v Anyway, ganda nung music after ng mass. Katunayan nga na LSS (Last Song Syndrome) ako dun eh Image hosted by Photobucket.com

Animax Robo Dream gallery

Baccalaureate Mass (click images to enlarge)








LSS: Sometimes love just ain't enough



And there's a danger in loving somebody too much,
and it's sad when you know it's your heart they can't touch.
There's a reason why people don't stay who they are.
Baby, sometimes, love just ain't enough.



Teh irony...

Thursday, May 05, 2005

Star Wars Theme

Lagyan ko muna ng Star Wars blog ko, hindi na kasi ako makapag hintay sa 19 eh ~_~ Check out niyo na rin yung countdown! XD Medyo matagal nga lang mag load sa dial-up ha ~_~

Coffee Overdose

Waahhhh malapit na mag 5 at gising parin ako!!!! Dami ko kasi nainom na kape kanina eh ~_~

Wednesday, May 04, 2005

Need to Gain Weight?

Kanina nagpunta me sa AMA para kunin yung toga ko at pati na rin sa mga friends ko. Kahapon kasi nagpunta na ako pero wala pa pala yung sa akin. Buti na lang dumating yung mga natitirang toga kanina at nakuha ko na yung sakin. hehehe. Medyo nahirapan ako sa paghanap ng toga ni Joyce, ilang beses ko ng nilibot lahat ng plastic dun pero hindi ko mahanap name niya. Meron dun Joyce M. Orga, name niya kasi Joyce M. Duya. So tinanong ko na kay Sir Manaois kung may nag aaral bang Orga sa AMA, sabi niya wala, so si Joyce na nga yun! XD After ng toga escapade, nagpunta ako kina Tristan nung hapon para tumambay. Yoko pa kasi umuwi eh, kakabagot sa bahay XD Nanood kami ng Sahara sa Dibidi at syempre, kumain ako dun ng kumain. Feeling ko tumaba na naman ako sa dami ng kinain ko eh XD Kaya kung gusto niyo tumaba, punta lang kayo kina Tristan, tiyak tataba ka dun sa sarap ng pagkain. Galing magluto ng Dad niya at Tita Cel eh, hehehe. Dami ko nainom na iced coffee sa kanila kanina ~_~ tingin ko mamaya pa ako makakatulog neto eh Image hosted by Photobucket.com

Monday, May 02, 2005

Memories of Bago Bantay

1 year na pala kami sa bagong bahay naming eto. Lumipat kami last May 2, 2004 mula Bago Bantay. Parang kailan lang grabe. 15 years kami tumira sa Bago Bantay, so lahat ng childhood life ko ay dun ko naranasan. Naranasan ko ang makipag away, mabugbog, manakawan ng laruan, naalala ko nga na may nangimbita sa akin dati para pakilala sa isang magandang babae, pero nalaman ko na bugaw pala yun ~_~ (oo bata pa ako niyayaya na ako sa ganyang bagay ~_~) Pero meron din akong mga magagandang alaala sa lugar na yun. Naalala ko pa noon nung nagkagusto ako sa ate ng kalaro ko. Niligawan ko siya ng 2 buwan, pero as usual, bata pa kasi daw ako eh. hehehe BASTED! Inaamin ko na naging barubal ang kabataan ko. Hindi ako nag sisimba, nagmumura, namboboso at nanghihipo ng mga babae sa amin. Ngunit nagbago ang lahat nung tumungtong na ako ng college. Meron kasing isang insidente sa akin na nag udyok na magbalik loob ako sa Diyos. Basta hindi ko na ikukwento yun. Ang gusto ko lang iparating, kahit pa madilim ang nakaraan mo, basta magbalik at manalig ka lang sa Diyos, ay maayos at maayos din yan at mararamdaman mo ang kasiyahan sa buhay. Ang buhay ko sa Bago Bantay ay nakaraan na, nandito na ako sa Carmel 1, kung saan matatawag ko na itong sariling akin.

FHM 100 Sexiest Women in the World 2005

100. Valerie Delos Santos
99. Jen Rosendahl
98. Ella V.
97. Kristine Jaca
96. Cassandra Ponti
95. Mariel De Palma
94. Avi Siwa
93. Tisha Silang
92. Christine Reyes
91. Sarah Meier
90. Jaycee Parker
89. Ara Mina
88. Chynna Ortaleza
87. Nicollette Bell
86. Myles Hernandez
85. Pia Guinao
84. Jennifer Lopez
83. Miranda
82. Pops Fernandez
81. Jessica Alba
80. Rashel Piazza
79. Maxene Magalona
78. Rissa Samson
77. Alessandra De Rossi
76. Aleck Bovick
75. Nina
74. Maui Taylor
73. Belinda Bright
72. Mickey Ferriols
71. Bubles Paraiso
70. Karylle
69. Ethel Booba
68. Alicia keys
67. Nancy Castiglione
66. Aliya Parcs
65. Claudine Barretto
64. Rica Paralejo
63. KC Conception
62. Dina Bonnevie
61. Kelly Misa
60. Patrica Javier
59. Christina Aguilera
58. Bea Alonzo
57. Kyla
56. Jacque Estevez
55. Amanda Griffin
54. Roxanne Guino
53. Maureen Larrazabal
52. Sandara Park
51. Britney Spears
50. Jasmine Trias
49. Phoemela Baranda
48. Kristine Hermosa
47. Cynthia Yapchiongco
46. Karel Marquez
45. Ryza Cenon
44. Bianca King
43. Hilary Duff
42. Yasmien Kurdi
41. Nadine Samonte
40. Gwen Garci
39. Tanya Garcia
38. Mariel Rodriguez
37. Apreal Tolentino
36. Kristin Kreuk
35. Andrea Del Rosario
34. Paris Hilton
33. Beyonce Knowles
32. Nicole Hernandez
31. Sheree
30. Katya Santos
29. Anna Leah Javier
28. Maria Sharapova
27. Juliana Palermo
26. Rufa Mae Quinto
25. Regine Tolentino
24. Lindsay Lohan
23. Chinggay Andrada
22. Jennifer Lee
21. Kitchie Nadal
20. Jopay Paguia
19. Bianca Araneta
18. Rochelle Pangilinan
17. Regine Velasquez
16. Toni Gonzaga
15. Halle Berry
14. Katrina Halili
13. Asia Agcaoili
12. Jeni Hernandez
11. Iya Villana
10. Jennylyn Mercado
9. Angelica Panganiban
8. Aubrey Miles
7. Anne Curtis
6. Heart Evangelista
5. Cindy Kurleto
4. Diana Zubiri
3. Francine Prieto
2. / 1a. Angel Locsin - Philippines' Finest
1. Angelina Jolie - Global Winner


DISCLAIMER: Please credit Siopao Master if you want to use this info on another way. Hirap kaya mag type ng 100 names ~_~

The Saga is Complete

Sa wakas matatapos na rin ang Star Wars saga sa May 19, 2005. Ang last installment ng Star Wars ay ang Episode III : Revenge of the Sith. Palapit na ng palapit ang araw na 'to at excited na ako!

Nag overnight nga pala si Tristan samin nung Friday. Naglaro kami ng PS2 buong gabi at kumain ng madaming dinuguan. hehehe. Kasama rin namin ang pinsan kong adik na si Macoy pero nag babad lang siya sa PC eh..kasi adik nga XD

Walang pasok ngayon kasi extension ng Labor Day (so bale extension din ng birthday ni automatic?) Kaya eto ako ngayon nagpapaka adik sa harap ng PC. Makagawa nga ng link about sa Ragnarok...