Wednesday, August 31, 2005

Si AK ba ito o hinde?

Pasensya na sa mga nasusugid kong mga tigasubaybay ng blog na ito (meron ba?) Medyo naging busy ako dahil finals last week ng AMA kaya inasikaso ko mga requirements para naman ma renew ako next trimester no. Anyway, on with the topic. Kanina kasi nag G4 kami ni Tristan dahil galing kami kung saang OB (official business) Kumakain kami sa KFC ng sinabi ni Tristan sa akin na tumingin sa likod. Pag lingon ko ay nakita ko si AK...amf d pala! kamukha lang! hahaha! Unang tingin talaga promise na si AK yun! Pati buhok, damit at bag pareho. What an uncanny ressemblance! Kayo na lang mag husga, eto yung pic o:


Click to enlarge:

Monday, August 22, 2005

Payback

Haayy pagkatapos ng lungkot at pighati ay biniyayaan naman ako ng Diyos. Kanina bumili kami ng mom ko ng Nokia 6260. Nagulat nga ako eh, d ko talaga expected yun. Birthday gift daw nila sa akin. Yeba!

Ito nga pala yung 6260

Image Hosted by ImageShack.us


Hehehe

la lang

from 5210 to 6260

What a leap lolx!

Saturday, August 20, 2005

Wag naman ganun..

Ok na sana eh. Kinalimutan ko na yung nangyari nung thursday. Pero bakit ganun? Bakit ganun siya? Kanina kasi nakita ko si Ma'am Pearl, sabi niya sa akin "Uy, nakita mo ba si ***** ngayon? Ang ganda ganda niya" So ako naman hinanap ko siya, kaso hindi ko makita eh..Tapos bandang hapon na ng nag papanel kami nila Ma'am Pearl ay dumating siya. Ang ganda niya nga, lalo na nakalugay buhok niya. Para ngang nirelax eh. So binati ko siya. Hi *****, blooming ka ngayon ah" Kaso ang inirapan niya lang ako. Oh well, ok lang yun, pero hindi eh, Tuwing kakausapin ko siya ay wala siyang imik sa akin. Parang nagmumukha akong tanga. Bakit naman ganun? Hindi namana ako nag react nung thursday ah. Hindi naman ako nagwala or something, ganun parin naman pakikitungo ko sa kanya ah. Pero bakit ganun? Parang binura niya na ako sa buhay niya? Aba'y nung nasa thesis room kami pansin ko ako lang hindi niya kinausap ah. Haay...hindi ko na alam gagawin ko..

Friday, August 19, 2005

Di na ako aasa pa

Di Na ako Aasa Pa - Introvoys

INTRO


Ilang gabi na akong lito
'Di ko maisip kung bakit nagkalayo
Mahal kita ngunit mahal mo siya
Ang hinihiling ko lamang mahalin ka niya


CHORUS
'Di na ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik, saka na lamang ngingiti
Tandaan mong mahal kang talaga
Tanging ikaw lamang ang nasa aking alaala


INTERLUDE


Naglalakad, hawak-kamay
Tila bang ligaya n'yo'y walang katapusan
Ang nakaraan nating dalawa
'Di ko na makita sa 'yong mga mata


[Repeat CHORUS]


BRIDGE
Sa iyo sana'y maghihintay
Ito ang gusto ko sa habambuhay
Ngunit...


[Repeat CHORUS twice]


'Di na ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik sa aking piling
Saka na lamang ngingiti
Tandaan mo, mahal kang talaga sa akin, giliw
Tanging ikaw lamang, nasa aking alaala


CODA
'Di na ko, 'di na ko, 'di na ko aasa pang muli
Kung ikaw ay babalik sa aking piling
'Di na ko, 'di na ko, 'di na ko aasa pa... sa 'yo

Thursday, August 18, 2005

Fatal Blow

Haha..kanina parang na Asura Strike ako. so bale 8am-8pm na naman kami kanina kasi finals na. Sabay sabay na kami nagsiuwian (sana hindi na lang ako nakisabay) at sakto, sinundo si IM ng parents niya, nakisabay na rin ang buong faculty. Naka L300 kami nun kaya nagkasya eh, nung nasa nagbayabyahe na kami ay nagsimula na ang todo pang aasar ng mga faculty kina JA at IM. Boto lahat sa kanilang dalawa, hehehe, sa akin? wala eh.. ganyan talaga eh..ok na sana eh, kaso napansin ata nila na tahimik lang kao sa isang tabi. Ayun bumanat ba naman na "Wag kayong ganyan nasasaktan na si Andrew" Sabay tawa nilang lahat..ayos..dinagdagan pa nila yung sakit na nararamdaman ko..Feeling ko nananakit na dibdib ko nun eh..gusto kong umiyak..kaso may magagawa ba yun? Alam naman ng lahat na ayaw sa akin ni JA. Gusto naman siya ni IM, medyo ok naman silang dalawa kaya may pag-asa si IM. Pero hindi pa tapos yun! May lumitaw pang isa. May lihim pala na pagtingin si JA kay TD, so tama pala pakiramdam ko..saya no? nahihirapan na nga ako sa isa, may isa pa pala. Hindi ko na talaga alam gagawin ko nun, kung alam lang nila, naiiyak na ako nung bumaba ako ng L300. Buti na lang nung sumakay me ng FX ay ako lang mag isa sa likod, lumuluha na ako nun eh. Sana naman binigyan nila ng konsiderasyon damdamin ko..pero ganun talaga eh. Sino nag naman ako hindi ba? Bago pa lang naman ako sa faculty eh, kaya walang papabor sa akin. Magpakasaya na sila, alam ko naman ang dapat gawin eh...kung saan masaya ang mahal mo ay hayaan mo na lang siya dun..kahit na kapalit neto ay mawawala siya sa piling mo ng tuluyan..ganun talaga eh..kelan kaya darating yung panahon na hindi ko na kailangan magsakrapisyo, na ako naman ang pipiliin? Asa ka na lang Andrew...

Monday, August 08, 2005

Faculty Outing

Pagkatapos ng PACUCOA....binigyan ang CCS Faculty ng 40k(pesos hindi zenny!) bilang premyo ng paghihirap nila para sa preparation ng PACUCOA. Siyempre swimming na yan! Umalis kami sa AMAQC ng 10pm. Kami ang 3rd batch na pumunta sa Rodora ville (Das MariƱas, Cavite). Sumakay kaming 16 sa nirenta ng Tamaraw FX..oo 16!! Amfofo nagkasya kami! Pulos kandungan lahat ng babae at siksikan ang mga lalake! Mga 1 1/2 na oras ang biyahe mula sa AMAQC papuntang Rodora kaya nagkanda manhid manhid mga paa at hita namin. Hehehe...Nung dumating kami dun ay nag vivideoke yung mga naunang btch sa amin, yung iba nag swiswimming, pero kami, diretso sa dining table at nilantakan ang mga pagkain! Hahahaha! Tapos nun ay dumiretso na kami sa mga room namin para ilagay ang mga gamit at para makapag bihis na rin. Na excite akong mag swimming kahit na hindi ako marunong lumangoy, hehehe, kasama ko kasi si JA eh. Amfofo, naalala ko nung naumpog si JA sa gutter kasi dirediretso ba naman lumangoy, tapos ako sinisisi noiya dahil hindi ko daw siya sinabihan, bawas daw sa points ko un! T__T hindi ko nga nakita kasi tinamaan ako sa mukha nung kamay niya eh. Hindi bale, bumawi naman ako nung naglaro kami ng ikot-ikot sa pool (ung bubuo kayo ng bilog pos iikot kayo ng parang isang malaking merry go round) Magkahawak kami ng kamay nun at feeling ko, hindi ko nararamdaman ang lamig ng tubig. Hehehe..Nung masyado ng malamig eh umahon na kami at dumeretso na sa function room at kami naman ang nag videoke. Hiyawan ang lahat ng kinantahan ko si JA ng Harana ng Parokya ni Edgar. Pero may rebelasyon din nung gabing iyon, Nagtapat ang isa kong kaibigan na may gusto rin pala siya kay JA..amf! Close pa naman sila ni JA...paksyet! Handicap na naman ito para sa akin...sweet pa nga nung dalawa eh, pos umakbay pa si JA sa kanya nung nanonood kami kina Sir Jechoy kumanta...oh well, hindi dapat ako mag selos, ayokong masira ang gabing iyon ng dahil lang dun. Mga bandang 4am ay nagkayayaan kami ulit mag swimming. Kaso pag lubog namin sa pool ay...LAMEEEEGG!!! potek! Parang naligo kami sa yelo! Kaya yun natulog na lang kami hehehe. 7 kami sa room (all boys) 6 kami sa 3 double deck tapos si sir roni sa sahig..ehehe. Nagkwentuhan kami tapos ung inaantok na ay nagkayayan ng matulog. Kaso sina sir felix at sir mark ay nag trip pa! Pag gising ko kasi nung umaga ay may nakadikit sa noo ko, siopao daw kasi amf! si sir jechoy naman ay may uling sa mukha at si sir roni nman ay imbes na cellphone niya ang hawak niya ay napalitan na ito ng tinapay! Lakas nila mag trip amf! Nag ihaw kami ng barbecue at hotdog para sa agahan at lunch na rin. Umalis yung iba ng 10am pero kaming mga nahuli kagabi ay nag extend ng hanggang 1pm..yeba! Pag uwi ko ay nag simba me at natulog na..kaso inaantok pa rin ako!!!

Gallery ng kalokohan!

Thursday, August 04, 2005

.......

Bakit ba malas ako sa pag-ibig kahit kailan? Mahal na mahal mo na nga ang tao pero kahit annog gawin mo ay balewala ka pa rin. Parang, "I love you" tapos reply niya "So what?". Tama nga, sometimes love just ain't enough. Kahit na marami ang boto sayo, kahit na panay ang build up sayo, kahit na magpaka sweet ka, magpaka gago ka, kung ayaw niya sayo, ayaw niya sayo. PERIOD! Pamilyar hindi ba? Nangyari na sa akin dati to eh (kung mag react man yung "dati" na yun, who cares?) Pero ang nakaasar, may mga tao na laging nang gugulo, lalong nagpapahirap ng sitwasyon, mga taong ayaw ako paligayahin, mga taong tinuturing mong kaibigan pero inaahas ka. Pota, 2 beses na niya ginagawa sa akin to ah! Sana masaya na siya no? Nagkaroon na siya ng girlfriend dati, pag bigyan nya naman ako d b? Ok sana kung healthy competition eh, pero brinabraso na niya ako eh. Kaya siguro minamalas siya dun sa ex niya kasi mahilig siyang makialam sa iba eh. Bakit kung sino pa yung tunay na nagmamahal ay siya pang madalas binabalewala?

Kapag pag-ibig na ang pinag uusapan, wala nang kaibikaibigan...