Tuesday, May 12, 2009

Time Travelling

Nauuso ngayon yung mga time travel. Sa palabas na Kamen Rider Den-O, nag tratravel si Den-O sa past para maayos yung present. Sino bang Star Trek fan ang hindi nagulantang sa time travel through black hole paradox sa currently pinalalabas na Star Trek sa sinehan? Naisip ko tuloy, pano kaya kung ako naman ang nakapag time travel?
Siguro ang una kong gagawin eh tumaya sa lotto, sa laban ni Pacquiao at sa karera ng kabayo. Siguro ang yaman ko na nun no? Tapos kukuha ulit ako ng exam, sa UP or Ateneo tutal sisiw na lang sakin yun kasi alam ko na eh. Eh di magiging suma cum laude pa ako nun di ba? Tapos ako gagawa ng DOS at Windows kesa si Bill Gates. Ang yaman ko na siguro ngayon no? Tapos ako rin gagawa ng iPhone para sobrang sikat at yaman ko na. Kahit sinong gusto ko mapapangasawa ko na hehehe. Pero napag isip isip ko rin eh, naka text ko kasi siya nung isang gabi, pinag usapan namin yung nakaraan. Kung naging mayaman nga ako at nag aral sa UP, hindi ako magiging teacher sa AMA, hindi ko mararanasan ang papaging basura ng AMA sa mga empleyado niya, kaya hindi ko maiisipang pumunta sa Informatics. Kapag hindi ako naging teacher sa Informatics, hindi ko siya makikilala. Yung inuman namin noong November 2007 siguro ang naging isa sa mahahalagang kaganapan sa buhay ko. Dun ko nakilala ang isang pambihirang nilalang na nakapag patibok ng puso ko. Sabi niya pa nga chickboy daw ako noon kasi halos lahat ng kaibigan niya pinormahan ko, tapos crush crush ko lang siya kasi mukha siyang haponesa. Siguro nga, kaya nangyayari ang mga bagay bagay sa buhay natin ay para rin sa kinabukasan natin. Hindi siguro ako matututo sa mga pagkakamali ko at sa mga bagay bagay sa buhay kung hindi nangyari ang mga yun. Ewan ko kung ano mangyayari sa akin sa hinaharap pero masaya ako sa kasalukuyang buhay ko. Kaya ako, aanhin ko pa ang time travelling? Magiging sikat ka nga at mayaman, pero wala ka namang kwentang tao.

No comments: