Thursday, May 07, 2009

Mga klase ng MRT commuters na makakasabay mo araw araw

Mga klase ng MRT commuters na makakasabay mo araw araw.

1. Music Lover - Sila yung mga taong may mga nakasaksak na headphones/earphones sa tenga kaya minsan sinisigawan na sila ng mga tao eh hindi parin nila naririnig.

2. Sleep walker- Pagsakay na pagsakay pa lang eh nakakatulog na agad. Talo ka dito mehn kasi kahit naka sabit, nakatayo o nakasandal lang eh nakakatulog siya ng mahimbing. ang malupit pa dun, pag dating sa istasyon niya eh automatic nagigising.

3. Koala - Grabe kung makakapit sa poste na bakal, pinsan ni Unggoy.

4. Unggoy - Grabe makakapit sa safety handles, grabe ring mag lambaras, nakakarating sa magkabilang dulo ng cart.

5. Paranoid - Tingin niya sa lahat ng tao dudukutan siya, pinsan ni Over-protective na siyota.

6. Over-protective na siyota - Tingin niya lahat ng lalake mamanyakin yung jowa niya, pero mehn yung babae mas mapangit pa sa kulubot ng siko ko.

7. Kapal muks - Sila yung mga walang pakialam sa nakakatanda, bata, buntis at mga may kapansanan. Ang importante ay nakaupo sila at natutulog kunwari.

8. Attention whore - Sila yung mga naglalabas ng cellphone at kung ano ano pang gadgets kahit wala naman silang gagawin dun. Siyempre para pagyabang lang nila sa mga tao.

9. Karerista - Sila yung mga tumatakbo pagkababa ng tren. Animoy may premyo ka pag ikaw unang nakapag pasok ng card sa terminal.

10. Patay malisya - Sila yung mga nagpapatay malisya na sa exact fare sila nakapila tapos magbabayad ng buo, pinsan ni kapal muks.

No comments: