Monday, January 09, 2006

First Day Funk

Today is the first day of classes, 3rd Trimester 2005-2006





Sa wakas ako na ang may hawak ng Cisco1 wo0t! MEH 15 73H L337! Madami pa nanagyari kanina bukod sa pagiging instructor ko ng Cisco 1, Medyo kasi nagkaroon kami ng hidwaan ng Program Head ko nung bakasyon. Kanina nagkausap kami ng masinsinan, naiyak nga ako eh, madami kasi akong naging kasalanan sa kanya, Pero kahit na pasaway ako, mahal pa rin ako ng program head ko, at dun ako naiyak. I am not worthy of that love, karapat-dapat bang mahalin ang isang dilingquenteng tulad ko? Haayy..

Hindi pa dun natapos pag iyak ko. Nakausap ko sa MSN yung friend ko since college. Nagalit siya sakin, kasi nung simula nung nasa US na siya ay hindi na ako nagpaparamdam sa kanya. Kasalanan ko kasi naging pabaya ako sa friendship namin. Ngayon ko lang narealize na napaka sama kong tao. Madami na ako sinasaktan ng hindi ko nalalaman. Gustuhin ko man ibalik ang dating masiglang samahan ay sa tingin ko malabo na. What a great way of starting school in 2006 ne?

2 comments:

BarOks said...

tol instructor ka nang Cisco1?

astig naman!

nag Cisco din ako e, natapos ko hangang Cisco 4 kaso nde pa ako nagvovoucher exam.. tska puro kodigs lang ako sa Cisco kaya wala ako masyado alam.. hehehe...

san skul ka teacher?

Siopao Master said...

sa AMA Computer University hehehe