Wednesday, November 30, 2005

Secret Admirer

Nope, hindi po sakin ung admirer na yan, dun yan sa babaeng pinakamamahal ko.


Well ganito kasi yun eh. Walang load si JA. So nung nasa SM North ako, balak ko sanag loadan siya. Kaso nalaman ko na lang, may nakauna na sa binabalak ko. Takte, sino yung nag load kay JA? Meron ba siyang secret admirer? Last week ko pa kasi inaalam kung meron nga eh, kasi yung sa voting results ng Si Sir..Si Ma'am ay may isang number na madaming votes na nakapangalan sa kanya. Tinanong ko na lahat ng kakilala ko kung alam nila ung number pero walang nakaka alam. Mismo siya tinannog ko na rin pero hindi niya rin alam. Ewan ko ba, dapat masaya nga ako na madami nagkakagusto sa kanya eh. Kaso, yoko yung stalker type. Ako ang natatakot para sa kanya eh, tsaka, ako pa napagbintangan na nagbigay ng load sa kanya. Basta, wag naman yung patago. Well matapos yung Si Sir..Si Ma'am ay expect ko na madaming magkakagusto sa kanya, dapat kong tanggapin kung ano na kalalabasan ng lahat..makakabuti man sa akin o hinde..

Monday, November 28, 2005

Untold Love

Sometimes, The things you do is completely different from the ones deep within your heart


You have a very special feeling to this very special person. Everytime you see this person, you feel "butterflies" in your stomach or do you experience those "heart pounding" moments everytime that special someone is right beside you? Maybe..just maybe you are experiencing love. I know I know, people change when the element of love is mixed within a relationship, either there's a good outcome or the end of your friendship. No matter what the outcome is, there is a point in time that you wanted to tell that person how you feel, It is just that you are afriad of what will happen next. Those feelings, if you just think about them, they won't reach the other person. look what happened to me, the more I kept to myself how I felt about her, the more pain I felt inside everytime she's with the one she love. Because of my cowardly act, Her heart now belongs to somebody else, Even if I cry now, These tears will not return the moment I had my chance. But at least..I am happy for her, for she has found her Romeo....


Saturday, November 26, 2005

UP AME's kAME Ulit!

Kanina ay ang year 2 ng anime convention ng UP AME (Anime and Manga Enthusiasts) na maalala niyo last year ay UP AME's Una kAME



Well this time, nag cosplay ako! Kasama ako sa X/1999 groupie at take note, madami kami sa group na yun. Pero ang pinakamalupit ay ang Guilwars groupie nila Robert Wong. Nagsayaw ba naman sila ng Dragostea Din Tei (Numa Numa Dance). Grabe, as in napa wow nila ang crowd! Tumugtog din sina X at ang banda nilang Do'Ahou. Nandun din Progeny, Neotaku at Zero percent Off na kumanta na naman ng Mojacko hehehe.

Nakakapagod mag cosplay, pero masaya at madami akong nakilala. Believe it or not..may fans na ako hehehehe

Eto na ung gallery at ito pa

Wednesday, November 23, 2005

Si Sir..Si Ma'am Pwede! Year 4

Pang apat na taon na ng Si Sir..Si Ma'am Pwede! Grabe, naging beauty contest na naman ang dating



Ang mga contestants ay ang mga sumusunod:

-CCS Department-
Julieta I. Alcantara
Credielle S. Suelen
Richard Morris Santos
Jake Tipon

-COE Department-
Carlo Roque
Aileen Grace Sison

-CAS Department-
Rachelle Mosquera
Larry Ambion

at ang results:

3rd Runner-up
Julieta I. Alcantara
Jake Tipon

2nd Runner-up
Rachelle Mosquera
Carlo Roque

1st Runner-up
Credielle Suelen
Larry Ambion

Champion
Aileen Grace Sison
Richard Morris Santos












Friday, November 18, 2005

When will I say it?

Why is it everytime I'm with her, All my problems are swept away and my eyes just focus on her.



Everytime I talk to her, my heart keeps pounding and pounding. She takes a little effort for me to smile. She is my dream, my everything. But there's a problem, she doesn't know it...yet. I don't have the courage to tell the truth. The truth that I love her, That I care for her. That I wanted to spend eternity with her. It's like fear eating me up, the fear of rejection, and the fear of losing her. Could i say it? Should I say it? Or think about our friendship and let it be....?

The Goblet of Fire

Kahapon ang showing ng Harry Potter and the Goblet of Fire pero kanina lang kami nanood


Grabe ang daming nanonood sa Glorietta 4! Kaya nag sure seats kami para sigurado na makakaupo kami. 8 na yun ng gabi, kaso 9:20 pa next showing. Hahahaha kaya ayun! Kumain muna kami ni Tristan sa Shakey's tapos naglakad lakad. Pumasok na kami sa sinehan bandang 9:10 pra makakita ng trailers. Puno ah, kahit last full show. Ganito talga mga tao dito, mga adik! Ok naman yung movie, in fairness ay based lahat sa book, unlike nung prisoner of azkhaban na may onting revisions. Mag a-alas dose na ng matapos ang m,ovie, at pinasya namin na mag taxi na lang pauwi. Pag uwi ko ay sinalubong ako ng nanay ko, sinermunan ako hahaha!

Wednesday, November 16, 2005

Bagong Sahod

Kanina na withdraw ko na sahod ko at manonood sana kami ng Harry Potter and the Goblet of Fire..kaso bukas na lang XD



Mag isa kanina ako sa SM eh, kaso nung namasyal ako sa cyberzone ay nakasalubong ko ang 2 nag gagandahang dilag (sepsep!) Namamasyal si Julie at Pearl sa SM at niyaya na nila ako na sumama sa kanila. Ayun, sinamahan ko sila mamili. Bakit ganun ang mga babae no? Kailangan talaga nila ng DSS (Decision Support System) grabe sila mamili eh! Hindi nagtagal ay nagutom na ako (ako lang!) kaya yun kumain kami sa bagong bukas na fatchoi sa Cyberzone. In Fairness masarpa pagkain nila ha, may libre pang fortune cookie eh. Eto nga pala fortune ko:



It is when we do the little things that we are able to accomplish great things



Oh ha! Astig no? Matapos nun ay naglibot libot pa kami at napagtripan ni Julie na bumili ng bag. Aba'y tagal niyang pumili ah! Ayun inabot kami ng closing time at hindi rin siya nakabili...adik kasi eh!

Hinatid ko na sila hanngang sa rd. 20 lang kasi bibili pa sila ng gamot sa botica eh. Ayun, sarap ng araw no? Nood me Harry Potter tomorrow...










Monday, November 14, 2005

Viva Eddie Guerrero




A great wrestler, a people's champion



WWE is deeply saddened by the news that Eddie Guerrero has passed away. He was found dead Sunday morning in his hotel room in Minneapolis. Eddie is survived by his wife Vickie and daughters Shaul, 14, Sherilyn, 9, and Kaylie Marie, 3.

The cause of death is unknown at this time. An autopsy will be performed in Minneapolis on Monday, and Eddie's body will then be flown to Phoenix. Funeral arrangements are set for Wednesday in Scottsdale, Arizona.

Eddie's career highlights

Sunday, November 13, 2005

Saturday Madness

Umalis na ang la Naval sa AMACU, Saan naman naggala ang tropang gala?


Kahapon ang last day ng La Naval sa school kaya naman nagkaroon ng misa para pasasalamat at pamamaalam sa Birheng Maria. Bago yung mass ay nagkaroon pa ako ng pagkakataon na makausap ang babaeng pinakamamahal ko kaya masaya ako nun. Fast Forward. Nagpuntak ami ni Tristan at ni Ralph sa Philippine Trade Center para sa HERO launch. Aba'y hindi kami pinapasok sa loob! Dami na daw tao eh. Madami nga pero madami na ring naglalabasan. Hindi ba sila marunong mag math? Haayy..kaya ayun, naglibot kami sa Pasay, tapos napadpad kami sa Aliw Theatre at napag isip isip namin na mag Baywalk na lang. Ayun, naglakad kami ng naglakad hanggang mapadpad kami sa Baywalk. Sarap talaga tumambay dun, minsan nga sama ko siya dun at magkwekwentuhan lang kami sa ilalim ng buwan. Oras na para kumain, naghanap kami ng makakainan, naglakad sa Malate, walang nagustuhan, naglakad pa, umabot kami sa Robinson's Ermita. Dun kami kumain sa Sbarro hehehe. Lakas ng trip no? Oo nga pala, nakita namin dun yun ex ni Ma'am Rap, amf may kasamang chicks. Bilis niyang magpalit ah! Sayang, mahal pa rin siya ni Ma'am, ewan ko ba, Ganun eh. Anyway, matapos kumain, naglibot pa at nakakita kami ng hobby shop na madaming tinda na action figure at comics! Takte pag nagkapera ako ay bibili ako ng madaming comics! Sa wakas, tinamaan na kami ng pagod, kaya ayun, nagsiuwian na kami






















Friday, November 11, 2005

La Naval @ AMA 2005

The replicate image of the Blessed Virgin Mary of La Naval is once again back in our campus









Ang pinagkaiba lang, dati student pa ako nung huling punta niya, ngayon ay isa na akong instructor. Malaking utang na loob ko sa La Naval, nagkatotoo ang wish ng dahil sa kanya. Natagpuan ko na siya, ewan ko ba, nung nasa harap kami kanina ng La Naval ay parang tumatagigtig ang puso ko. Hindi ko lang kasi masabi sa knya ang nararamdaman ko eh, onti pa, hindi pa napapanahon. Mahal ko na nga siya, hintayin ko na lang na ganun din maramdaman niya sa akin. Kailan pa kaya un?



Thursday, November 10, 2005

Basta lang mapangiti siya

Buti na lang sandali lang aming tampuhan


Nakabawi agad ako sa kanya, lam ko naman na ako yung may kasalanan eh, kaya ako na ang gumawa ng paraan para makapag bati kami. Haay, ang sweet sweet niya kanina, sayang kaibigan lang talaga eh. Pero mabuti na yun hindi ba? Mabuti ng magkaibigan kami kaisa mawala naman siya sa piling ko, pero naalala ko sinabi ni Ma'am Che eh..sino bang makukuntento sa kaibigan lang?


I still need more time

Tampuhan

Ang buhay parang gulong, minsan nasa taas ka at minsan nasa baba ka. Kanina'y masaya kaming dalawa ngunit ngayon nagkatampuhan na.

Kasalanan ko kasi eh, bakit ko nga ba siya pinangunahan? May seminar kasi ngayon ang isang klase ng technoentrepeneurship at ang mga students ko sa subject na yun ay students niya mamaya. Sabi ko kasi na papuntahin niya ang mga yun sa seminar dahil required sila, pumayag naman siya eh, ang problema kasi sakin, nagmamagaling, sinabihan ko ang klase niya na dumiretso na sa seminar at ako ang kukuha ng attendance nila. Nagalit sakin siya dahil ako na ang nag desisyon para sa klase niya, ang tanga ko talaga, nadala kasi ako eh, feeling ko kasi close na kami, hindi nga pala. Haay..mag iisip na ako ng paraan para makabawi sa kanya.

