Sunday, October 01, 2006

Ghost Hunting

Kanina walang gaanong students ang pumasok sa school kaya napag isipan naming mag ghost hunting.

Unang pinuntahan namin ay ang EB building at sa 2nd floor pa lang ay nakakapanindig balahibo na. Pero ayon sa kasama naming sidekick..este psychic, wala siyang nararamdamang kakaiba. Sadyang napakadilim lang talaga wakokoko. Sumunod ay naglakad lakad kami patungong chapel. Sabi ni sidekick ay may nakikita siya sa nag iisang puno malapit sa chapel. Astig! Next naman sa gym, kaso walang mumu dun kundi mga dance troop lang na nag prapractice ng sayaw. Tapos sumunod ay sa CB building naman, ayan na! Luma na kasi ito kaya alam niyo na hehehe. Sa 2nd floor ay nakaramdam ang sidekick namin sa student's lounge, madami daw, kaya nag picture kami (paki click para lumaki)

Virgin (untouched):



Devirginized (contrast correction)



Pagkatapos ay umakyat kami sa 3rd floor at naglakad sa corridor, wala rin buwisst! Pero sa dulo, may cr ng babae! Pumasok kami sa madilim na cr at tumingin tingin. May nakasulat sa salamin! Figure ng isang babae! Ano kaya ibig sabhin nun? Aakyat pa sana kami hanggang 7th floor kaso sinarado na pala ung hagdan pataas. Last destination ay ang CC building. sa 4th floor o library ay may naramdaman ang aming sidekick. Pinatunayan namin yun dahil noon pa man na students pa kami ay nakakaramdam na kami sa library. May mga misteryong bumabalot sa school namin at nandito kami para alamin kung totoo nga ito o kathang isip lamang..OKATOKAT!

No comments: