Thursday, June 30, 2005

Malas sa Babae

Haay..kaasar tong araw na ito. Dalawang beses ako nasupalpal ng babae ngayon araw na ito. Kamalas ko nga naman. Yung una, nagulat ako na kasabay ko siyang uuwi ng 8pm, dahil alam ko na hanggang 2 lang siya eh, so ayun, hinintay ko siya kahit mag 8:15 na. Tapos nung magkita kami ay wala lang, no reaction, ok na sana eh, nagtanong pa siya ng "Si *bleep* ?". Kaasar naman, hinanap niya pa. Pabiro ko siyang sinagot ng "Bakit na mimiss mo na?". Sagot niya ay oo dahil hindi daw sila nagkita ngayong araw na ito eh...kaboom! Nagtanong pa kasi no? Hahaha..katulad na naman nung dati..same signs, maybe the same outcome..yung next naman ay sa Ragnarok. Matagal na kaming hindi nag uusap sa YM at pati narin mismo in-game. Kanina nagkita kami sa usual tambayan ng guild. Saya sana pag uusap namin ng dumating yung guy na gusto niya. As usual dedma na ako. Malas naman...Buti na lang may work ako at nakakalimutan ko ang mga bagay na ganito. Haayy..totoo ngang you can't have everything, in my case, I can't have love...

Sunday, June 26, 2005

Toycon 2005

Weeee~~~!!!

Ang saya sa toycon! (parang bata no?)

Grabe...biggest con nga! with almost 57(?) cosplayers, countless booths and lots and lots of people. Toycon 2005 is the bigget ever!

Wahehehe...saya nag EB buong Banned members! Dami kong nakitang mga friends and students(!)

kita-kits na lang sa next convention ^^

Toycon 2005 gallery

Thursday, June 23, 2005

Basang Siopao

Inabutan ako ng malakas na ulan..grabe, walang kwenta yung payong ko! Ang bait nung jeepney driver kanina, sinakay ako kahit hindi siya byabyahe at hindi pa ako siningil ng bayad! sana madami pang tao ang katulad niyang mabait

History Repeats Itself

Naalala ko yung nangyari sa akin at sa kanya. Kaya pala kahit anong gawin ko ay walang epekto sa kanya ay dahil may mahal siyang iba. I saw the signs pero sinubukan ko parin. Pero as usual, mas pinili niya yung mahal niya. Kahit na ginawa ko ang lahat para malagpasan ko lang ang pagtingin niya sa taong yun. I failed, miserably. Ngayon, bakit parang nangyayari na naman lahat ng mga bagay na ito? Nakikita ko na naman ang mga signs. Dapat pa ba akong magpatuloy? Darating na naman ata sa punto na masasaktan ako. Nangyayari na naman yung nangyari na dati...ayoko na ng ganito. Ayoko ng umasa na naman sa wala. Haayy...I can never understand the mystery of love.

Sunday, June 19, 2005

Father's Day

Ngayon ay Father's Day. Grineet niyo na ba mga tatay niyo? Ako kahit na nasa Saudi tatay ko ay hindi ko siya nakakalimutan. Malaki utang na loob ko sa kanya eh. Alam ko kasi na nagpapakahirap siya dun sa Saudi para mapag aral lang kami. Buti na lang tapos na ako at nag tratrabaho na. Kapag nakaipon na ako at nakapag tapos na si Joanne (utol ko) ay ako naman ang babawi sa tatay ko. Ipagtatayo ko sila ng nanay ko ng bahay sa Baguio or Tagaytay at dun sila mag rerelax. Haayy..kelan kaya yun? Sana maging successful ako sa career ko...kahit na wala ni isa sa plano ko dati na mag instructor ako XD

Happy Father's Day to all!

Bilog Ang Mundo

Napatunayan ko kahapon na bilog talaga ang mundo. Nag sub kasi me ng klase na Comp04 ng mga 8am dahil wala namang pumasok sa klase kong CSCI03. So as usual tinanong ko sila kung anong pinagagawa sa kanila at ang sabi nila ay pinag reresearch sila ng latest operating systems. Ako rin siyempre nag nenet, post sa mga forums ko, etc etc. Tapos meron isang girl dito sa kaliwa ko ang nag foforums din. Nakita ko sa taas ng forum ay Oracle, so ang naisip ko ay yung Oracle ng Sun Microsystems, dahil nag "reresearch" nga sila hindi ba? Tapos nakita niya rin akong nag foforum kaya nilapitan niya ako at tinanong kung anong site yun. Sabi ko ay Banned forums yan at mga nag popost diyan ay adik sa iba't ibang bagay tulad ng anime,games at music. Sakto nakabukas yung site ko (eto) so pinakita ko na rin sa kanya. Napasigaw siya ng makita niya yung banner sa taas na Siopao Heaven at may pic ng character ko sa Ragnarok. Eto sabi niya: "Sir! ka guild kita!". Ako rin nagulat siyempre at tinanong ko siya kung anong name niya sa guild. Siya pala yung ka guild kong si Raindrops na lagi kong kausap kapag siege...ayos! matagal na pala kaming magkakilala online pero for the first time ay nagkakilala kami sa totoong buhay. Hehehe..bilog talaga ang mundo! XD

Friday, June 17, 2005

3 Day Hell

Tatlong araw akong nag proctor sa AMA. Proctoring is the act of watching the students during their exams. Baka iniisip niyo madali lang magbantay...diyan kayo nagkakamali! Ang pinaka kalaban ng isang proctor ay hindi estudyante, kundi ang BOREDOM! Grabe...lalo na kanina 8am-8pm ako nag proctor para sa CCS Dept. (samin) Buti na lang nagdala me ng novel, Harry Potter and the Order of the Phoenix ang title, at ito tumangal sa boredom ko ng 12hrs (actually 10.5 hrs lang proctoring pero kasma na dun break) Hindi pa tapos diyan ang lahat! Nagkaron pa ako ng MEMO..hindi yung memo ng priest sa Ragnarok ha XD kundi memorandum na failure to pass the prelim requirements. Anak ng siopao yan! Kaninang umaga lang sinabi sa akin tapos deadline ay 5pm. Hello?! Proctoring po kao ng 8am-8pm! San ko isisingit dun pag priprint ng exam? haayyy....leche! Kaya ng pag uwi ko ay nakinig na lang me ng buong album collection ni Utada Hikaru hehehe. Kumpleto ko na ung album niya eh, album lang ha, ang daming ginawang singles neto hehehe. Tapos meron isang kanta si Utada na nagustuhan ko eto lyrics o:

Moving on Without You
Utada Hikaru
Album: First Love


* Nothing's gonna stop me
Only you can stop me
*Nothing's gonna stop me.
Only you can stop me.

Yonaka no san-ji a.m.
Makura moto no PHS
Naru no matte 'ru
Baka-mitai ja nai


Tokei no kagami ga naru
Otogibanashi-mitai ni
Garasu no hai hiiru
Mitsukete mo dame

Kamau no ga mendou nara
Hayaku oshiete
Watashi datte
Sonna ni hima ja nai n' da kara
I'm movin' on without you

Fuzaketa aribai
Shiranai furi wa
Mou dekinai
Konna omoide bakari no
Futari ja nai no ni

** Setsunaku naru hazu ja nakatta no ni
Doushite
Ii onna enjiru no wa
Mada haya-sugiru ka na

* repeat

Youi shita serifu wa
Kanpeki na no ni
Mata denpa todokanai
Gozen yo-ji

Shizuka-sugiru yoru wa
Kangae wa abare-dasu no
Wakatte 'ru no ni
Kekkyoku ne-busoku

Anna yakusoku
Nou wasureta yo
Yubi wa mo kaesu kara
Watashi no kokoro kaeshite
I have to go without you

Kuyashii kara
Watashi kara wakarete ageru
Ii onna enjiru no mo
Raku ja nai yo ne

** repeat
* repeat

Tomadoi-nagara demo ii kara
Ai shite hoshii
Sonna koto iwanakute mo
Wakatte hoshii no ni

** repeat
* repeat

Wednesday, June 15, 2005

Batman Begins

Kanina nanood kami nila Tristan, Flo at Tin ng Batman Begins sa Glorietta 4, pero bago yun ay nag proctor muna ako sa College of Arts and Sciences kanina dahil simula na prelims sa AMA. Maganda yung movie grabe, pero astig din yung naglalaro ng Drumanin kanina sa Time Zone. Babaeng malupit mag drums, astig! naka nursing uniforma pa nga siya eh, hehehe, ako kasi hindi marunong mag drums kaya ganun na lang pagkamangha ko sa kanya.


On a side note:

Nagkalimutan na kaming dalawa no? Masaya na siya sa buhay niya ngayon at dapat hindi na ako magparamdam pa ulit. Ang bilis niya kong nakalimutan, sana ako din ganun lang kadali...

Sunday, June 12, 2005

My Little Bride



Free Image Hosting at www.ImageShack.us



Katatapos ko lang manood ng isang korean movie na ang title ay My Little Bride. Ang plot ng storya ay nakakatawa dahil napilitang magpakasal ng isang 16 years old na highschool student (Seo Bo-aun) sa kanyang kaibigang 20 years old na college student (Park Sang-min) alang alang sa huling kahilingan ng lolo ni Bo-aun. Basta nakakatuwa yung storya at may halong drama pa. Ang ganda nung gumanap na Bo-aun. Siya rin yung gumanap sa Tale of Two Sisters. Ang name niya ay Moon Geung-Young at ang cute cute niya grabe! Eto pic niya o:

Click image for larger view:

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Ang cute di ba?

Sana ganyan din ka cute magiging girlfriend ko...hehehe...nangarap na naman..

Unwind

Kahapon natapos na namin ung mga exam at for approval na siya. Grabe ang tension sa faculty kahapon lalo na nagkaroon kami ng faculty meeting. Nung uwian na ay nagyaya sina Ma'am Pearl na manood daw ng sine, Mr. & Mrs. Smith. Kaso mga 8 pa sila aalis dahil si Julie ay may klase pa ng 5-8. Eh ayoko namang magpagabi pa ng 8 dahil napapagod na ako. Kaya sumama na lang ako kay Tristan pauwi, BTW, kasama niya namin si Flo pauwi at nagpababa na lang ako sa KFC Mindanao. Nung nasa bahay na ako ay kumain muna tapos nood ng tv. Kaso naisip ko, ngayon lang ako makikipag bonding sa mga co faculties ko at wala rin naman akong gagawin dito sa bahay eh. So tinext ko si Sir Manota at sabi ko susuod ako sa SM pag pumunta na sila. As usual nauna ako sa SM (malapit lang ako eh) at naglibot libot muna. Nung nag text si Sir Manota na nandun na sila ay sabi ko magkita kita na lang sa tapat ng Cinderella. Ang mga nagsisama kay Sir Manota ay sina Julie, Ma'am Pearl at si Herlan. Umakyat na kami para manood pero nalaman namin na ang daming taong nakapila, kakaasar. so nag plano na lang kami ng ibang gimik para hindi naman masayang ang gabi. Dala ni Herlan yung tsikot niya kaya naisip namin na mag KTV na lang, pero kain muna daw kami sa Don Henrico's sa West Ave. Nung nasa Don Hen na kami ay binati kami ng chinitang receptionist (chinita pa talaga amf) at umorder kami ng pizza (sea food) at bottomless na icedtea. Habang kumakain ay nagkwentuhan kami at nagbiruan na akala mo ay mga magkakabarkada sa college. hehehe. After kumain ay pumunta kaming Big Shots sa Delta. Bilyaran siya pero may mga KTV sa loob. Ayos may bikini competition pa sa loob hehehe. (islash gee gee) Ang usapan namin at dapat kumanta si Julie kahit isang kanta lang, dahil never daw siyang kumanta. Kanya kanya na kaming pili ng songs at ang selection ko ay ang Harana ng Parokya ni Edgar, What do I do ng Nyoy Volante & Mannos at Kimi ga Suki da to Sakebitai ng BAAD [Slam Dunk OST] (OO MAY JMUSIC SILA AMF!). Nung pinakanta nain si Julie ay nagulat kaming lahat dahil ang ganda pala ng boses niya hehehe. Mga bandang 2 ng umaga na kami umuwi pero hinatid muna namin si Julie sa Muñoz dahil tiga Bulacan pa siya (amf!) Ang saya, what a way to unwind after work.

Araw ng Kalayaan



Free Image Hosting at www.ImageShack.us



Ngayon ay diniriwang natin ang ika-109 anibersayo ng ating kalayaan. Ako ay natutuwa na isa akong Pilipino ^_^

Wednesday, June 08, 2005

Azumi 2 : Death or Love

Nanood me kagabi sa vcd ng sequel ng favorite kong movie na Azumi. Starring the jpop singer Ueto Aya, ang storya ng Azumi ay tungkol sa mga assassins na gagawin ang lahat para matapos lang ang binigay sa kanilang mission. Nagsimula kasi ung part 2 sa pagtugis nila Azumi sa nag iisa na lang nilang target, si General Sanada, at napatay na nila ito ay wala ng gera. Ang gusto ko dito sa Azumi 2 eh nandito si Chiaki Kuriyama! Ang one and only "Go Go Yubari" ng Kill Bill. Ang ganda niya dito grabe! Ang name niya dito ay Gozue at kasma siya nila Azumi sa pagpunta sa Mount Kudo kung nasaan si General Sanada. Ganda talaga ni Chiaki!

Click image to enlarge:



Sana ang maging girlfriend ko ay kasing ganda niya

SPOILERS AHEAD!

Ang pangit lang kasi eh traydor si Chiaki dito eh at pinatay niya yung kaibigan ni Azumi, kaya ayun, pinatay din siya ni Azumi ~_~ Oh well, kesa naman sa Kill Bill na tinamaan lang siya sa ulo ~_~


Oo nga pala, matanda lang ako kay Chiaki ng 28 days. Wahehehe

Thursday, June 02, 2005

I Hate Thursday

GRABE!!! ARRGHHH!!! From 10 am to 8pm klase ko ngayon! isang oras lang break ko kanina T___T Pagod na ako! Gusto ko na matulog! ~_~ Every Thursday ganito na lang lagi. Pero tuwing nakikita ko mga istudyante kong masaya ay nawawala pagod ko *sniff* Oh well, that's life • _____ •

I need somebody to love me....

What Colored Lightsaber Would You Have?

Red
You were destined to have a Red Lightsaber.

Red is the color of fire and blood, so it is
associated with energy, war, danger, strength,
power, and determination as well as passion and
desire. You have seen the Strength and Power of
the Dark Side of the Force and have you thirst
for more of it.


What Colored Lightsaber Would You Have?
brought to you by Quizilla