Wednesday, November 09, 2005

Getting to know you

Sa wakas nagkakilala na kami ni AS



Una, nagpunta ako ng maaga sa EB building para makaiwas sa mga galit na officers. Tapos may nakasabay akong babae pag akyat ko ng hagdan, AMF! si AS pala! Ganda ng umaga ko =)

After lunch ay nagpunta ako sa faculty nf college of engineering para bisitahin ang mga friedly friends ko na sina angelo at caloy. Tapos habang nagtatawanan kami ay biglang bumukas ang pinto at sakto, pumasok si AS! OMG! Natulala ako! Tapos pinakilala ako nila Angelo sa kanya. Wow grabe! Feeling ko lilipad ako nung mga sandaling yun! Tapos nalaman ko pa na birthday niya pala at siyempre greet ko siya hehehe. Ang tanga ko nga eh, nakalimutan ko itanong cell nuber niya, TSUGUG! Hindi bale..madami pang mga araw eh..

Ang Babae sa CC205

Kanina nung naglalakad ako papunta sa Cisco lab ay may nakita akong mala anghel sa CC205



Amf! Ang ganda niya grabe! Long hair na straight tapos naka eyeglasses! Takten aalala ko tuloy yung galfriend kong si Maoi (God I missed her) Grabe, sa sobrang ganda nung girl ay hindi siya mawala sa isip ko up until now (kaya nga pinost ko eh)Nalaman ko sa mga ka berks ko sa College of Engineering na new faculty member pala siya, AS ang initials niya (hindi ko babangitin to protect her identity) at take note ENGINEER siya. Bigatin! Dapat makilala ko na ito sa lalong madaling panahon hehehe


Something else:

Nakita ko sa blog ni Catsy:



Reminds me of AK and Catsy on a hybrid lolx


Tuesday, November 08, 2005

Bad day

Umaga palang kahapon ay maasim na ang simula

Nakakasar kahapon, sa sobrang asar ko ay hindi ko na napost kagabi pa, hehehe. Umaga palang ay napagalitan na ako ni Dean Magada dahil daw mali yung room ko, oo nga naman eh, sa EB212 nga naman dapat ako, bakit nasa EB312 ako? Tungaw talaga ako, nung klase ko ng 3-5 ay biglang nag Classrom Observation (CO) si Ma'am Mendoza, shet, nagulantang ako! Takte, baba ng nakuha kong remarks, dun pa talaga siya natapat sa MULMEDFA, section ng mga pasaway pumasok! Pero may maganda namang nangyari kahapon eh, nakita ko na si JA ulit pagkatapos ng isang linggo. Pinagalitan ko nga siya eh, kasi ba naman, tinatawagan ko siya hindi niya sinasagot, nag alala tuloy ako sa kanya. Pinamigay ko na nga pala yung pasalubong ng parents ko galing Baguio, mga chocoflakes as usual, pero ngayon, mas madami na binigyan ko. Hay, if it's not your day, it's not your day!

Sunday, November 06, 2005

Soul Calibur 3

Sa wakas na release na yung all time favorite arcade game ko

Love at first sight to sakin eh, noon nung tambay pa kami sa quantum ay ito na nilalaro ko, yoko tekken eh, puro mga jologs nakapila dun XD. Buti pa yung mga naglalaro ng soul calibur. Naalala ko pa nga nung nag print pa ako ng moves list ni Sophitia (favorite char ko next si Seung Mina) at ang practice ako ng nag practice. Hanggang sa lahat ng humahamon sa akin ay natatalo ko na (yabang!) Bumili pa nga ako ng Sega Dreamcast eh apra lang malaro ko ito hehehe. Oo! Soul Calibur lang ang dahilan kung bakit ako bumili ng Dreamcast! Tapos lumabas yung Soul Calibur 2 sa ps2 (pero may ps2 na ako talaga nun!) Ngayon part 3 na at sa tingin ko ay last installment na ito sa ps2, ano kaya itsura ng part 4 sa ps3? Hindi na ako makapag hintay!

Screenies! Click to enlarge ^__^








Honga pala, yung Valerius, Althea, Yuki at Saint Angel ay mga custom characters ko

Tuesday, November 01, 2005

Alodia Fans Club Forums

Today marks the launch of Alodia Fans Club Dicussion Board, To unite all of Alodia Gosiengfiao fans out there

Join now by going to this url

http://alodiafansclub.gameops.net/