Wednesday, January 11, 2006

Kailan ba?

Hindi ko masabi kung anong kasiyahan ang naramdaman ko kanina. Halos ang buong araw ko ay isang napakagandang panaginip.


Parang ayoko ng matapos pa ang araw na ito, parang ayoko ng matulog. Gusto ko kasi magtagal pa kahit sandali na lang ang kasiyahan na nadarama ko ngayon. Kanina nung nag uusap kami sa room niya, para kaming dalawang bata na nagkwekwentuhan ng mga bagay na masasaya. Na kahit na maliit na bagay, basta masaya, pinagkwekwentuhan namin. Nung kaming dalawa lang sa faculty, nasasabi ko sa kanya ang mga bagay na hindi ko masabi noon. Ewan ko ba, may lakas na ba ako ng loob para sabhin sa kanya ang totoo? Tinanong niya pa nga ako "Bakit ba lahat na lang ng hinihiling ko ay sinusunod mo?" Nasa isip ko na kung alam niya lang kung gaano ko siya kamahal, natatakot lang akong masira ang pagkakaibigan namin, kasi malay mo, ako lang pala nakakadama ng ganitong pagmamahal sa kanya, malay mo, hindi siya ganun sa akin. Ayokong isugal ang lahat ng ito para lang sa puso ko. Basta, masaya pa ako ngayon kahit na ganito lang kami. Kesa naman sa mawala siya sa akin ng tuluyan. Tsaka ko na lang sasabihin

1 comment:

Jepoy said...

sabihin mo na!!!!!!!!